Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

"And you know what? He is very familar to me, like you also." Dagdag niya pa.

Napamulagat ako sa sinabi niya.

"Pano mo naman nasabi na kilala mo ako?", I ask.

"Palagi kase kayong nagpapakita sa mga panaginip ko.. hindi lang basta nagpapakita lang, may ibig ipaabot pa kayo sa akin."

Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya.

"That's nonsense, ngayon mo lang kami nakilala. Dreams are just mixed scenarios with crazy things as we speak.", I concluded.

Umiling lang ito.

"Bago ko pa kayo nakilala ni Xenon, mahigit isang taon na kayong nagpapakita sa aking panaginip."

Natigalgal ako sa kaniyang sinabi.

Isang taon? Baka hindi naman posible iyon.

"Caught you," at malakas itong natawa.

"You should see the look on your face." sapo-sapo niya ang kaniyang tiyan dahil sa kakatawa niya.

Binatukan ko na lamang ito at 'di mapigilang mapangiti. Hindi ko akalain na topakin ang isa sa officer ng SSG.

"Ngiti na 'yan, nakangiti na 'yan." Asar niya sa akin, not minding what I did to him.

"You got me. Your joke is good, I admit it." Nakangiting puri ko sa kaniya.

"Basta makita kong nakangiti ang lahat ng estudyante dito sa Cristobal Academy okay na ako."

Tumayo na ito at namaalam para pumanhik ito sa kaniyang klase.

Akala ko totoo, isang biro lamang.

Napailing nlang ako sa aking inisip at nagpasiyang pumunta na sa klase. As I walk my way to our room, napaisip ako. Siya palang ang taong lumapit sa akin magmula noong pasukan. He is very jolly, has a bubbly personality. Kahit na ngayon lang kami nagkita at nag-usap, parang matagal na kaming magkakilala. Sana siya ang kauna-unahang kaibigan ko dito.

Naiwan lahat ng kaibigan ko sa probinsya namin kaya wala akong kasama o kakilala dito. Liban kay Reese, may isa pa akong gustong kaibiganin. Kahit na may galit ako sa kaniya, gusto ko parin na maging kaibigan siya.

Sana nga maging kaibigan ko din si Nyebe.

Xenon's POV

Nandito ako sa hardin na nagsisilbing tambayan ko. Wala nang mga estudyante na nanatili dito. Pinaalis siguro ng mga SSG officers. Every other day, nagbibigay ng nga pagsusulit ang teachers namin kaya aligaga kami sa kababasa ng mga kuwaderno namin. Nakakapasok na ako dito dahil hinayaan ako ni Reese na mamalagi sa hardin dahil ito daw ang kagustuhan ko.

Speaking of him, he is so stubborn. Kada recess ay palaging nakabuntot sa akin. It's like he's stalking me. I don't want to assume but the way he act, he's giving me reason to think that he's creepy. Himala at hindi ko siya nakita ngayon.

Must be busy doing his responsibility as an officer.

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula noong nagkasagutan kami ni Prof Storm. I'm sure that he will open our deal to their meeting and I hope that they will approve.

Maganda ang simoy ng hangin dito sa hardin. Kung hindi mo mapigilan ang iyong sarili ay baka nakahimlay ka na dito sa ilalim ng puno sa sobrang hangin na nakapagbibigay ng antok.

Sa gitna ng aking pagbabasa ay umihip ang malakas na hangin at tinangay ang mga papel ko. Tumigil ang pag-ihip ng hangin at nakuha na ang mga nilipad kong mga kwaderno.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now