Chapter 6

9.6K 190 16
                                    

Chapter 6

 

 

 Nakatalungko si Mitch sa terrace ng kwarto niya ng madatnan siya ng kanyang ina. Nakatitig sa kalangitan at palaging napapabuntunghininga.

"Anak tulala ka na naman?" sabi ni Alicia ang ina ni Mitch

"Andiyan ka pala ma"

"Kanina pa pero parang wala kang napapansin"

"Sorry ma.." malungkot na sabi niya

"Asan na ang anak ko? Yung masayahin kong anak? Yung malambing kong anak? Namimis ko na siya"

Biglang napatingin si Mitch sa mama niya.

"Mama.." wika niya na parang maiiyak

"Anak lumabas ka ng bahay. Magtrabaho ka ulit. Mamasyal ka. Nangangayayat ka na"

"Mama.." at tuluyan na siyang humagulgol ng iyak

Niyakap siya ng kanyang ina at pilit na inaalo.

"Mama miss na miss ko na sila. Gusto ko silang puntahan. Pero pag naiisip ko ang mga nagawa namin nawawalan ako ng gana"

"Wala ka namang kasalanan diba anak?"

"Mama meron. Dahil wala akong nagawa. Mama wala akong nagawa" sabi niya sa pagitan ng paghagulgol

"Huwag mong sisihin ang sarili mo"

"Mama ayoko ng ganito. Palagi na lang ang bigat bigat ng dib dib ko."

"Ssshhh.. Tahan na.."

Ngunit umiling lang siya ng umiling.

"Andiyan si Geoff sa baba. Kausapin mo baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo"

"Ayoko mama"

"Nakakaawa na siya anak. Pabalik balik siya makausap ka lang"

"Pag naiisip ko siya mama gustong gusto ko siya yakapin, sobrang namimiss ko na siya. Pero pag naiisip ko din ang nangyari nasusuklam ako"

"Bahala ka na anak. Kung talagang ayaw mo hindi kita pipilitin. Sumama kang maggrocery sa'kin mamaya ha? Hindi pwedeng hindi naiintindihan mo?

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. At tuluyan ng bumaba ang mama niya at iniwanan na siyang magisa.

Tumayo siya at tumingin sa paligid. Napatingin siya sa ibaba. At mula sa gate ng bahay nila ay may nakita siyang matanda na nakangiti sa kanya.

Manang ElsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon