Yup #23

423 20 1
                                    

Yup #23
Lost

"You...think so?" I heaved a sigh after hearing what my Mom said. Her eyes are cold. As well as her voice. She looks at me with so much pain that I don't even know how to ease that pain.

Sinubukan kong ngumiti at hinaplos ang kamay niya. Katatapos lang ng libing ni Kuya. Nangyari ito sa actual scene. Kaya ang mga kilos at salita ko ay kontrolado.

Ilang sandali pa ng katahimikan at pinag-isipan ko ang mga sinabi niya. Malaki ang hinala na ang pamilyang Clemonte ang may kakagawan nito kay Kuya. He was shot in the heart and hand when he was driving his motorcycle. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit 'yon. But then again, it was just the author's imagination. Wala ni isang may kasalanan sa amin kung hindi siya lamang.

Nanghihina akong tumayo at lumabas ng office room ni Daddy. Nakasalubong ko pa si Daddy na mamula-mula ang mga mata at pisngi. Nag-inom ata. Nginitian ko lamang siya at tinanguan niya ako.

Pinagmasdan ko ang buong kabahayan. Ibang-iba na ang ibinibigay nitong pakiramdam sa'kin. Dati comfort. Ngayon, puro sakit. Nang namatay si Kuya, halos magbago na ang lahat. Maging ang pagkatao ko.

Naramdaman kong pinakawalan na ako ng kung ano mang sensasyong bumabalot sa katawan ko. Malakas akong napabuntong hininga at inisip kung saan uumpisahan ang imbestigasyon.

Nangyari na ito dati. The investigation didn't go well. Walang nakitang pruweba na sa ang mga Clemonte nga ang may kagagawan nito kay Kuya. O kahit nino pa man. The crime was clean. Lumipas ang ilang taon, inabot pa ng kamatayan ko, pero hindi pa nakukuha ang hustisya.

Maraming haka-haka na baka si Tavora ang may pakana ng lahat ng ito. Ang sabi, alam daw ni Tavora kung sino ang gumawa nito kung sakaling hindi siya ang tuluyang pumatay. Hindi ko alam. Naririnig ko lang iyon sa mga kaklase namin. Ang sakit sa tainga.

Ngayon, haharapin ko na naman ang pag-ulit ng nakaraan. Ang poot at sakit na idinulot nito. Ang nagpabago sa pagkatao ko. Ang sumugat sa puso ko na kahit kailan ay hindi na humilom pa.

Ang lungkot. Mag-isa na lang talaga ako.

Lumabas ako sa bahay at inisip kung ano ang gagawin. Gusto kong magpahinga pero binabagabag ako ng konsensya ko. I must do something. Kahit nasa behind the actual scene ako.

Unti-unting sumibol sa akin ang lason ng paninisi sa mga Clemonte. Sila lang ang maaaring gumawa nito. Iniisip nilang masyadong malakas si Kuya para sa kanila. Wala itong kinatatakutan kaya tinapos na nila.

Gusto kong ipaghiganti si Kuya. Gusto ko rin silang ubusin. Tutal, pinatay naman ako sa hinaharap ni Esmeray. Hindi malabong sila ang pumatay kay Kuya.

Pero may bumubulong sa akin na tama na ang paghihiganti at kailangan kong mag move forward. Hindi matatapos ang mga ganitong senaryo kung magpapadala na naman ako sa galit ko.

Ayaw kong mandamay na naman. Lalo na si Esmeray na alam kong malinis ang konsensya. Naisip ko tuloy ang mga salitang nabasa ko sa libro. She was so puro and kind. Parang ang hirap lang paniwalaan na nagawa niya akong patayin sa hinaharap. Hindi ko alam kung anong klaseng plot twist 'yon.

Whatever's happening right now, it is the author's fault. Wala na dapat akong sisihin pa.

Pero may nagtutulak sa aking magbaka sakali na ibahin ang mga kaganapan sa behind the actual scene. What if, patayin ko ang pamilyang Clemonte sa behind the actual scene at subukan kung may ganap pa ba sila sa actual scene.

Naisip ko ring pumilas ng mga senaryo. Pero naalala ko ang bilin sa akin ni Jeannot na di dapat ako magpilas. Ang pagpilas raw ng kahit anong pahina ng libro ay para na ring senyales na sinisira ko ang sarili naming mundo. Marami raw magbabago.

