PROLOGUE

225 20 14
                                    

PROLOGUE

"Iba talaga kapag rich kid, Vro!" asar ko sa kaibigan kong si Zack. Manghang mangha ako sa condong tinutuluyan niya kasama ang kuya niya. Napakaganda no'n at halatang mamahalin ang bawat kagamitan.

Napailing-iling ako. Iba talaga ang mga mayayaman, wala kang makikitang mumurahin na kesyo damit ng kasambahay nila ay mahal ang gastos! Hanep talaga 'tong, tropa ko na 'to!

Grade 11 palang kami ngayon at tingnan mo nga naman may condo na agad 'tong si Zack. Well, sa pamilya niya pa rin naman 'to pero nakatira kasi talaga 'yung pamilya nila sa Laguna kaya solo niya at nang kuya niya ang condo niyang ito sa ngayon, ayon sa kwento nitong si Zack sa amin.

Nakwento niya rin na kaya siya nandito ay dahil may iniiwasan siyang babae sa Laguna na patay na patay daw sa kanya, kaya ayon, nang magtapos sa grade 10, nirequest niya sa magulang niya na dito na rin siya mag-aral sa manila kasama ang kuya niyang si Zaiden na ngayon ay kolehiyo na.

At kung nagtataka kayo na marami akong alam sa buhay nitong si Zack ay dahil iyon sa kadaldalan niya. Kalalaking tao parang laging may kwento, amputcha! Daig niya pa 'yung mga chismosa na babae sa school, eh. Tsh!

Tatlong buwan na ang nakakalipas magmula ang pasukan, at nandito kaming magkakaklase slash magkakaibigan para sa isang GW, group work. At naniniwala na talaga ako sa tadhana dahil nagkataong mga kagrupo ko 'tong mga tukmol na 'to. Hanep talaga, eh mga dumbell 'tong mga hay*p na 'to, eh!

Ewan ko ba, naiinis ako sa katamaran nila pagdating sa group work pero 'di ko pa rin maiwasang 'wag sumama sa tropa at 'wag sakyan ang mga kagag*han nila. Siguro dahil magaan na talaga loob ko sa kanila simula pasukan. 'Saka stay strong talaga kami, pre. As in walang iwanan hanggang mamatay.

Unang araw kasi ng klase, kaming pito na talaga ang magkakatabi at magkakasama. Eh, alam niyo naman, ang mga pogi at gentleman ay laging nakaupo sa likuran kaya do'n kami umupo na pito. Hilera kami ro'n at prenteng nakaupo habang ang mga girls ay panay lingon sa amin, sama niyo pa 'yung mga taga ibang section na dumadayo pa sa room namin.

At ano pa ba ang sunod na nangyari? Ayon, dahil magkakatabi at mga walanghiya ang mga cheatmate este classmate ko, naging magkakaclose kami agad hanggang sa nagkagaanan ng loob, ayun na fall. 'De joke, naging mag trotropa kami at gumawa pa nga ng gc si Zack na pinangalanan niyang 'Mga Fvckboi na walang ma-fvck'. Damn lang, pre! Dinamay pa 'ko sa pagiging babaero nila!

Awit 'yan, lods. Eh lingid kasi sa kaalaman ng mga tao, ako lang naman ang pinakamabait, maginoo, at busilak ang puso sa aming magkakaibigan. Ako rin ang pinaka virgin at nireserba ko talaga ito sa mapapapangasawa ko in the future.

At kung hindi kayo naniniwala sa pinagsasabi ko, syempre same with my family and friends. Tang'na lang!

Buti nalang at least alam ko sa sarili ko na totoo ang mga pinagsasasabi ko.

"Vro, pakain ka naman, paniguradong magugutom ta 'yo sa gagawin na 'tin." makapal na mukhang request ni Harvey habang hinihimas pa ang t'yan.

"Ohh... anong bang gagawin na 'tin, Vro?" malisosyong sabat ni Jaxcine na binatukan ko agad. Syempre ako pinakamabait kaya ako agad ang sasaway.

"Bastos mo!"

"Luh, ikaw 'yung bastos! Bastos agad iniisip mo!" sagot niya at natawa sila.

"Fucker!" inis na sagot ko nalang at pinalibot ang tingin sa buong condo.

Dalawang palapag ito at anak ng mayaman nga naman, may swimming pool pa! Paniguradong isa 'to sa magiging tambayan namin. Parents free pa naman 'to, ayos!

Naglakad ako at chineck lahat ng design at ayos ng mga kagamitan, balak ko kasing nakawin 'to mamaya. 'De joke, ulit. Pangarap ko kasing maging Engineer, hilig ko 'yung math 'saka 'yung mga design at sukat ng mga bagay- bagay. Alam ko nga sukat nitong 'ano' ko, eh pero hindi ko sasabihin.

"Buti nalang wala kuya mo rito, nakakahiya naman kung nandito 'yun tas makikita niya 'yung mukha ni Kirs. Tsk! Tsk!" Rinig kong asar ni RJ kay Kirs.

