CHAPTER 8-Forgetting my feelings for him

Start from the beginning
                                        

Mabuti naman at nahalata niya ako. Parang baliw kasing kausap eh, naku!

Almost a month ko na rin iniiwasan si Prince at masasabi kong nagiging okay na ko.

Naka-duty ako sa McDo at cashier ako ngayon, kaya makikita ko lahat ng customers na papasok dito sa store. May apat na lalaking pumasok tapos napangiti ako nung nakita ko sila. Bigla naman bumulong sa akin si April, runner ko.

"Nathalie, ang gwapo nina kuya oh!"

Ngumiti lang ako kay April sabay bati dun sa mga gwapo.

"Goodmorning Beats! Welcome to McDonald's!"

Beats yung pangalan ng grupo nina Jerome at Ariel. Nagdagdag pa sila ng dalawang members galing sa Streets na sina Gabby at Rowie. Lumapit naman sila sa akin kasi nga binati ko sila.

"Uy sis! Nagpa-part time ka na pala dito!" –Gabby

"Oo eh. Uy, bakit kayo napadpad dito? Siguro nagpractice kayo nu? Wala ba kayong klase?" pag-uusisa ko

"Baliw ka sis, Sunday kaya ngayon. Oo, nagpractice kami, ang dami naming raket eh. Ililibre nga kami ng manager namin ng lunch ngayon at dito namin napili kumain. Uy, bigyan mo kami ng discount ah!" pangungulit nitong si Gabby

"Loko ka! Bawal yun. Oh siya, hanap na kayo ng mauupuan niyo dyan. Sa'kin kayo umorder mamaya ah, para naman may iba akong kausap dito."

Nasaan na ba utak ko? Nabara tuloy ako ni Gabby. Sunday pala ngayon,hindi ako aware. Pero astig ah, big time na 'tong mga kapatid ko, may manager! Ansaveh!

Paalis na sila sa harap ng counter nung napansin ko na nakatingin sa akin si Jerome tapos ngumiti. Nag-smile din naman ako sa kanya. Ano bang meron sa mga tingin niya? Ang mysterious talaga ng galawan nito. Hala! Baka mangkukulam siya? Uy, wala naman akong kasalanan dito. Sorry na Jerome! Sorry kung may nagawa akong mali oh.

Habang nagtatake ako ng order ng customer, bigla naman akong siniko nitong si April sabay sabing,

"Huy Nathalie! Badtrip ka naman eh! Kakilala mo pala yung mga gwapong yun! Di mo man lang ako pinakilala kahit dun man lang sa kausap mo kanina." tapos hinahampas niya yung braso ko

Grabe 'tong babaeng 'to ah, mapanakit! Sisantihin ko 'to eh! HAHAHA! Feeling manager lang.

"HAHA. Baliw ka. Di mo naman kasi sinabi eh. Tara na, magtrabaho na tayo. Dumadami na rin yung customers eh."

After 8 hours na pagduty ko, nakapag-out na rin ako. Hooray! Kapagod din yun ah. Kasabay ko pala mag-out si Jon, workmate ko. He's cute.Chinito type na guy tapos mestizo pa,he's taller than me and... MANLILIGAW KO PO SIYA, hoho.

Naka-recover na rin ako kay Prince. Hindi ko naman kailangan maging malungkot lagi di ba? Life goes on. Kailangan ko rin maging masaya.

Nagtake-out siya ng strawberry sundae sa McDo tapos pumunta kami sa 7 eleven para bumili ng siopao at dun kami kumain. Yipee! Pareho kong favorite yung strawberry sundae saka siopao. Sarap much!

After namin kumain, hinatid niya na ako pauwi. Sweet di ba? Nakakatuwa naman 'tong si Jon ;)

Papasok na ulit ako ng school. Anong oras na ba? Naku! 7:30 am na naman! Bakit ba kasi ganitong oras ako lagi pumasok? Late na naman ako! Patay! Syempre, takbo na naman ang ginawa ko paakyat ng hagdan. Kaso habang paakyat ako, nalaglag ko yung Statistics book ko. Payuko na ako para kunin yun kaso may pumulot na nung libro ko.

"Miss, libro mo." sabi nung naka-pulot

"Uy, thanks ah." sabi ko habang pa-angat na yung ulo ko

"Charlie! Nathalie!" sabay naming pagkakasabi

Tsss.. Si Charlie pala, akala ko stranger. Buti kakilala ko yung nakapulot, kung stranger kasi baka isipin na ang clumsy ko naman.

"Late ka na naman Nath! Takbo mode ka naman tuloy kaya ayan, nalaglag mo pa 'tong libro mo."

"Oo nga eh, ikaw din naman late. Tara na nga! Baka andun na si Ma'am!"

"Race ulit?" hamon ni Charlie

"Tara!" tapos tumakbo na ako

Ako na naman nauna! Yehey! Kaso...

WALA NA NAMANG PROF!

Tawa ng tawa na naman sa akin si Charlie. Ang daya ko daw kasi, tumakbo agad ako eh di pa nga siya ready. Kainis! Sayang yung pandaraya ko. Ilang beses na kong napapahiya sa lalaking 'to ah!

"Tara na! Kain na lang ulit tayo." sabay hila na naman sa akin ni Charlie

Grabe naman 'tong lalaking 'to, ang hilig manghila. Kawawa naman ang wrist ko. Hay naku! Saan pa ba kami pupunta? Edi sa canteen! Malas ba ako o swerte? Malas kasi sayang yung effort ko sa pagmamadali kung wala naman palang prof, pero swerte na rin kasi wala ngang prof di ba? Edi hindi ako na-late, HAHA. Saka swerte pala  talaga ako! Kasi ililibre daw ako ulit ni Charlie ng noodles eh, yehey! Sana laging walang prof para di ako nalalate, saka syempre para lagi akong libre! Yipee!

Kumain na kami ulit ng noodles. Wanton naman yung siomai na toppings sa noodles ko para iba naman. Sarap talaga nito, syempre libre eh! Grabe ah, nasasanay na 'tong lalaking 'to na lagi akong nililibre ah.

"Nathalie, pwede ba akong manligaw?"

This time, hindi ako mabubulunan sa pagkabigla kasi umiinom ako ngayon. Muntik ko nang mabuga sa kanya yung gulaman eh, buti na lang napigilan ko.

"B...Bakit?" sabay lunok na lang nung gulaman

"Eh kasi Nathalie, alam mo bang simula 2nd year highschool pa lang, may gusto na ko sa'yo?"

Waaaaaaaaaaaaaaa! Napanganga naman ako sa sinabi nitong si Charlie! 4 years niya na akong gusto at ngayon ko lang nalaman! Wow pare! Shocking 'tong revelation na itey ah.

"Hala ka! Abnormal ka talaga Charlie. Ang tagal na nun ah. So, puro ligaw-tingin ka lang pala dati. Opo na, pumapayag na po ako." sabay smile (

Hanubayan! Dalawa na manliligaw ko. Sobra-sobra na para maayos 'tong puso ko. Nasa talyer pa kasi, inaayos. HAHA!

PLAY PAUSE STOPWhere stories live. Discover now