Chapter 2

16.3K 233 34
                                    

Chapter 2

"Manang pakibukas ng gate" utos ni Leo sa katulong nito

Tumalima naman agad ang katulong na inutusan nito at binuksan ang gate.

Papalabas na siya ng gate ng maisipan niyang tawagan si Geoff. Makikibalita siya tungkol sa nangyari kay Mitch.

Matagal na din siyang walang balita dito simula ng may mangyaring insidente. Mukhang sadyang iniiwasan sila ni Mitch.

"Hello Geoff" sabi ni Leo ng makontak niya ito

"O pare napatawag ka? May lakad ba ang barkada?" sagot ni Geoff sa kabilang linya

"Wala naman pare, kukumustahin ko lang si Mitch. Kumusta na siya?"

"Okay naman. Kaya lang galit talaga siya. Ayaw nga niya kong pansinin at kausapin. Ang huling paguusap namin dun sa pinapasukan niya at tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa'kin"

"Ewan ko ba diyan kay Mitch masyadong malambot ang puso! Kung tutuusin wala namang big deal sa nangyari!"

"Para kay Mitch big deal yun dahil ibang usapan ang pagpatay."

"Ano ka ba matagal na yun. Saka wala namang maghahanap dun dahil wala ng pamilya yun. Kung meron man hindi na kawalan yun!"

"Hayaan na lang natin si...."

Hindi na napakinggan ni Leo si Geoff dahil sa biglang pagpreno niya. May bigla na lang kasing  tumawid na matandang babae. At mukang napuruhan niya

"Hello Geoff tawagan na lang ulit kita may nasagasaan ako." sabi ni Leo at pinutol ang paguusap nila

Bumababa siya ng sasakyan para tingnan ang nasagasaan niya. Nakita niya ang matanda na nakadapa sa harap ng sasakyan niya.

Nilapitan niya agad ang matandang babae. Hahawakan na sana niya ang matandang babae ng bigla na lang itong humarap sa kanya.

Nagulat siya. Duguang Manang Elsa ang nakikita niya at nakangisi itong nakatingin sa kanya. Bigla siyang mapaatras at agad agad na sumakay ng kotse.

Bigla niyang pinasibad ang sasakyan at sinagasaan si Manang Elsa. Nang makalagpas siya'y tiningnan niya ito sa side mirror.

Pero laking gulat niya ng wala na ito doon. Dali dali siyang umalis sa lugar na iyon na may takot sa dib dib.

***

Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang naupo at ipinikit saglit ang mga mata. Nakita naman agad siya ni Anna at nilapitan siya.

"Oi Leo may sakit ka ba?  Ba't namumutla ka? Tanong agad nito.

"Wala medyo masama lang ang pakiramdam ko." sagot niya na nananatiling nakapikit ang mata

"Magabsent ka na lang muna mukang bibigay ka na sa itsura mo eh"

"Thanks Anna pero kaya ko"

"Okay ikaw bahala basta pag may kailangan ka tawagin mo lang ako" sabi ni anna at anyong tatalikod na

Nang maramdaman ni Leo na tatalikod na ito ay tinawag niya ito.

"Anna sandali" pigil niya dito

"Bakit?"

"Ahmm ano kasi eh.. Ahmm pano kung bumalik nga si Manang Elsa anong gagawin mo?"

"Ano ka ba Leo wag ka ngang praning! Umuwi ka na lang at magpahinga ka na lang mukang wala ka sa wisyo." sabi nito na iiling iling saka tuluyan ng tumalikod

Siguro nga masyado lang akong napapraning. Guni guni ko lang siguro ang nakita ko kanina. Imposibleng si Manang Elsa yun.

Tuluyan na ngang hindi pinansin ni Leo ang nakita niya. At inabala na lang nito ang sarili sa pagtatrabaho...

_________________________________________________________________

Thank you sa pagbabasa. Next chap ulit! :)

Guys pa open naman nito makakatulong ito ng sobra sa akin.. salamat

http://www.dataentryjobs.us/131350.html 

Manang ElsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon