CHAPTER III

33 8 0
                                    

HE

"Good Morning, Mr Cayden Gazon. Bakit ang aga mong naligaw sa clinic ko?" salubong sa akin ni Tinsley nang makapasok ako sa office niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatutok siya roon sa computer na nasa harapan niya.

She's wearing her white lab gown and eye glasses. Tinsley is indeed beautiful. Matangkad siya na maputi at may magandang mga mata. Maraming nanliligaw diyan pero wala pa atang balak magboyfriend ang isang to. Minsan nga ay napagkakamalan pa kaming may relasyon dahil ako ang madalas niyang makasama. But, we just treat each other as siblings. Nothing more, nothing less.

Aside from being my lady friend, Tinsley is also my psychiatrist. Dahil na rin sa relasyon ng pamilya nila sa amin bukod sa business partners ang mga ama namin ay matalik din silang magkaibigan. She is also my childhood playmates, dalawa sila ni Kier. Iyon ang dahilan kaya sa dami ng mga ino-offer sa aking psychiatrist ni Dad ay kay Tinsley lang ako may tiwala.

Kadalasan ay napagkakamalang Russian si Tinsley dahil hindi siya mukhang purong Pilipino. But, pareho namang pure-blooded Filipino sila Tito Sean at Tita Ivanna.

"Tss. Sinabi ko na kaninang may nakakabwesit na nangyari sa bahay. Kailangan kong umalis dahil hindi ko kayang magtagal pa roon," I said in a bored tone bago ako pabagsak na umupo sa couch na naroroon.

"Huhulaan ko. Nag-away na naman kayo ni Tito Charles, ano? May nangyari na naman ba, Caydie?" seryoso niyang tanong na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Its about my condition again. Kagaya rin ng mga nangyari nakaraan."

"Alin doon? Ang nakipag-away ka sa bar o ang nagdala ka na naman ng babae sa bahay niyo? walang nagbabago sa ekspresyon niya.

"Both. Galit na galit kanina si Dad na pumanhik sa kwarto ko dahil may nagsumbong sakaniya ang may-ari ng bar daw na pinuntahan ko at pinagbabayad ako sa mga nasira roon ng makipag-away daw ako. Magdedemanda ata," bored ko pa ring sagot.

"At pagkatapos?"

Bumuntong-hininga ako bago sumagot.

"I woke up with a naked woman beside me. Sabi niya na ako daw ang nagdala sakaniya sa bahay at nagkakilala raw kami sa bar na iyon kagabi but the heck! I don't even remember her-- Arggh! You know what I mean, Tinsley."

"Yeah. I know. I know. Mukha ngang napapadalas ang paglabas ni Kohen and obviously, you aren't prepared everytime. Caydie, why don't you undergo another therapy?" tanong niya.

Nagpanting ang tenga ko pagkarinig ko sa sinabi ni Tinsley. Here we go again.

"You serious? Inaakala mo pa rin bang may magbabago sa sitwasyon ko? Dafaq. Matutulad lang din ito sa mga nakaraang resulta! Wala! Wala akong napala! In the end, umasa lang akong gagaling pa ako!"

Kill Me, Heal MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon