Hello guys!! This is my first story in 2020 and I hope you like it, mwah mwah loveyah!
×××
"Hon, luto na ang tinola.", sabi ko kay King.
"Ok, ito ako pasok ako.", sagot niya mula sa labas ng aming munting bahay.
Sa kanyang pagpasok ay bigla sira ang bahay namin.
"Hariiii!!", naasar kong sigaw, nasira na naman bahay namin na gawa sa kumot at unan. Nakakainis! Ang hirap hirap gawa ng bahay tapos yung tinola nahulog na sa sahig.
Hindi rin naman tinola yun, mga bato at tansan lang tapos nilagyan ko ng malunggay para tinola na.
"Di naman kasi matabay pagkakagawa mo bahay natin."
"Bakit ako yung nagawa e akaw ang lalaki rito, mahiya ka nga mga anak natin natabon tuloy ng komot.", sabi ko habang hinahanap ang mga laruang anak namin.
"Ewan ko sa'yo, hindi alam ko bakit ikaw pa itong inasawa ko dapat pinsan mo e nalang.", napatigil ako sa paghahanap ng laruan at lingon sa kanya.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit at ilang segundo lang ay nagsituluan na ang luha ko.
"Mama!!", sigaw ko palayo sa kanya at pumasok ako ng bahay para hanapin si mama.
Iyak ako iyak kasi ang sama niya. Hindi ko naman kasi siya pilit na pakasalan ako, siya itong pili sa akin.
Lumabas ako bahay dahil hindi ko makita si mama at nakita kong papalapit sa akin si King.
"Huwag ka nga ingay gagalit sa akin si mommy sabihin pinapaiyak kita."
"Totoo naman e, mamaaaaa!!", takbo ko papasok naman ng bahay ni King.
At naroroon nga sila mama at papa na nakikipagkwento sa magulang ni King.
Yakap ko kaagad si mama.
"Mama si King away ako.", sumbong ko pero tawanan lang nila ako.
"Ikaw kasi pinget ng bahay na gawa mo."
"Mas pinget ka!"
Lumapit ako sa kanya at hinampas siya. Nakakainis siya!
Sinamaan niya ako ng tingin at ilang segundo lang ay iyak na rin siya.
Dahil sa takot ko yakap ako kay mama at yakap naman siya sa mama niya.
Pareho kaming nagsumbong pero pareho rin kaming tawanan lang.
Ano ba naman itong mga mama namin di manlang kami tulungan.
"Anak panget iyon at hindi pinget.", sabi ni papa. E yun na rin yun.
Patahan na ako nina mama at papa.
"O siya magpaalam ka muna sa asawa mo.", sabi sa akin ni mama.
Nagtaka naman ako dahil iba ang naging dating nito sa akin.
"Sige, Analyn at Ramon uuwi muna kami ng Manila. Hindi pa namin alam kung kailan ulit kami babalik. Salamat sa inyo ng anak mo, King magpaalam ka na."
Hindi pa rin ako salita at lumapit sa akin si King.
"Sige na kasalanan ko na, uwi na kami sa Manila pagbalik ko tibay mo na ang paggawa bahay natin.", pinanlisikan ko siya ng mata.
Aalis na nga ang sama pa rin.
"Alis ka na nga! Ako na bahala sa mga anak natin.", sabi ko sa kanya.
Matapos ng paalam namin ay umuwi na kami.
Bahala siya, kung hindi na siya balik magiging ina ako sa mga anak.
.
.
.
.
.
After 5 years...
Nagising ako sa busina mula sa labas. Napakaingay naman!
Kapag ako hindi lumaki nento, kakagising ko lang mula sa pagtulog ko sa tanghali. Sabi kasi ni papa iyon daw ang sikreto niya noong bata kaya siya matangkad.
Sumilip ako mula sa labas at nakita ko ang itim na sasakyan. Bumaba ang isang matangkad na batang lalaki.
Nanlaki ang mata ko nang tumingala siya at tumingin sa akin. Nang magtama ang aming tingin ay pareho kaming napangiti.
Si King!
