Chapter 2: Practice

5 1 0
                                    

Naghiwahiwalay na kami ng daan pauwi, kasabay ko na ngayon ang mga babae sa tropa. Alam ko gusto nilang magtanong pero nagpipigil lang ang mga to, pinapakiramdaman lang nila ko.

"sabay-sabay tayo bukas ah! Daanan nyo na lang ako sa bahay." Sabi ko

"lagi naman eh! Papasundo ka na lang namin kay baby mo." Sabi ni Cza.

"tigilan nyo nga ako!"

*****

Maaga nila kong dinaanan sa bahay, as in maaga, mga 5am, samantalang anong oras pa naman mag-iistart yung practice. Daig pa nila yung mismong magpapractice.

"bakit ba kasi ang aga nyo. Di pa gising yung mga sasayaw." Pagmamaktol, e sa nakakainis naman kasi talaga.

"walang tao sa bahay, walang pagkain, wala akong almusal." Hirit ni Cza.

"wala akong magawa." Sabat ni Juliet.

"same here!" sigaw ni Elaine habang nasa salas sya ang pinagtitripan na naman ang piano ko.

"arggh! Elaine ano ba! Wag ka na lang tumugtog, masakit sa headache, bahala ka! hindi ka lulutuan ni Gwen ng omelet."

"payn! I'll stop." Sinarado na nya yung piano ko at sinamahan ang dalawang babae dito sa bar counter ng kusina ko.

"anong meron sa omelet ko at gustung-gusto nyo?" sabi ko habang nagpreprepare.

"MASARAP!" sabay-sabay sila. Mga baliw talaga.

"Gwen, damihan mo na ha!"

"bakit?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"5.." Juliet

"4.." Elaine

"3.." Cza

"2.." Juliet

"1.." Elaine at Cza

"oy! Gwen, pumasok na kami ha! Di naman siguro kami magnanakaw." Jethro????

Bat sila nandito??

"bat kayo nandito???"

"walang almusal sa bahay." Sabay-sabay silang sabi.

Kumpleto talaga ang barkada pero kulang ng isa.

"di na yun pupunta dito, diretso na daw sa practice." Marlon.

"ha?"

"kunwari ka pa, hinahanap mo lang si Michael."'

"hindi ah! kayo ah! tsismis!"

"sus!" sabay-sabay pa sila ULIT!

*****

Dumating na kami sa lugar na pinagpapraktisan nila, after lunch na siguro ng dumating kami pero di pa kami kumakain ng lunch, sabay-sabay daw kami.

"ayan na! Nagsisimula na sila." Excited na umupo si Cza.

Umupo na kami sa harap nila at pinapanood sila. Si Michael ang pinakachoreo nila, ang gagaling nila, sabay-sabay ang galaw nila pero iba talaga ang kilos ni Kel, nangingibabaw sya sakanila, napatingin sya sakin, kinindatan pa ko ng kumag.

"omaygash!!! Nakita nyo yun!! May pagkindat na nagaganap." Tili ni Juliet

"makatili??? Ikaw ang kinidatan?? Ikaw?" aba! Ano jay? Galit na galit, haha!

"nagseselos!!!"

"tss" sabay pa sila

Hinayaan ko na lang silang mag-asaran dun, basta ako nagkafocus sa isang tao.

"ok guys! Bukas ulit! Napapagod na ko." Bigla syang lumapit sakin.

"baby, papunas naman." Sabay abot sakin ng tuwalya nya.

Pinunasan ko naman sya habang umiinom sya ng tubig. Sh*t! Para namang totoong kami nito.

"saan tayo kakain?" tanong nya sakin.

"samin daw."

"yown! Marami akong makakain nito." Nailing na lang ako sa sinabi nya.

"baby! Namiss kita!" sabay akbay nya sakin.

"aaaaayyyyyyyyiiiiiie!!!"

"eh ano ngayon?"

"grabe! Ang hard mo sakin. Sa gwapo kong to, lagi mo kong binabara." Tampu-tampuhan pa sya.

"gwapo? Ikaw? Nako! Masyado mong mahal ang sarili mo."

"eh ano naman kung mahal ko ang sarili ko ha?! Lagi mo nga akong binabara eh, tama lang na mahalin ko ang sarili ko." Pagdadrama nya

"wag mo masyadong mahalin ang sarili mo." Wait! Babanat ako! Hahahahaha

"at bakit naman?" halatang naiinis sya, haha!

"trabaho ko na kasi yun."

Tas nauna na kong maglakad.

"BOOM PEYNS!! Si Michael kinikilig!!"

"tumigil nga kayo!" sigaw nya, boom! Affected!

Nilingon ko sila.

"1 point for me." Sabay belat. Hahaha! Kinikilig ako, shems~!

It was only a Joke ... (ON-GOING)Where stories live. Discover now