15 // Peek Before Hiding

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uhm. Hi, Mr. Nolan."

Natawa ang mga kasamahan ni Tita sa akin. Nahihiyang ngumiti si Nolan tapos umupo na siya.

"Sure, Ms. Viennica."

Ngumiti akong mahinhin tsaka tumakbo pabalik sa counter. Pagkaikot ko sa likod ng bar ay napaupo ako para makapagtago.

Kagat-kagat ni Cara ang dila niya at may nakakaasar  na ngiti sa labi niya. "Looks like your sunshine will have a competition."

Napahilamos ako sa mukha ko. Ayan, ang intrimitida ko kasi. Dapat si Pol na lang talaga.

"Pero si Jerrick pa rin ang manok ko! Sure 'yon."

Kunot-noo kong tiningala si Cara. "What?"

Maarte siyang umiling. "Wala. Sabi ko nandito na si Jerrick."

"Hindi na yun babalik. Wala na siyang kailangan dito, nakuha na niya!"

Pagkatapos ko siyang kwentuhan noon, I thought for one second that maybe pwede ko naman siyang maging friend.

Pero the next days after that, hindi siya pumunta ng café. Tama ako, sabi na e! Gusto niya lang akong asarin o ano. Ewan basta!

I let him hear a piece of my history then he's gone. I didn't know what he was going to do with that story, but it's what he needed before he could leave.

Baka naawa siya sa akin kaya hindi na niya tinuloy ang pagpo-power trip sa akin—

"Sunshine, why are you sitting on the floor?"

I froze a little.

Suddenly, parang tumahimik ang paligid. Ang naririnig ko na lang ay yung pagsipsip ni Cara sa kape niyang puro yelo na lang.

"Kinilig yata doon sa ka-meeting ni Tita Lar," sabi niya kay Jerrick.

Pinagpagan ko ang pants ko pagkatayo. Diretso tingin ako sa cash register bago ko siya tinanong.

"What's your order, sir?"

"Okay?" maingat niyang sabi, parang nagtataka. "Masama ba gising mo? You sick?"

"We don't have that in our menu, sir. Maybe try other café," I said.

Our cafe smells like vanilla to up the atmosphere. But when he came, I smelled something different. He wore a different perfume today.

Of course I'd notice it. Sa araw araw ba naman niyang pambbwisit noon!

Itinaas ko ang tingin ko sa kanya. He's wearing semi-formal. Naka-long sleeve polo siya pero nakatupi iyon hanggang sa braso niya.

"I'll just order espresso," he said.

"Uy na-miss ka nyan ni Vie! Tagal mong hindi nagparamdam," Cara interrupted. Nakuha niya ang atensyon ni Jerrick.

But he looked back at me quickly, "Make it a double shot."

Okay? A Doppio in the afternoon, what's up?

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon