Chapter 10

8.2K 173 16
                                    

Chapter 10

 

 Pagdating ni Mark sa bahay nila Liz agad niyang nakita ang mga nagkalat na pulis. Nasira pa kasi ang sasakyan niya sa daan na parang sinasadya ng pagkakataon.

Dahil kapag titingnan niya ang problema wala naman siyang makikita. Maayos ang makina. Muli niyang iistart ang makina at muli rin itong aandar.

Pero hindi pa siya nakakalayo ay muli na naman siyang masisiraan. Pero kapag sinubukan na niyang paandarin muli, muli na namang mamamatay ang makina. kaya ngayon lang siya nakarating dahil paulit ulit lang ang nangyayari.

Kinakabahan man ay bumaba pa rin siya ng sasakyan at nagtanong sa isang pulis na parang may hinahanap na kung ano.

"Excuse me po, ano pong nangyayari sa loob?" tanong niya

"Patayan! Sino ka ba? Isa ka ba sa  kamag anak ng mga biktima?" tanong ng pulis sa kanya

"Mga biktima?!! Patayan?" akma na sana siyang tatakbo sa loob ng pigilan siya ng pulis na kausap niya

"Kamag anak ka ba? Kung hindi bawal pumasok dahil nagiimbistiga pa kami"

"Kaibigan ako ng may ari ng bahay na to! Kaya hindi mo ko pwedeng pigilan!" sabay takbo niya sa loob.

Kinakabahan siya. Kanina ng tumawag si Leo ay parang may emergency daw at pinapunta niya ako dito sa bahay nila Liz.\

Pero hindi niya ineexpect na ang emergency ay isa palang patayan. Agad niyang naisip si Liz. Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya.

Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang sahig na puro dugo at isang nakatakip na bangkay. Tumingin siya sa itaas at agad siyang tumakbo paitaas.

Pagakyat niya ay agad niyang nakita ang nagkalat na pulis pinakamarami ang kwartong nasa dulo. Ang kwarto ni Liz!

Kumaripas siya ng takbo. Pagdating niya sa may pinto ay agad niyang nabungaran sina Leo at Christian.

Si Christian ay nakaupo sa harap ng isang nakatakip na bangkay habang nakayakap sa mga binti nito at parang umiiyak.

Si Leo naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa ding ding at nagdudugo ang mga kamao. Parang wala sa sarili ito. Gulo gulo ang buhok at namumula ang mata na parang galing sa pagiyak.

"Anong nangyayari?" nagtanong pa rin siya kahit kinukutuban na siya na ang bangkay sa harap ni Christian ay si Liz

Parang nagsisikip ang dib dib niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.

"Hindi na namin siya inabutan Mark. Hindi na namin siya inabutan.." sabi ni Leo at tuluyan ng humagulgol ito

Manang ElsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon