Chapter 8

42 6 0
                                    

"Can we talk?"

Fine. Acquaintance party ngayon, dapat good vibes lang.

Sinundan ko siya hanggang sa dalhin niya ako sa likod ng gymnasium sa labas. Medyo nangangalay na rin ako kakatayo kaya sumandal ako sa pader. Kumikirot na rin ang paa ko kaya inalis ko muna ang heels na suot ko.

"So...?" I said, urging him to talk.

"About yesterday..."

Parang naging alerto ako at agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pinilig ko ang ulo ko at matiim na nakinig sa kaniya.

"I really meant it."

Tumaas ang kilay ko. Naghintay pa ako ng sasabihin niya-something that would make me say yes, but I waited for nothing. Ang tipid talaga.

I sighed. "For any reason?"

I checked the time and there is only twenty minutes left before the party starts.

"There is no reason. I just want you to be my friend, that's all."

Naningkit ang mga mata ko. "Favor?"

He sighed and shook his head. "None. Katulad nga ng sinabi ko, wala akong ibang intensyon sa 'yo kundi maging kaibigan ko lang."

"Sigurado ka ba na wala talagang kapalit?"

Tumango siya.

I crossed my arms. "Fine, but in three conditions."

Kita kong gumalaw ang adams apple niya nang marinig ang sinabi ko. "A-ano?"

"First, don't talk to me if not regarding to school or studies. Second, don't pester me. Lastly, hmm..." I looked intently at him and I just realized how beautiful his eyes were. "Lastly, just friends. Don't cross the line."

I smirked. "Understood?"

Tumango siya agad. "Of course. Rest assured that I will not cross the line and not fall for you."

I smiled. "Great!" We shook our hands as a seal of our friendship and deal.

Nauna na akong bumalik sa gymnasium. Nakita kong mag-uumpisa na ang party kaya agad akong tumalima pabalik sa pwesto namin.

"Ang tagal niyo, magsisimula na ang party. Anong pinag-usapan niyo?" mausisang bungad ni Guille.

"Wala."

"Mamaya ah."

Bumuntong-hininga na lang ako sa kakulitan niya.

Hindi naman siguro masama na pagbigyan siyang maging kaibigan ako. Totoo naman siguro na wala siyang ibang intensyon at pagkakaibigan lang. I don't want any distraction lalo pa at gusto ko makapasok sa dean's list kaya iyon ang nasabi kong conditions.

Mabilis na natapos ang opening program at nagsimula na rin ang sayawan. Isang romantikong musika ang unang pinatugtog na open para sa lahat ng track.

Marami agad ang pumunta sa sentro ng gymnasium at sumayaw sa saliw ng musika. Maging si Guille ay nandoon agad kasama ang hindi ko kilalang lalaki. Nagulat ako nang sabay na tumayo sina Jique, Sean, at Zhon at humarap sa akin.

Inalok nila ang kanilang kamay sa akin at sabay sabing, "Will you dance with me?"

Scripted ba 'to?! Parehas at sabay-sabay nilang sinabi iyon. What the hell is really happening here?

Tumikhim si Xerd. "Ah, guys. Iisa lang si Shayn. Maawa kayo," anito at agad na iniwan kami.

Nakatulala lang ako sa kanilang tatlo hanggang sa bumalik si Guille. "Bakit hindi kayo sumayaw?"

Long Distance RelationShit - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now