*.*.*.*.*

"BABY GIRL, may aaminin ako sa 'yo..." Nilalaro ni Green ang dulo ng buhok ko. Nandito kami sa kanyang unit at nanunuod ng movie na wala akong maintindihan. Mas nagfofocus kasi ang utak ko sa presensiya niya 'Di ko nga alam kung nanunuod ba siya dahil mukhang hindi rin.

"Hmmm? Ano 'yon?" Humilig ako sa dibdib niya. Sinubuan ko siya ng niluto kong popcorn kanina. Nakaupo kami sa sofa. Tinitigan ko siya nang matagal dahil walang kangiti-ngiti ang mukha niya. Sobrang seryoso. Hindi ako sanay. Madalas kasi siyang abnormal, eh. "Bakit?"

"May aaminin nga ako..." Napaayos siya ng upo at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya. Hindi siya mapakali.

"Ano ba kasi 'yon? Na mahal na mahal mo ako? Alam ko na 'yan..." Siniko ko siya sa tiyan niya at ako lang ang nasaktan. Pero nakatitig lang siya sa 'kin. Sumeryoso na rin ako. "Kapag 'di mo sinabi sa 'kin, uuwi na lang ako."

Mahigit isang linggo na kami. Ten days to be exact. Ang bilis ng araw, ano? September 12 na kasi ngayon.

Parang kailan lang bwisit na bwisit pa ako sa kanya sa mga kagagohang ginagawa niya.

Parang kailan lang ayokong nakikita ang mukha niya.

Parang kailan lang sinusumpa ko siya. Ilang beses ko bang nasipa ang junior niya sa sobrang irita ko sa kanya?

Parang kailan lang patay na patay pa ako sa kapatid niya.

And speaking of Grant... hindi ko na siya nakita simula nung ihatid niya ako sa bahay at sagutin ko si Green ng gabi 'yon. For sure, alam na niya kung ano'ng nangyayari? O umiiwas lang talaga siya? Hindi ko alam.

Hanggang ngayon kasi lihim pa rin ang relasyon namin ni Green. Sabi ko... patagalin muna. 'Di ko pa kayang harapin parents ko at ang barkada.

Kaya palihim lang kaming dalawang nagkikita.

Nagsisisi ba ako? Hindi ko alam.

Nasasaktan ba ako? Hindi ko alam.

All I know is that... I'm happy right now.

"I... I am not Silver..." Napakurap ako saka napatitig kay Green nang matagal. Hinihintay niya magiging reaksiyon ko. Unti-unti na nga siyang tinatakasan ng kulay sa mukha. At kitang-kita ko sa mga mata niyang nagsisi siya na sinabi niya ang bagay na 'to sa 'kin. "X-Xhai... say something, please."

"Okay," sabi ko.

"O-Okay?" Napahawak siya sa braso ko. As in... wala nang ilalaki ang mga mata niya ngayon.

Nginitian ko siya. "Alam ko..."

Matagal ko nang alam.

Actually, nagbubulag-bulagan lang talaga ako. Ang tanga ko kasi. Kitang-kita na ang mga ebidensiya, eh. Pero pilit kong binabalewala ang mga 'yon. Lately ko lang tinanggap ang buong katotohanan.

'Yong hairclip. Nagulat si Green nang sabihin ko sa kanyang galing iyon sa kanya. Kay Silver. Hindi ko lang pinansin, pero alam ko na nung mga panahon na 'yon.

Actually, alam ko na talaga na si Grant si Silver nung nagbakasyon kami sa Trese Paradise. 'Yung panahon na nagpakita sa 'kin si Silver sa dagat. 'Yung nakalimutan niyang magsuot ng eye contacts. Pagtitig niya sa mga mata ko. Pagkakita ko ng abuhing mga mata... alam ko na.

Kaso, binalewala ko pa rin. Bakit naman magpapanggap si Grant na si Silver? Iyon ang tanong ko dati.

Then, nakita ko siya sa kubo na nakatalikod at kasama si Aling Cora. Nakatopless siya nun. At hindi ko alam kung ano'ng i-rereact nang makita ang birthmark na kulay pula sa kaliwang bahagi ng balikat niya sa likod.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now