CHAPTER 2- First Performance

Start from the beginning
                                        

 Sa computer shop

 Browse, Ctrl + A ( SELECT ALL ) , Ok, then Upload.

Ayan, I'm uploading our pictures and at the same time, pati na rin yung video nung sayaw namin. Ay teka, text ko na din mga ka-grupo ko para naman aware sila na nag-upload na ako di ba?

 TO: Streets Group

Ei guys, Nathalie here. Paki-save na lang digits ko ha. BTW (By the Way), na-upload ko na po yung pictures at video ng sayaw natin sa event kahapon. Yun lang, thanks.

-Nathalie-

.gm.

- - -

Sending...

 After ko masend yung message ko, bigla namang may nagtext.

1 message received

from Streets-Prince

 Hmmmm, ano naman kayang sasabihin nitong lalaki na 'to?

I opened his message and eto yung sinabi niya.

FROM: Streets-Prince

 Ok, save ko na lang 'tong number mo. Paki-tag sa'kin yung pictures ha! Ipapakita ko sa ate ko eh. Hehe.

  - -

Ah, ok. Yun lang pala. Ano ba yan? Nang-utos pa. Katamad nga mag-tag eh. Dami kaya nila. Bahala siya diyan.

Si Prince ay isa sa mga kasama ko sa Streets. Infairness, cute siya ah. He's a chinito guy. Matangkad siya, siguro nasa 5'8" yung height niya tapos maputi pa. Pwede! Pang-hearthrob ang peg. Hmmmm....Pero kay Chris pa din ako 'no. He's cute din naman ah! Hawig niya kaya si Mark Herras. Loyal pa din ako sa boyfriend ko.

 Umalis na ako ng computer shop after ko mag-upload at nagtext naman si honey sa'kin. Nagulat ako sa content ng message niya. 

FROM: Honey

 Sino yung naka-akbay sa'yo sa picture?

- - -

 Huh? Ano ba 'tong sinasabi ni Chris? Nagreply naman ako agad at sinabing...

 TO: Honey

 Anong picture? Wala akong matandaan na ganun ah. Teka, galit ka ba?

 - - -

Nagreply ulit siya.

 FROM: Honey

 Eto oh. May naka-akbay sa'yo tapos puro mga lalaki pa 'tong mga kasama mo. Ako? Galit? Hindi. Masaya ako. Masaya ako na puro lalaki kasama mo tapos may naka-akbay pa sa'yo!

 - - -

Ayun oh! Pinilosopo pa nga ako. Ano bang nangyayari? Di ako aware. I scanned the pictures that I uploaded a while ago sa Digital Camera ko para malaman ko kung ano ba yung tinutukoy ni Chris.

 Anong picture ba kasi yun? Naman oh! Nasa 100 pictures 'to eh. Paano ko naman hahanapin yun?

Lalalalala..Scan....Scan....Scan.... Hmmmm... Gotcha! Eto ba yun? Tsk!

Nakita ko yung picture na naka-akbay sa akin si Prince tapos puro boys nga yung kasama ko. Hala! Away na 'to. Eh mali naman kasi yung iniisip ni Chris eh. Naku!

Tinext ko agad si Chris para mag-explain.

 TO: Honey

Nakita ko na yung sinasabi mo. Mali ang iniisip mo. Explain ko nga sa'yo.

 - - -

 -FLASHBACK-

 "Ate Maya, pa-picture naman ako ng SOLO dito sa maganda ang view. Eto cam ko oh."

sabay abot ko kay Ate Maya (Siya yung nagsisilbing nanay naming lahat. Tapos magkakapatid yung turingan namin sa Streets kaya parang pamilya na rin turing namin sa grupo)

Eto na..Solo ko na 'to! Puro group pictures kasi eh. It's my turn to shine, hehe.

"Ok Nath, Ready. 1...2..Hala! 3.....! Click! HAHAHAHA!"

sabi ni Ate Maya habang tawa nang tawa

"Anak ng teteng naman oh! Sabi ko solo eh! SOLO! GRRRRRRRRRRRRR! RAAAAAAAAAWWWR! "

sabi ko habang nagmamaktol ako sa mga "kapatid" ko

Alam niyo itsura nung picture? Andun nga ako, kaso bigla namang nagkaroon ng boys dun at talagang naka-akbay pa si Prince sa'kin! Nice one! Solo nga! Solong babae ako na nandun. Ang kukulit talaga ng mga kumag na 'to. Ang liligalig pagdating sa picture. 

"Hala! Si Nathalie pala 'to. Akala ko ikaw si Queen kaya napa-akbay ako. Sorry ah."-Prince

Amporma nu.  Meron na kaming Prince, meron pa kaming Queen. Oh di ba? May sarili kaming royal family. Uy, co-incidence lang yung names nila ah. Cute di ba? Bale medyo close lang talaga silang dalawa kaya dapat aakbayan ni Prince si Queen. Eh nagkamali siya ng akala kaya napa-akbay siya sa'kin ng di oras. Wala namang malisya yun para sa akin. Sabi ko nga di ba, parang magkakapatid lang kami sa grupo namin.

 -BACK TO REALITY-

Ayun nga, na-explain ko na kay Chris at akala ko naman, maiintindihan niya ako, kaso..

FROM: Honey

Bahala ka sa buhay mo! Sinong T*nga ang maniniwala sa'yo? Matutulog na 'ko. Nyt.

 - - -

TO: Honey

Hala papabear! Bakit ka nagagalit? Wala ka bang tiwala sa akin? Haaaaaayyyy.. Goodnight. I love you :'(

 - - -

Naku! Misunderstanding naman oh! Anak ng ama! At ng ina! At apo ng lola at lolo! Lahat na! Sana magkaayos kami bukas.  Ka-badtrip! Walang tiwala! Di ba readers, hindi ko naman fault yun? Hindi naman di ba? Kampihan niyo ako, dali! So sad, matutulog na naman ako nang mugto ang mga mata. Lagi na lang ganito. Nagsasawa na ako.

PLAY PAUSE STOPWhere stories live. Discover now