¤ Chapter Eight ¤

780 27 13
                                    

Chapter Eight: Five Signs


Bea's POV

MONDAY na naman and makikita ko na naman si Ivan.

Kahit naman kasi nasaktan ako sa nangyari, okay na ako kasi siya naman ang bumuhat sa akin eh hahaha.

Marupok ang peg HAHAHA.

Well, naghahanda na ako ngayon para pumunta sa school.

*****

Pagkadating ko dito sa school, as usual parin ang ginagawa ko. Pumunta na ako sa classroom and yes katabi ko po si crush at tinignan ko yung upuan niya pero wala pa siya.

Awww, bakit late na naman siya? *sigh* makapag-review na nga dahil baka may surprise quiz mamaya.

Five minutes na ang nakakalipas pero wala pa siya. Oo! Talagang binilang ko!

Pero makalipas ng ilang minuto ay nandito na siya at naglalakad patungo sa akin--- ay sa upuan niya pala hehehe.

Tinignan ko siya pero parang may sarili lang siyang mundo at naka-airpods lang na naman siya.

Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas. Huh? Bakit kaya?

Kinalabit ko na naman kaya tinanggal na niya yung isa niyang airpods mula sa tainga niya.

"What?!" Inis na tanong niya sa akin kaya nagulat ako.

"Uhhmm...sasabihin ko lang naman sayo na mag-review ka dahil baka magpa-pa-surprise quiz si ma'am mamaya. Sige ka, terror pa naman si ma'am Castillo" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"I don't care so mind your own business" sabi niya tsaka umiwas ng tingin at ibinalik yung airpods niya sa kaniyang tainga.

"Sungit naman. Siya na nga yung ina-alala ihhh" Sabi ko. Oo! Sabi at hindi bulong dahil alam ko namang hindi niya ako marinig dagil naka-airpods naman siya ihh.

Pero mukhang nagkamali ako dahil pagka-sabi ko iyon ay napatingin siya sa akin kaya nagpa-cute ako sa kaniya.

But hindi ata tumalab kasi umiwas na naman siya ng tingin.

Napa-ayos naman ako ng upo dahil dumating na si ma'am Castillo.

Discuss...

"Okay everyone! Bring one whole sheet of paper" sabi ni ma'am Castillo pagka-tapos niyang mag-discuss.

"Arghhh!"

"Surprise quiz na naman!"

"Ano ba yan!"

"Palagi nalang!"

Reklamo ng mga classmate ko. Oo! Sila lang dahil nakinig naman ako at nag-review naman ako kanina eh bwahahaha!

Tinignan ko si Ivan at kanina pa lutang. Ganiyang na siya nung dumating siya dito huh? May problema ba siya?

Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin nang may pagtataka.

"Bring one whole sheet of paper daw, Ivan" bulong ko sa kaniya.

"What?! We're having a quiz?!" Gulat na tanong niya kaya napa-tango nalang ako bilang respond ko sa kaniya.

Sabi ko na nga ba sa kaniya eh. Ayan! Hindi naman kasi siya nakinig sa akin at mukhang pati na rin kay ma'am Castillo.

"Okay! Number one blah blah blah..."

Number nineteen na kami at mukhang wala pang naisu-sulat si Ivan kaya naka-isip ako ng paraan.

Pasimple ko siyang kinalabit at napatingin naman siya sa akin. Isi-nenyas ko yung papel niya at papel ko na nag-sasabing kumopya siya sa akin pero parang ayaw niya.

"I Love You" (COMPLETE)Where stories live. Discover now