CHAPTER I

63 13 2
                                    


HE

"Cayden! Bumaba ka nga dito! Ano nanaman itong pinanggagagawa mo!" Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ng Daddy ko sa ibaba. Halatang galit na galit. Napalingon ako sa babaeng katabi ko. We are both naked. Fvck! Naulit na naman ang ganito.

Marahan ko siyang tinapik sa balikat at agad naman siyang nagising. Kinusot niya muna ang mata niya at kukurap-kurap na tumingin sa akin bago ngumiti ng matamis.

"Good morning, babe," akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang mukha ko at walang anumang bumangon.

"Get dressed and umuwi kana. Make it quick please. Hindi mo gugustuhing maabutan dito ng Daddy ko," walang emosyong kong sabi bago ako tumayo at nagbihis. Kita ko naman ang biglang pagbabago ng aura niya.

"What?! But babe--" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ulit ako.

"Look, miss, whatever happened last night, consider it as never happened. I don't know you and believe me or not, hindi ako ang nagdala sa'yo rito kung saan man tayo nagkita. Wala na akong oras magpaliwanag, so please, go home."

"You asshole! Hindi ka na makakaulit sa akin. Tandaan mo yan!" kita kong parang maluha-luha na siya sa sobrang pagkainis at mukhang gusto na akong kalmutin.

Gigil na gigil siyang tumayo at pinulot ang mga damit niya bago dali-daling nagbihis. She's murmuring something at alam kong minumura na niya ako. Sanay naman na ako sa mga ganito dahil ilang beses nang nangyari ito.

Na hindi ko kagustuhan. As expected, wala na naman akong maalala kagabi kung ano na naman bang katarantaduhan ang kinasangkutan ko at kung saan ko napulot ang babaeng ito.

"You'll regret this, Cayden! Bastard!" nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin bago nagmamartsa palabas ng pintuan. Gosh, I can't even remember this woman's name.

"Cayden--" bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. Nagkasalubong pa sila nang babae. Gulat na napatingin sa kaniya si Daddy ngunit agad ding nakabawi.

Well, my Dad is used  to it anyway, mula nang mangyari iyon sa akin, nasanay na si Daddy sa mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa buhay ko.

Mukhang nahiya naman ang babae kaya dali-daling lumabas sa pinto at tumakbo pababa. Si Daddy naman ay napapailing na tumingin sa akin bago sumeryoso ulit.

"May tumawag sa telepono kanina. May-ari daw ng bar na pinuntahan mo kagabi. Nakipagbasag-ulo ka daw at ang daming nasira at nabasag na gamit! Sa'yo sinisisi lahat!" Marahan siyang lumapit sa akin bago ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Cayden! Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na huwag kang aalis na hindi kasama ang mga bodyguards mo! Hindi mo alam kung anong oras pwedeng lumabas ang--"

Kill Me, Heal MeWhere stories live. Discover now