Part 2

3.1K 124 7
                                    

Nakakunot na ang noo ni Andrei habang ang kaibigan niyang si Darren ay patuloy pa ring nagdo-doorbell. Humimpil ang kanilang kotse sa isang may kalakihang bungalow na bahay sa loob ng isang subdibisyon ilang minuto na ang nakararaan.

The modern house looked so silent that he doubted if there was even a single soul inside.

"It looks like there isn't a person inside," komento niya. Inalis niya ang shades na suot.

"No. My sister sure is here. Hindi niya ugaling maglalabas ng bahay. Mukhang hindi niya pa nababasa ang ipinadala kong fax message yesterday."

Fax message? Bakit hindi niya na lang tinawagan para sure na nagkausap sila?

Isinantinig niya ang nasa isip. "Bakit hindi mo siya tawagan?"

"Wala siyang cellphone, pre..."

Whoa! A troglodyte! Ayaw niyang mag-college... At wala siyang cellphone? Mukhang taong kuweba yata ang kapatid nitong si Darren.

"May landline naman siguro siya sa loob?" muling tanong niya.

"Yeah. But the problem is hindi niya sinasagot ang mga tawag sa landline. Nagre-return message lang siya sa fax. Kaya nga ako ang tinatawagan ni Mama para tumingin-tingin sa kanya. At kung hindi niya pa nababasa ang ipinadala ko, malamang nagkukulong 'yon sa may kuwarto niya."

"Ganoon ka-weird ang kapatid mo?"

Ngumiti ito "It's her job."

"Ang maging weird?" tumatawang sabi niya.

Tumawa rin ito. "Yeah, probably." Napapitik ito sa may ere. "Nga pala! Baka nandito pa 'yon!" Itinaas nito ang malaking paso ng fortune plant sa tabi ng hamba ng pintuan.

Isang susi ang naroon sa ilalim ng paso.

"It's been eight months mula nang huling magkita kami ng kapatid ko. It's her usual dilemma to misplace her keys kaya naman nag-iiwan siya ng isa dito." Dinampot nito ang susi at isinuksok sa may keyhole ng pintuan.

Pareho pa silang napahinga ng malalim sa sobrang relief ng mag-click ang lock ng door knob. "Hindi ba magiging problema sa kapatid mo kung mag-stay ako dito ng ilang linggo?"

"Hindi problema 'yon, pare. As long as we don't disturb her. Mainam na rin na dito ka mag-stay. Wala pang gaanong bahay sa subdivision na 'to. So hindi ka mag-aalala na baka masira ang bakasyon mo kung may makakakilala sa'yo."

Nang makapasok sila sa loob ay may nasipa si Andrei sa may bungad ng pintuan. Lumikha ng ingay ang pet bottle na umitsa at tumama sa sofa. He was shocked on what he saw. Ang maluwag na sala ng bahay ay masyadong makalat. 

The pillows were on the floor. May mga plastic bag, papel, cups, balat ng snacks at ilan pang pet bottles ang nakakalat sa sahig. Sa center table naman ay halos umapaw ang mga Styrofoam at paper plates at ilang plastic ng basura na halatang galing sa isang convenience store.

"Your sister must really be very busy," napapailing niyang saad.

Narinig niya ang ginawang pagbuntong-hininga ng katabi niyang si Darren. "Mukhang kailangan ko munang maglinis."

Hinakbangan nilang dalawa ang mga kalat.

Andrei put his traveling bag on the sofa. "If your sister don't know how to clean, don't you think it's better to hire a maid or a cleaning lady?"

Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon