Season 1: Episode 18

Start from the beginning
                                    

She only gave me a weak nod. It was really obvious na hindi niya kinaya iyong nakita niya. Noong nagpatuloy na uli kami sa paglalakad, I made her lean on my chest as we walk. Inakbayan ko siya para hindi siya matumba. Sa ginawa ko ay parang tangang ngumisi sa akin si Tito Theo na naglalakad kasunod ni Kuya Seiya.

"Stop." Biglang sambit ni Ate Bianca kaya kaming lahat ay natigilan din. "You see that?" She pointed her free hand to the bus sitting alone in the middle of the road. Iyon lang ang sasakyan ngayon. Lahat ay either nasa gilid, nakabangga sa puno o pader, at nilalamon ng apoy.

"We should check that. Mukhang maayos ang kalagayan noon." Kuya Seiya agreed matapos ay tumingin siya sa amin. "Stay here, pupuntahan lang namin ang loob ng bus na iyon."

That rewarded him a silent nod from us. Sa takot namin sa sitwasyon ay para bang wala na kaming lakas para magsalita. Para bang nagpapatianod na lang kami sa pagkakataon. Iyong para bang wala kaming choice kung hindi ang sumang-ayon na lang nang sumang-ayon kasi ano pa nga ba? As if naman may magagawa kami?

Mabilis na kumilos sina Kuya Seiya at Ate Bianca. They were so quick and careful as they come near the bus. Si Kuya Seiya ang nagbukas noong pinto. Buong ingat niya iyong binuksan at nang masiguradong ligtas doon ay sinenyasan niya si Ate Bianca.

When they entered the bus, wala kaming tunog na narinig ni isa. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, lumabas si Ate Bianca. "Let's go. It's safe. Quick!"

Just how we are instructed, mabilis kaming pumasok ng bus. Lahat kami ay nagmamadali. Lahat kami ay halos mataranta talaga habang si Ate Bianca ay walang tigil sa pagsabi sa amin ng "Quick!"

Mamatay talaga ako sa kaba kapag siya iyong sumisigaw, eh!

Nakahinga ako nang maluwag noong makaupo na kami. Tinabihan ko si Venice. Nasa katabing seat ko naman si Tito Theo na nakangisi sa akin nang nakakaloko noong isandal ni Venice ang ulo sa balikat ko.

Sinimungatan ko na lang talaga siya noong ilapag ko sa sahig ang cat backpack ko. Kasabay iyon nang pag-andar ng bus. Si Kuya Seiya ang nagda-drive samantalang si Ate Bianca ay nakaupo doon sa upuan ng mga kundoktor.

That was the moment we knew that we are going to be safe. Kasi heto na, heto na talaga iyon. Nakahanap na kami ng mas malakas na kakampi. Kung magkaaberya man ay alam kong masosolusyunan iyon agad nina Ate Bianca.

We can survive this pandemic.

We will survive this crisis.

Katulad ng inaasahan ay ligtas kaming nakalagpas sa Barangay Perez. Hanggang sa ligtas na kaming makaalis sa munisipalidad ng Trece Martires City. Ngayon ay binabaybay na namin ang daan ng General Trias City. Patungo na kami sa Barangay Manggahan.

"Dito ako nakatira." Sambit ni Tito Theo. Halata ang lungkot sa kanyang tono. Bagay na ngayon ko lang narinig mula sa kanya. "Sana ay ligtas talaga ang mag-ina ko." Nakabaling ang tingin niya sa bintana sa tabi niya.

Wala akong mai-sagot sa kanya. I don't want to give him false hopes. Kasi sa sitwasyon namin, natatakot akong baka kami na lang talaga ang buhay sa mga oras na ito.

Nang makarating na kami sa Barangay Manggahan ay nagsimulang maging magulo ang paligid namin.

Una naming nadaanan ang City of General Trias Doctors Medical Center. Isang sikat na hospital dito. Punong-puno iyon ng mga infected. May mga inihahampas ang ulo sa salamin na pader. May mga tumatalon din mula sa rooftop noon. Kaya ang harap nito ngayon, nagmistulang tambakan ng mga bangkay.

Pinili na lang naming isara ang kurtina ng bus mula side namin.

Noong makarating na kami sa commercial side ng Barangay Manggahan ay napakalungkot ng tanawin nito ngayon. Puno ng apoy ang paligid. Halos lahat ng pasilidad ay nasusunog. Kasabay ng mga kotse na nakasalansan sa gilid ng daan.

Bagama't malawak ang daan para sa amin, kitang-kita naman namin ang mga infected. Grupo-grupo sila dito. Pero mas kaunti sila keysa doon sa Trece Martires.

We are in the middle of escapading them when all of a sudden, Tito Theo stood up.

"Hannah?"

Lahat ay napatingin sa kanya. Ibinaling ko ang tingin doon sa tinitignan niya. Puregold. Doon, may mahigit sampung zombies ang para bang inaabot iyong apoy mula sa itaas ng Puregold.

Then suddenly, a woman with petite body turn her head at us. Hanggang sa tuluyan siyang humarap sa amin. Puro dugo ang katawan niya. Puro saksak. Halatang doon siya namatay dahil maayos pa ang mukha niya.

 Halatang doon siya namatay dahil maayos pa ang mukha niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Putangina, asawa ko 'yon!" Nataranta si Tito Theo. Then I was not really ready when all of a sudden, his voice broke and his tears become evident as I heard his sobs. "Buksan niyo ang pinto! Nasa labas ang asawa ko!"

The Last Quarantine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now