Bumaba kaagad ako at nakita ko kaagad siya sa labas ng bahay ns naghihintay sa akin.
Niyakap niya ako at ganoon din ako. Para siyang amang OFW na ngayon lang umuwi.
"Diosa, I miss you! I miss our kids!", sabi niya at umalis ako sa pagkakayakap.
"Englishero ka na.", nagtataka kong sabi, grabe noon lang hindi niya mabigkas ng maayos yung prutas na "apple" dahil iyon ang paborito niyang prutas tapos ngayong bumalik na siya um-eenglish speaking na.
"I can speak english na and I'm here ready to be a father. Let's build our house!", sabi niya na medyo iniintindi ko. Sandali father ibigsabihin tatay tapos yung ready... teka bagong salita ba iyon ng "hon"?
"Ang sabi ko handa na akong maging ama kaya tara na gumawa na tayo ng bahay.", nakangiti nitong sabi at napakamot ako sa aking ulo. Grabeng english naman kasi di ko pa masyadong alam.
"Ok, come go!", sabi ko at hindi ko alam kung bakit siya natawa pero dumiretso na kami sa hardin nila.
Dahil nagsasawa na ako sa mga anak naming laruan ay pinasali ko na ang mga kaibigan ko pero hindi ko pinasali yung pinsan ko kasi mamaya kunin pa niya sa akin yung asawa ko.
Araw-araw kaming nagbabahay-bahayan at araw-araw din nasisira ito dahil hindi matibay ang pagkakagawa namin. Minsan ay naglalaro kami ng patintero o kaya ay luksong baka.
Hanggang sa dumating ang araw na magpapaalam na ulit siya. Itong mga kaibigan namin ay parang mga anak talaga namin.
"Papa, huwag mo na kaming iwan huhuhu..", sabi ni Gretchen na inuuhog na. Papa's girl kaya ayaw niyang umalis ang tatay niya.
Naglagay ako ng unan sa loob ng aking tyan para kunwari may bago kaming baby. Nanganak na kasi si mama at syempre kapag lumaki na ang kapatid ko e isasali namin siya sa bahay-bahayan. Ayoko pa ring isali ang pinsan ko, saka na kapag may asawa na siya. Hintayin niya nalang lumaki yung kapatid ko tapos asawahin niya hindi yung choosy pa siya gusto niya si King daw.
"Babalik din ako mga anak.", malungkot na sabi ni Hari.
"King, sumakay ka na ng kotse.", sigaw ng mama ni King at nagpaalam na rin siya sa mga magulang ko.
"Diosa, halika may ipapakita ako sa iyo.", sabi niya na ikinataka ko.
Hinila niya ako papuntang garden.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang tree house.
"Wooow! Ang ganda!", masaya kong sabi. Tumakbo ako papalapit doon at umakyat sa ladder.
"Matibay, kasya tayong mga anak natin! At woow! May mga unang upuan pa at isang maliit na kabinet!", grabeee ang ganda nito.
"Dahil lagi kang nagrereklamo na dapat ako ang gumawa ng bahay nagpatulong ako kay daddy. Ayan na, may matibay na tayong bahay.", sabi niya.
"Ang ganda talaga Hari, grabe parang ayoko ng umuwi, dito nako titira.", natawa sila ng mga anak ko.
"Kiiiiiing!", muling sigaw ng mama niya mula sa kotse.
Pareho kaming napatahimik at napayuko ako dahil nakaramdam ako ng lungkot.
"Alagaan niyo itong bahay natin ah and Diosa, I will miss you.", napangiti ako sa kanyang sinabi.
"Mag-iingat ka Hari!", sabi ko sa kanya at nagpaalam na kami sa isa't isa.
Isa ito sa mga hindi ko malilimutang pagpapaalam naming dalawa sa isa't isa. Ramdam ko ang sobrang lungkot at sa kabilang banda ay saya.
Diosa, I will miss you...
Lagi kong maaalala ang mga sinabi niyang ito at maaaring matagal na naman siyang bumalik pero nandito kami ng mga kaibigan niya na handang maghintay mapadalawa, tatlo o higit pang mga taon.
