CHAPTER 2

64 17 0
                                    

CHAPTER 2

Zk Ramos

"Goodmorning, world!" masayang bati ko nang magising

Napakasaya ko ngayon dahil 'eto na ang araw na lalabas kami ni Jaser. Sa nakalipas na araw ang 'Friendly date' lang namin ang tanging iniisip ko. Ilang araw ko pinag isipan ang susuotin ko na damit, sapatos, accessories at iba pa, pero at the end wala parin akong napili.

Chineck ko ang messenger ko dahil iyon na 'yung nakasanayan ko sa pag gising ko.

30+ message request and 46+ message.

Hindi ko alam bat ang daming nag cha-chat sa 'kin, eh hindi ko naman sila kilala. Yung sa message request ko puro nagpa-pa-accept or gusto daw makipag kaibigan pero I doubt it, I know na hindi lang yun ang habol nila sa 'kin.

Syempre, sa ganda ko ba namang to?

And 'yung sa chat talaga pantay ang dami ng pm and gc's. Katulad nalamang sa gc, mero'n akong gc sa SC, block, club na sinalihan ko at marami pang iba. Sa personal message naman yung mga kaibigan ko, mga kaclose ko na classmate na nagtatanong ng assignment and 'yung mga nag-aalok na friends ko sa fb na bumili raw ako ng product nila at makikita ko daw ang gandang 'di inakala, but well, matagal ko nang nakita ang ganda ko, litaw na litaw pa nga ngayon dahil lalabas kami ni Jaser!

Chineck ko parin yung sa Message request ko dahil baka mamaya may importanteng mensahe pala yun galing sa prof or ibang tao sa 'kin tas 'di ko mababasa, konsensiya 'yun if ever na emergency iyon!

Jeric Peñaflor message request:

Jeric: You'll pay what you did! ISTORBO!

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang nasa message request. AT BUNGAD PA TALAGA!

Nakagat ko ang labi ko at iniisip kung rereplyan ko ba o hindi.

Pero sa huli, hindi ko nalang iyon pinansin dahil good mood ako today at ayaw kong masira pag ka good mood ko hindi ko nalang siya rereplyan.

Jaser sent you a message:

Jaser: Hey, goodmorning! Hope you don't forget our lakad today.

Nanlalaki ang mata ko sa bungad at ngayon ngayon lang na chat ni Jaser! Omygod! Totoo!? Nag message siya sa 'kin? Siya ba talaga to!? Eto ang unang beses na nagchat siya! I'm so lucky today! Di 'ko akalain na mapapansin niya ako, na papansinin niya na ako. kahit pa ang tagal na naming magkakaibigan, malayo kami sa isa't isa. Parang may bato nakaharang sa pagitan naming dalawa. Inilalayo kami nito sa isa't isa.

Jeric Peñaflor: Like, huh?

'Huh?'

Hindi ko muna pinansin ang chat ni Jaser dahil nag pop ang isa pang chat ni Jeric mula sa MR. 'Saka Masyado pang maaga para kiligin ako kay Jaser, baka ma-dalawang buwang dilat ako nito!

Jeric Peñaflor: Seen, huh.

Jaser Buenavista: Wake up, sleepyhead.

Halos magkasabay na chat ulit nila. Shit! Umagang umaga hinahabol ako ng mga lalaki, choss!

At tulad ng ginawa ko kanina, hindi ko ulit pinansin si Jeric, instead, si Jaser ang nireplyan ko.

To Jaser: Hi, good morning! Gising na po ako. Hindi halatang excited ka, ha!" 

Sent.

Ilang beses kong inulit basahin 'yung reply ko at chineck kung may mali ba na spell or baka may maling word akong nasabi, pero hayaan na nga!

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon