Nagpunta kami ni Mae sa isang restaurant na pinagkainan nila Donny at Kisses. Wala lang. Titignan ko lang naman kung masarap ba talaga ang pagkain nila dito at ganun-ganon nalang makangiti ng wagas yung lalaking yun.
Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Mae. Hindi din siguro siya makapaniwala na dito kami kakain. I smirked.
"Mae, alam mo ba kung anong in-order ni Donato dito?" tanong ko habang nakatingin sa menu.
"Ahh...h-hindi po eh." sagot niya.
"May picture ka pa ba nung magkasama silang kumain dito nung nakaraan?" tanong ko.
"Wala na po eh. Pero hahanapin ko po sa facebook ko. May friend kasi akong nagshare nung article nila." sagot niya. Tumango naman ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagtagumpay siyang mahanap yung article na iyon. Pinakita niya sa akin yung
litrato nila. Ngumisi ako nang inorder ko yung katulad ng inorder ni Donny.
"You can order whatever you want, Mae. Just don't mind me, okay? Mag-enjoy ka lang." sabi ko sa kanya nang makitang uneasy siya. Tumango naman siya at nag order na rin.

Nang dumating yung inorder namin, masama kong tinignan yung pagkaing nasa harapan ko. Let's see kung masarap ba itong pasta na inorder nung gagong yun.
"Masarap pala talaga dito yung pagkain, Doc." sinserong komento ni Mae nang matikman yung salad na inorder niya.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Inamoy ko yung pasta at halos masuka ako sa amoy niya. Parang amoy panis. Pinilit kong isubo yung pagkain pero hindi ko nagawa dahil bigla akong naduwal. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa CR nila. Sumunod naman sa akin si Mae na halatang alalang-alala. Hinagod niya yung likod ko habang sumusuka ako sa toilet bowl. Niflush ko iyon saka naglinis na rin ng sarili.
"Doc, okay na po ba kayo?" tanong niya. Tango lang ang sinagot ko.
"Nakapagtataka! Wala naman akong nakikitang mali sa kinain niyo, mam. Inamoy ko iyon at tinikman." sabi niya.
"No. Masama talaga ang amoy ng pasta, Mae." pagdidisagree ko. Hindi na siya umimik pa at halatang malalim ang iniisip. Nagmumumog ako nang makita kong nakatingin siya sa akin mula sa salamin.
"Bakit?" I asked.
"Kasi Doc...may naalala ako. Nung nakaraang araw kasi every morning nagsusungit ka palagi. Tapos palagi kang nagrereklamo sa akin noon na nahihilo ka. And then now..." natigilan siya saglit bago nagsalita ulit.
"I think you're pregnant." sabi niya na ikinagulat ko.
"T-That's nonsense!" sabi ko na halos pasigaw na. I fake laugh.
"Kailan ka po ba huling nadatnan?" tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinitigan siya. Nakuha naman niya yung ibig kong iparating.
"Doc, i-test natin. Let's find out. Buti nalang talaga at nagpabili yung ate ko ng PT." sabi niya habang may kinakalkal sa bag niya. Nang mahanap niya iyon, nilahad niya agad sa akin. Bumuntong-hininga akong tinanggap ito.

Dalawang araw ang nakalipas nang ganito pa rin ang set-up. Palaging kaming dalawa ng sekretarya ko ang naiiwan kapag out na. Palaging nag eearly out ang mga pinsan kong tukmol at ang kapatid ko naman ay palaging nagmamadaling umalis. Hindi pa rin nagpaparamdam sa akin ang boyfriend kong unggoy. Hindi ko alam kong girlfriend pa ba niya ako. Wala na rin akong balita about sa kanya. Nakakainis siya! Makita ko lang talaga ang pagmumukha niya.
Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog yung cellphone ko hudyat na may mensahe ako.

From: +639**********

Hi! This is Kirsten. How are you? Pwede ba tayong magkita for a while? I just want to talk to you. Sana ay pagbigyan mo ako. Just for this day, please?