Pero noong pumilas naman sina Kuya at Dagger ay walang nagbago. Ganoon pa rin naman. Maybe my part isn't that important, huh.

Dinala ako ng mga paa ko sa eskuwelahan. Walang pasok ngayon. Namataan ko ang guard na natutulog kaya swerte ko na lang at makakapasok ako.

Kung wala akong gaanong iniisip na problema ay malamang sa malamang, hindi ko kakayanin ang mag-isang pumunta rito. What if may kung anong element ang naglalagi rito? But I'm to scarred to even think about it.

Nagtungo ako sa mini forest kung saan naroon ang daan patungo sa hide out namin. Tanging tunog lang ng naipit na mga tuyot na dahon ang naririnig ko habang naglalakad patungo rito. Matagal-tagal na rin na huli akong bumisita rito.

Buti na lang at may dala akong susi. Ipinasok ko ito sa keyhole upang mabuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang malinis na silid na mag mga nakapalibot na armas. Pinindot ko ang switch nito upang makita ko ang kabuuan.

Isa-isa kong nilapitan ang mga armas. Ipinadaan ko ang mga daliri ko sa mga baril na gustong-gusto kong iputok sa sarili ko. Para akong nasisiraan ng bait habang nag iilusyong pinapatay ang mga Clemonte at nag may akda sa isip ko.

Dumako ako sa hilera ng mga kutsilyo. Iba't ibang klase ito ng patalim at may mga nakaukit pang pangalan sa bakal nito. Mapait akong napangiti nang biglang maalala kung paano ako sinaksak ni Esmeray sa dibdib. Ayaw ko nang maaalala pero gusto ko ulit maranasan 'yon. Para tuluyan na akong maglaho.

Pero ayaw ko rin naman. I don't want to waste Kuya's death. He did everything for me to be safe. Kailangan kong ipagpatuloy 'yon. Gustong-gusto ko nang mahanap ang lintik na season two na 'yon.

Mula sa malalim na pag-iisip ay nabalik ako sa reyalidad. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto ng hide out. Mabilis ko itong nilingon. Halos lumubog ang puso ko nang makita kung sino ito.

"Dagger," bati ko na puno ng lamig ang boses. Hindi ko naman sinadya na ganoon ang gawing pakikitungo but my voice can't cooperate right now. Mukhang hanggang dulo akong ganito. Wala sa sarili at parating galit.

Sinalubong niya ako ng seryosong titig. Hindi mapagkakaila sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at niyakap ako.

Hindi na ako masyadong nagulat pa. Alam kong kailangan niya ng masasandalan. Ngunit natatakot ako na baka hindi ako ang kailangan niya sa mga oras na 'to. I can't be his strength when I'm this weak. I know he's devastated, too. But I'm a wreck.

I tapped his back. Nakabaon ang mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang hininga niya at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkailang.

He's so close. Yet so far.

Nang ipulupot niya sa baywang ko ang mga kamay niya ay naging komportable ako. Hindi ko malaman kung bakit pero doon na naman ako nagsimulang makaramdam ng kaginhawaan na may kasamang sakit. Pinigilan kong umiyak ngunit traydor ang mga luha ko. Sunod-sunod silang nagsituluan na akala mo'y bukas na gripo.

I am so hurt and I don't know what to do.

"I know... it's hard for you. But... I just want you to know that, I'm here for you," sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko.

Gusto kong damahin ang mga sinasabi niya but I'm trying so hard to be brave on my own. It's difficult for me but I don't want to depend on anyone.

"Yes. I know but I just want you to know also, that I can manage this damage alone," sagot ko nakayakap pa rin. Panay ang pagtulo ng luha ko at hindi ko alam ang gagawin. Ganito na lang lagi. Nakakasawa na.

"I'm lost, Dagger. But don't try to find me. I'll find myself alone, and fix my broken self alone," marahan kong sambit at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Hindi ko alam kung matatapos pa ba ito pero sana. Gusto ko nang dumali ang mga pangyayari. Napapagod na ako. At sigurado akong pagod na rin sila.


____________________________________________________________
A/N: Shortest update, I think! Hope you're all safe! Thank you for reading!

Yup, I am the Villain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon