CHAPTER 8-Forgetting my feelings for him
March 2011
After ng Sunset Romance, unti-unti na akong dumidistansya kay Prince. Nagfocus na lang ako sa studies, work and sa Streets. Oha! Ayos di ba? Tingnan na lang natin kung di pa ako makapagmove on sa nangyari, super busy na kaya me.
7:30 am na at late na ako. WAAAAAAAAAAAAAAAA! Tumatakbo na ako paakyat ng hagdan papuntang 4th floor. Nagulat naman ako nung may isang lalaki din na tumatakbo sa likod ko. Race ba 'to? Bakit mga nagtatakbuhan kami? Siguro late din 'tong si kuya, HAHA. Paglingon ko, nakilala ko kung sino yun, si Charlie pala. Schoolmate ko siya nung 2nd year highschool, kasama ko sa Streets and classmate ko rin.
"Hi Charlie! Late na tayo, dali! Paunahan tayong makarating sa room oh!" hamon ko sa kanya
"Oh sige, tara!" pagtanggap niya ng hamon ko
Nagrace lang kami dun sa corridor ng 4th floor ng building namin, baliw eh. Hingal na hingal ako pagdating ko sa tapat ng pinto ng room, syempre ako nauna! Unti-unti ko pang binuksan yung pintuan ng classroom namin at... BOOOM!
Ang gugulo ng mga kaklase ko. Isa lang ang ibig sabihin niyan...
.
.
.
.
WALANG PROF.
UGGGGGGHHHHHH...Career pa naman ako sa pagtakbo kanina tapos walang prof! Shemay naman ow! Ang lungkot ko na nga tapos tawa pa ng tawa si Charlie sa'kin kasi ako nga nauna sa racing namin tapos wala naman daw prof. Anak ng gummy bears!
"Tara! Tutal wala din namang prof, kain na lang tayo sa canteen. Di pa ako nag-aalmusal eh." sabay hila sa akin pababa sa canteen
Pagdating namin sa canteen, namimili lang ako ng kakainin.
"Pabili po! Dalawang stir fried noodles. Sharksfin po yung toppings."
Errrr.. Bakit dalawa binili niya? Ang takaw naman ng payatot na 'to.
"Uy, bakit..."
Hindi niya ako pinatapos magsalita kasi tinakpan niya bibig ko tapos sabi niya,
"Alam ko nasa isip mo. Hindi ako matakaw 'no. Syempre sa'yo yang isa, libre ko na. Saka hindi ako payatot ah!"
Patay tayo dyan! Mind reader pala 'tong isang 'to eh. May powers ba siya? Papaturo nga ako, ahaha. Ayoko na pala mag-isip, baka mabasa niya pa ulit, hehe.
"Thanks, pero hindi ako marunong kumain nito eh. Saka masarap ba naman 'to?" sabay taas ko ng kilay habang naka-ismayl
"Oo naman! Lagyan pa natin ng teriyaki sauce, toyo, calamansi, chili, sitaw, bataw, patani!" sabi ni Charlie habang nilalagay lahat nung mga sinabi niya
[Author's Note:
Syempre hindi kasali yung SITAW, BATAW, AT PATANI sa noodles nu. Kumakanta kasi ko ng bahay kubo habang sinusulat 'to eh xD]
Kumain na kami ni Charlie nung noodles. Take note! Naka-chopsticks kami sa pagkain ng noodles, marunong naman kami pareho eh. Feeling Chinese kami di ba? :D
"Nathalie, kamusta naman kayo ng kuya prince mo?"
Muntik ko nang malulon ng buo yung siomai na nasa bibig ko eh. Ang galing naman kasi ng timing ni Charlie kung magtanong eh.
"Ang sarap pala nitong noodles Charlie! Favorite ko na 'to simula ngayon" pag-iwas ko sa tanong niya
"Ah, oo. Sabi sa'yo eh, masarap nga kasi 'to!"
YOU ARE READING
PLAY PAUSE STOP
Non-FictionThis is about a girl who failed to look for a perfect guy until an instant boyfriend came just because of a dare. She did everything for the sake of love but she failed to remember one thing.. ...she needs to love herself.
