Ilang minuto akong naka upo lang at humikbi nang humikbi. Nang mapagdesisyunang umalis na ay pinalis ko na ang mga luhang nasa pisngi ko.

Nasasaktan akong naglakad patungo sa classroom nina Kuya. Sigurado akong walang tao roon dahil mukhang hindi naman nagk-klase roon. Naging meeting room pa nga namin 'yon.

Palakas nang palakas ang mga hikbi ko habang pumapasok sa loob ng silid. Umingit ang pintuan nang itulak ko ito. Nandoon pa rin ang long table sa gitna kung saan dinaraos ang walang katapusang meeting appointments namin. Naiimagine ko si Kuya na nakangising inaasar ang kung sino man sa amin. At naiimagine ko siyang seryoso, determinadong mabago ang takbo ng istorya.


Umupo ako sa isa sa mga upuang laging inuupuan ni Kuya. Hinaplos ko ito at hindi mapiglang mapaiyak lalo habang inaalala ang huli naming interaksyon.

Sa hospital. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta pero nagmatigas ako at piniling magdrama na lang.

Hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil mas inuna ko ang sarili kong kaartehan kaysa sa mas importanteng mga bagay. Sa mas importanteng tao. Sa taong walang ginawa kung hindi isipin ang kapakanan ko rito. Ang taong dapat kong tinakbuhan sa oras na may problema ako. Ang taong dapat hindi ko binalewala dahil parang second life niya na 'tong makasama ako.

Ang selfish ko sobra. Hindi ko man lang siya inisip. Nawala sa isip ko na may eksena nga palang mamamatay na siya. Nakalimutan kong mawawala nga pala siya sa akin at dapat iyon ang pinroblema ko upang mapigilan ito. Sana isinantabi ko muna ang mga bagay na hindi masyadong importante.

Dapat inuna ko ang pamilya.

Pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait. Wala na kaming leader. Wala na kaming instructor. Wala nang mamumuno sa plano naming baguhin ang takbo ng istorya. Wala nang magtatanggol sa akin. Wala nang makakaintindi sa akin. Mas lalo akong magiging mag-isa. Kasi noong nandyan siya, hindi ko man lang siya dinama. 'Yan tuloy ako ngayon. Natuluyan nang nag-iisa.

Nag-uunahan ang mga bagay sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matapos ang lamay. Oo. Dapat kong ipagpatuloy ang pagpapatigil sa takbo ng istorya kasama ang iba pang aware na pero hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas. I'm a weak ass. I need to be brave but I don't know how.


The next scenes would be more suffocating. I need strength. I need to find it, just by myself. Without anynone's help.

Narinig kon bumukas ang pintuan ngunit hindi na ako nag-abala pang lingonin kung sino man ang pumasok. My mind is clouded with sad and hard thoughts. I don't have the time to talk.

Umupo ito sa harap ko kaya hindi ko na rin napigilan pa ang mag-angat ng paningin. Mas lalo lang akong nasaktan nang makita si Crash, nag-aalalang nakatingin sa akin at nahihirapan kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap sa akin.


Iniwas ko ang tingin dahil ayaw kong makita niyang umiiyak ako. Ayaw kong makipag-usap sa ngayon. I need to be alone but I don't have the strength to push him away.

Ilang sandali pa ng pagtulala nang maramdaman ko na tumayo siya sa gilid ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Ngunit nagulat na lang ako nang i-angat niya ang dalawa kong braso patungo sa baywang niya at ipinulupot niya naman ang braso niya sa balikat ko.

He hugged me so tight. An embrace that I need the most right now. The assuring one. And somehow, I felt calmed and comfortable. Tumulo na naman ang luha ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko. Napakarahan nito. Iniisip kong si Kuya ang yumayakap sa akin at mas lalo akong naiyak.

Nanatiling mahigpit ang yakap niya sa'kin. Para bang takot na takot siya na kung sakaling maluwagan niya ito ay madudurog ako. Ramdam ko ang rahan ng kaniyang paghaplos.

Palakas nang palakas ang mga hikbi ko. Wala akong maging bukambibig kundi ang salitang Kuya. Hindi ko alam kung ilang oras kami sa posisyong ganon at nagpapasalamat ako at hindi siya nagreklamo.

Hindi ko na rin alam kung paano niya ang nayaya pauwi sa bahay. Doon ibinurol si Kuya. My family is a bit traditional.

Nakikita ko pa lang ang mga ilaw ng poste na nakatayo sa kabaong niya ay halos himatayin na ako. The familiar painful feeling. Natatandaan ko pa kung paano ako nagluksa noon. At mas lalong dumoble ang sakit ngayon dahil wala akong nagawa para pigilan ito.

Chance na 'yon e. Hinayaan ko lang siya. Tangina. Napakawalang kwenta ko.

Nakaaalalay lang sa akin si Crash sa pagpasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang ilang nakilamay. Naroon sina Helga, Leocadia at Itzel. Lahat sila ay binigyan ako ng malungkot na tingin na hindi ko na tinugunan pa ng kung ano.

Wala akong emosyong dumungaw sa salamin ng hinihigaan ni Kuya. Parang nakangiti pa siya habang nakapikit. Parang ang ginhawa ng pakiramdam niya habang nakahimlay roon.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

"Kuya, tangina, nang-iwan ka na naman," sambit ko habang nagpapakatatag. Parang gripo ang luha ko dahil sa sunod-sunod na pag-agos nito.

Nakakarinig ako ng ilang hikbi sa likod ko kung saan naroon ang ibang nakikilamay.

Nakaramdam ako muli ng yakap sa akin at mas lalo akong nasaktan nang makita si Mommy, pilit nagpapakatatag para sa amin. Nasa likod niya si Daddy. Nakatingin lang kay Kuya, pilit pinipigilang umiyak kahit alam kong isang kalabit lang dito ay maghihinagpis na siya.

Niyakap ko si Mommy at ibinaon ang mukha sa kaniyang leeg. Nararamdaman ko ang pagtaas-baa ng dibdib niya at mumunting hikbi, indikasyon na ayaw niyang ipakita na mahina siya sa mga oras na ito.

Mommy always cry. But when Kuya died, para siyang naging pusong bato. Nawalan na ng emosyon ang kaniyang mga mata at bihira na lang ngumiti. Lalo akong nabaliw sa pag-iisip nang mapagtanto kung gaano kasakit para sa kanila ang pagkamatay namin ni Kuya. Parang di ko kinakaya.

Nang i-angat ang tingin ko ay lalo akong naiyak. Nakita ko si Dagger na kapapasok lang sa loob ng bahay namin. Nakatulala siya sa kabaong, nagniningning ang mga mata na mukhang katulad ng ibang kalalakihan ay ayaw magpakita ng kahinaan.

I felt bad for him. Kuya and him are best friends. Naalala ko kung paano kami naging mas malapit nang mamatay si Kuya. Mukhang nagpapaka Kuya siya sa akin noon para protektahan ako in behalf of Kuya.


Tiningnan niya ako at malungkot na ngumisi. Tinapunan ko lang siya ng malungkot na tingin at muling ibinaon ang mukha sa leeg ni Mommy.

Kung masakit para sa'kin ang pagturn down ni Dagger sa nararamdaman ko, ngayon naman, ang pagkamatay ni Kuya ay halos ikamatay ko na rin. Gusto ko nang matapos 'to.

At kung pwede lang na maglaho, malamang sa malamang ay wala na rin ako ngayon.

____________________________________________________________
A/N: Hi stay safe!


Yup, I am the Villain (COMPLETED)Where stories live. Discover now