Kung hindi kagwapuhan ang pinagdidiskitahan, pang-aasar naman ang kinacareer. What's with my friends? Mga gago.

"Ulul! Baka nga bumaliktad pa kasarian ng kuya ni Zack 'pag nasilayan ako, eh." mayabang na sagot ni Kirs na sigurado akong kinaasim nang mukha ng lima, lalo na si Zack.

"Amputcha, baka bumaliktad ang sikmura!" rinig kong rebatt ni Zack na kinatawa ko nang mahina. Sabi na rerebatt 'tong tukmol na 'to, eh.

Napailing ako.

"Mga ulol kayo, pinagtutulungan niyo ba 'ko? Palibasa mga insecure kayo! Wala na ngang Jowa, mga torpe pa!" asar na sagot ni Kirs at umexit. Nagtawanan tuloy ang mga g*go. Syempre kasama ako.

Nawala ang pansin ko sa kanila nang dito na ako sa tapat ng family picture nila Zack.

Napataas ang kilay ko nang makita ang isang babae na may kaputian, medyo malaman, at mataba ang pisngi nito, ah, malalim ang chocolateng mata at mapungay na mata, mapula ang labi nito at matangos man ang ilong ngunit may kaliitan ito. Bata pa ba 'to? Mukha kasi siyang matured...

at... at... future misis ko...

"Yah! Why are you staring at my baby?" napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likod ko si Zack.

"Tangina, nagulat ako!" reklamo ko.

"Eh, makatingin ka sa lil sis ko para kang may binabalak. Baby pa 'yan, Vro, ah. Lubayan mo 'yan." Pumamewang si Zack at sinamaan ako ng tingin.

"Ulul, assuming mo naman! Sino ba 'yan?" tanong ko at nilingon ulit 'yung single picture 'nung babae. Parang may kakaibang kirot akong naramdaman sa puso ko. 'Yung kirot na magaan. 'Yung nakakabaliw... 'yung masarap sa pakiramdam.

Maangas niya akong nilingon, "Bunsong kapatid ko, bakit? Interesado ka? Ganda, 'no? Pero sorry ka may Jowa na 'yan, eh." kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya.

"Pucha ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Gago talaga 'to, hinahayaang mag boyfriend 'yung kapatid, ke bata-bata pa. Kung ako 'yan baka mga thirty plus ko pa pinagboyfriend 'yan. Damn!

"Tsk! Tsk! Hindi pala interesado, huh?" malisosyo niya akong tiningnan habang nakahawak sa baba niya.

"Shut up, kung anong pinagii-isip mo! Concern lang ako sa kanya kasi 'yung kuya niya hinahayaang makipagrelasyon kebata bata pa!"

Pabiro niya akong sinapak, "What's wrong with that, Vro? Puppy love lang 'yan kaya hinayaan ko. 'Saka dude! Ano ka sinauna? Mga grade seven pa nga lang ngayon may girlfriend at boyfriend na and take note ha, uso na ngayon ang grade 7 at grade 10! Meroon pa ngang grade 7 sa college. What the fuck?" umiling-iling siya. Kahit ako ay napa-iling-iling. Totoo rin naman kasi, he has a point. Pero anak ng mayaman talaga 'tong si Zack, kung makapagsalita parang hindi anak mayaman! Sa bagay iba na kasi talaga 'yung ngayon na kahit 'yung mga mayayaman nakikiuso na sa aming mga middle class lang.

Narinig ko nga 'to minsan na kumakanta ng 'It really hurts, ang magmahal ng ganito~~' kaya duda talaga akong patay na patay sa kanya 'yung babaeng iniiwasan niya sa Laguna. Halata naman kasing mas may tama siya do'n, eh. Tsk.

"Kahit na, Vro! Da't 'di mo hinahayaan na gan'yan! Sino ba boyfriend niyan? For sure... mas lamang ako ng sobra sobrang paligo diyan panigurado." anak ng middle class ka naman, boi! Hindi pala interesado, ah!

Ngumisi sa akin si Zack. Ngising pang asong nang-aasar.

Hindi ko alam pero I felt my thumping beating of my heart. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tang'na... bakit ganito? Masyadong mabilis... but... why?

What the fuck is going on with me?

Really JD? Picture a year younger than your age. And for fuck sake, she's your friend's little sister! C'mon!

Hindi ko nalang pinansin si Zack. Iniwan ko siya sa harap ng litrato ng kapatid habang ako ay nilalamon na sa kaisipang napatibok ng isang mas bata sa akin ang aking birheng puso.

And years... being with my friends... seeing her far when there's a celebration in their home... bloom my feelings for her.

And of course, walang pagmamahal ang hindi nabubunyag. Zack and our other friends discovered... and Zack being Zack he conditioned me with one thing...

Let Ziel Akashia Ramos enjoy her teenage life. Let her until she became a College Student.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon