CHAPTER II

40 10 0
                                    

HE

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng clinic habang suot pa rin ang hoodie at face mask ko. Nang marating ko ang lobby ay may mangilan-ngilan na ring mga tao ang nakaupo at tila hinihintay lang na tawagin ang pangalan nila.

Ang iba ay may mga dala pang mga bata na tumatakbo-takbo sa paligid. May ilang may kasamang matatanda na mukhang sinasamahan lang magpacheck-up ng mga anak siguro o apo nila at ang iba naman ay umiinom ng kape mula sa vending machine hindi kalayuan dito.

"Good morning, Sir Cayden," bati sa akin ng security guard na tinanguan ko na lang. Kilala na ako nito dahil nga madalas ako rito.

Mas marami yata ng mga pasyente ngayon ng Decordovez Clinic kumpara sa mga nakaraang balik ko dito. Dumarami na rin pala ang mga taong halos kapareho ko. Pity.

Natigilan ako nang mapansin kong may ilang mga babaeng mukhang mga teenager pa ang tumitingin-tingin sa akin mula sa kabilang upuan sa bandang kanan ko at tila nagbubulungan pa. Seryoso? What's your problem, brats?

Mga nakasuot pa sila ng uniform nang school na pamilyar sa akin. Huwag nilang sabihing magpapacheck-up din silang lahat.

Narinig ko pa silang impit na nagtatawanan na akala mo ay kinikiliti. Tsk. Hindi ko nalang sila pinansin at naghanap ako ng mauupuan habang naghihintay na may mabakanteng staff sa front desk na mag-eentertain sa akin. Seriously?

Kung tutuusin ay hindi ko na kailangang pumila rito dahil kilala na ako ng may-ari ng clinic na ito. Ayoko nang pinaghihitay. For me, isang minuto ay katumbas ng halos isang taon.

Inilabas ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Tinsley. Pangalawang ring pa lang ay sinagot na niya.

"Hello, Caydie? Ang aga mo atang napatawag ngayon? How may I help you?"yan na naman siya sa pet name niya sa aking Caydie. Siya lang ang tumatawag sa akin nang ganyan at ang bestfriend kong si Kier.

Well, maybe dahil sila ang ang pinapayagan kong magkaroon sa akin ng close connection aside from my family. Kung tutuusin mas malapit pa sa akin ang dalawang iyon maliban sa mga kapatid ko.

"I'm here at your lobby. Ang daming tao rito at busy lahat ng mga staff niyo. You know ayoko nang naghihintay ng matagal and there's a group of stupid brats na kanina pa ako pinagtitinginan and its freak'n annoying," mahaba kong paliwanag sa kaniya sa kalmadong boses pero alam niyang iritadong iritado na ako.

"What? Bakit naman ang aga mong pumunta rito? Mamaya pa ang schedule mo ah."

"Something happened at home awhile. Kailangan kong makaalis agad doon. Ano ba? Don't make me storytell now. Ipa-priority mo ako o aalis na lang ako?" panakot ko sa kaniya.

"Eh hindi ka naman matanda o PWD o buntis para sa priority lane ah? Come on, Caydie," naririnig ko pa siyang natatawa sa kabilang linya.

Bwesit. Iniinis talaga ako ng babaeng ito. Aalis na lang nga ako!

"Fine. I'm leaving then. Bye," I am about to hang up the call when she stopped me.

Kill Me, Heal MeWhere stories live. Discover now