Halos hindi ako makahinga sa binasa ko. She wants to talk to me. For what? Gusto niya bang sabihin na nagkabalikan na sila ni Donny? Bigla akong kinabahan. Bahala na.

To: +639**********

Okay. Where are we going to meet?

It won't hurt me, right? Bahala na talaga.

Nang lumabas na ako ng clinic kasama ang sekretarya ko, nadatnan ko si Kisses na nag-aantay. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. She's always been so beautiful. Tumangkad pa siya ng konti pero naging mas may hubog na ang katawan niya. Pasado na nga siya siguro sa pagiging beauty queen. Well, she's Delavin. What can you expect? Pinanganak na siguro siyang perpekto. I smiled.
"Kanina ka pa?" bungad na tanong ko.
"Kakadating ko nga lang. Naisipan ko pa nga sanang pumasok sa clinic niyo but then I saw you." sagot niya at tumango lang ako. Nagpaalam na rin ang sekretarya kong umuwi. Sumabay ako kay Kisses since siya na daw magsusundo at maghahatid mamaya sa bahay. Siya ang nagdrive habang ako naman ay nasa tabi niya.
"Saan tayo pupunta?" I asked. I don't really have an idea kung saan talaga kami patungo. Baka nga kikidnapin niya ako o ihuhulog sa bangin para wala ng sagabal pa sa relasyon nila ni Donny. Oh dear! Ano ba itong iniisip ko? Hindi naman siguro ganun si Kisses.
"Kamusta ka na?" tanong niya pabalik imbis na sagutin ako.
"Okay lang naman. Buhay pa din kahit papano." I said trying not to be sarcastic. She laughed.
"I'll" get straight to the point." biglang sabi niya matapos tumawa.
"I'm not here to cause you any trouble. I just want to say sorry for what I have done to you and to your relationship with Donny from the past. Kinain lang ako ng immaturity and jealousy. Nagmahal lang naman ako to the point na hindi ko nakita na nakakasakit na pala ako. " she said.
"After you left, I realized that Donny's love for you was so pure  that he didn't looked for anybody else not even me. I did everything just to love me again but it didn't worked. Nagpakatanga ako ng tatlong taon sa kanya pero wala pa rin. So, I gave up." dugtong niya nang nakangiti sa akin bago ibinalik ang mga mata sa dinadaanan.
"I even blamed myself for choosing something else and not him. I regretted leaving him for something that I wasn't even happy. I was blinded by fame. Saka ko lamang siya naisip nung kailangan ko na siya. At nung kailangan ko na siya, nandoon kana. I thought mahal pa rin niya ako and it was easy to get him back pero I was wrong. He really loves you that he was willing to sacrifice everything even his dreams. Galit na galit  at inggit na inggit ako noon sa iyo. I even made a trouble to your relationship just to win him back pero nabigo ako. I already knew that I lost from the moment I first saw you pero nagpakadesperada pa rin ako. " she said. I remained silence.
"I'm really sorry, Sharlene. I hope you will forgive me." sinserong sabi niya.
"Okay na iyon. It was all in the past." sagot ko.
"Thank you, Sharlene." sabi niyang nang nakangiti bago ituon ang pansin sa dinadaanan.
"K-Kayo na ba u-ulit?" tanong ko. Nagulat siya at napatingin sa akin.
"What? Si Donny?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako.
"Hindi. Paano magiging kami nun eh di ba kayo na ulit? At wala na akong pag-asa sa kanya kahit ilang taon pa ang lilipas hindi na magiging kami ulit. Malabo na." mapait na tugon na. So, yung sa article...how do you explain that? Gusto ko sanang itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko nalang.
"Medyo. Matulog ka muna." sabi niya.
"Pwede ba?" tangang tanong ko.
"Oo naman. Ano ka ba!" sabi niya habang nakatawa. Sige na nga. Makaidlip nalang. Bahala na siya kung ihuhulog nga niya talaga ako sa bangin. Napangisi ako sa iniisip ko.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now