Dreamer : Chapter Six

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yoongi unting akyat pa! Wag mo namang patuyanan na tumatanda ka na! HAHAHA" ang lakas ng tawa ni madie nag-echo tuloy dito sa kakahuyan.

"Sinong tumatanda!?" sigaw ni seokjin sa boses na mapang-asar.

"MIN YOONGI!" sigaw naman nung siyam. Tinignan ko si yoongi at mukhang naiinis siya. Kawawa ka naman yoongi.

"Wow naman seokjin, ilang taon ka na nga ul—" sabi ni yoongi.

"SINONG MATANDA?" tanong ulit ni seokjin.

"KIM SEOKJIN!" sigaw naming lahat.

Tinignan niya kami isa-isa at binigyan kami ng 'how dare you look'.

Napatawa nalang kaming lahat dahil sa ginawa ni seokjin. Sa totoo lang ang saya nilang kasama, parang nawala tuloy yung pagod ko. Kanina pa talaga kami nag-lalakad eh. Mga halos isang oras na ata. Ang taas ata masyado ng inaakyat naming bundok.

May naramdman naman ako na umakbay sa'kin.

"Paakbay lang, ang sama nanaman ng tingin mo" nakita ko nanaman yung mga dimple niya.

Ang sarap itulak ni namjoon tapos gugulong-gulong siya pababa. Pero hindi, bad masyado 'yun, tsaka baka matanggal pa 'ko sa trabaho. Hindi naman talaga mabigat yung mga braso niya, o sinasadya niya talagang hindi bigatana? Yeee natach naman ako ≧ω≦.

"Bakit ka nagbblush diyan? Kinikilig ka ba sa pagkaka-akbay ko sayo?" wow ha napaka feelingero niya.

"HINDI NOH! ASA!" ang lakas ng sigaw ko, tinignan ko tuloy nakatingin sila at lahat silang lahat sa'min ni namjoon.

"Ang ingay mo" pabulong na sabi sa'kin ni namjoon. Sinamaan ko nalang siya ng tingin, ayoko namang tanggalin yung kamay niya sa balikat ko kasi baka tanggaling niya ko sa trabaho.

Naglakad nalang ulet kaming lahat. Malayo pa ba talaga? Halos isa't kalahating oras na kaming naglalakad ah.

"Hoy taehyung kanina ka pa tulala habang naglalakad baka matalisod ka ah" rinig kong sabi ni jimin kay taehyung na nasa harapan namin ni namjoon.

Wala kaming narinig na sagot kay taehyung, anong problema niya? Tinignan ko si namjoon at nakatingin lang siya sa nilalakadan namin. Nakaakbay pa din siya sa'kin pero hindi parin nag babago yung gaan ng braso niya sa balikat ko. Sinasadya niya nga sigurong gaanan.

"Wait! Wait!" sigaw ni yoongi na nasa likudan pa din namin. "Water break muna" pagkasabi niya nun ay umupo na siya sa isang bato.

Pumayag naman si magie at umupo na din kaming lahat.

"Unting-unti nalang talaga, promise ko sainyo lahat ng pagod nyo mawawala kapag nakita niyo yung view mula doon" sabi ni madie sa'min.

Tinignan ko silang lahat at halatang pagod na pagod na sila, nakita ko pa nga na inabutan ni rain si yoongi ng tubig pero hindi yun tinanggap ni yoongi. Nakakatawa naman silang dalawa parang mga lovers na may lq.

"Yannah" sabay na sabi ni taehyung at namjoon sa'kin habang may hawak-hawak silang mga mineral water bottle sa kamay nila na nasa harapan ko.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon