PROLOGUE

75 1 0
                                        


"Annie, what do you think?" nagpunta ngayon si Annie sa bahay para buksan yung mga gifts na nandito sa room ko. Every birthday ko siya ang kasama ko sa ganito.

"Pustahan tayo, the cheapest gift diyan around 5k!"ayan na naman kami sa pustahan, last year talo ako kase masyadong mataas expectation ko sa mga dumalo so akala ko lahat ng gift sa akin super mahal.

Geeeez!




I was holding a box tapos inalog ko, pinakinggan ko kung may aalog ba, pero wala. Binasa ko kung kanino galing ang gift pero walang name na nakalagay. Baka nakuha ko na nung nakaraang araw, pero hindi e. I don't have time to open those gifts. Binato ko iyon kay Annie.

"ARAYY GAGO!" headshot sa ulo!

"You open that one, it's kinda weird" utos ko sa kanya. Padabog niyang binuksan ang box.

"There is nothing in here," pero natigilan siya na nung may nalalaglag na black envelope "... ay joke meron pala"





Inabot niya sa akin ang envelope. Itinago ko muna iyon sa drawer ko, baka masyadong confidential ang nakasulat kapag binasa ko in front of her. Natapos na kami sa pagbubukas ng gifts ko. Inaya ko siya na kumain muna sa mall kahit saglit lang, I know she's sad right now. Umalis na ulit kase si tita Benicar, business trip. Magtatagal siguro ulit siya ng one to two months.

"Girl mahiya ka naman kay Tristan, bakit hindi mo pa sagutin?" pagbubukas niya ng topic. Actually, I'm thinking about that.

"Wag ka ngang paepal!" I rolled my eyes.

"Baka ako bigla jowain non sige ka!!" panakot niya.




Bakit nga ba hindi ko pa masagot si Tristan lalo na ngayon na nalaman kong siya yung nagliligtas sa akin lagi. Dahil ba disappointed ako kase siya yon? No, it's not like that. It just happened na mali lang yung una kong naisip.

"Annie una ka na sa car, may naiwan ata ako sa kinainan natin" nakalimutan ko yung tinake-out ko para kay manang. Naglalakad ako ngayon pabalik ng mall ng bigla akong hinila sa gilid.



"FUCKKKKKKK!!!" I screamed so loud, pero imposible na may makarinig sa akin ngayon dito.

"Kalma ako lang ito" lagi na lang siyang ganito, parang kabute.

"O-Oh, what do you need?" kinakaya kong pigilan ang pagka-utal.




After all the things happened to us I can't transfer all the information I got on my brain. Nasa akin ang desisyon, ayoko rin naman magsisi sa dulo.

"Zoe..." he caught my attention "... I-Im sorry"



Hinihintay ko ang kung ano man na lalabas sa bibig niya, but I failed. He slowly walked toward me, very close to me. Yumuko siya at hinawakan ang baba ko, maya-maya pa dinampian niya ako ng isang halik. Matapos non nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.


Nasa ganoon kaming sitwasyon, natatakot sa mga bagay na maaaring kanyang sabihin. Kinakabahan, natatakot at naguguluhan na ako. Nakikita ko kung paano manginig ang labi niya, nagbabadyang maglabas ng mga letra anumang oras.



"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dapat itago, hindi ko alam kung bakit kailangang itago.." pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang likod ng mga palad ".. Zoe ako 'yon, lahat nang 'yon AKO"





Anong ibig niyang sabihin? Nabubuo na naman ang mga pagkalito sa isip, idagdag mo pa ang konklusyon sa aking utak.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi yan?" iyon na lamang ang naitanong ko sa daming tanong sa isip ko.

"Kapag ba sinabi ko nang mas maaga maniniwala ka?" tanong niya pabalik.

"B-Bakit mo pa sinabi?" naramdaman ko ang mga butil ng luha na namumuo sa aking mata "...ang gulo" at tumulo na sila ng tuluyan.



Zoe ako 'yon, lahat nang 'yon AKO




Zoe ako 'yon, lahat nang 'yon AKO




Zoe ako 'yon, lahat nang 'yon AKO






"Zoe nandiyan ka lang pala" si Annie.



Nakasakay na kami sa sasakyan habang ako ay tulala na lamang sa bintana. Nagsuot ako ng earphones kahit walang music, I don't want to talk about it.





Nagpaulit-ulit sa akin ang huli niyang sinabi. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga butil ng luha sa aking mga mata. Pilit kong binabalikan lahat ng nangyari sa akin magmula ng nakita at nakilala ko siya. Bakit ngayon ko malalaman yan kung kailang akala ko malinaw na ang lahat?






.



Protecting my EnemyWhere stories live. Discover now