¤ Chapter Thirteen ¤

15 1 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN: Jerome


Bea's POV

Tapos na ang klase ko ngayon araw at nakauwi na rin si bakla. Kasalukuyan akong nasa bench at kini-kontak ko yung number ni manong Gelo. Yung naka assign na driver ko. I know how to drive kasi tinuturuan ako ni kuya kapag nagbabakasyon siya noon.

Ayun! Sumagot sa wakas! Kanina pa kasi ako nangongontak eh.

"Hello manong?"

"Hello ma'am?"

"Manong asan na po kayo? Tapos na po yung klase namin"

"Ma'am hindi pa po kasi okay yung sasakyan. Tapos flat yung van pero huwag po kayong mag-alala ma'am. May paparating na pong susundo sa 'yo" pagkasabi niya nun ay may busina akong narinig at tumigil sa harap ko ang isang sasakyan. A blue sportscar to be specific.

May bumabang lalaki at nanlaki ang mga mata ko. "OH MY GOSH!" Pinatay ko na yung tawag at mabilis akong lumapit sa kaniya tsaka yumakap.

"C-cannot b-breath" narinig kong sabi ni kuya kaya pinakawalan ko na siya.

"Sorry. Kalian ka pa dumating kuya?" nasisiyahang saad ko.

"I just arrived and dumiretso na ako dito kasi sinabi ni mang Gelo na kailangan mo ng sundo. So, here I am" nakangiting sabi niya.

Yinakap ko ulit siya "I missed you! It's been 10 months..." humiwalay ako sa yakap namin. "...Bakit ba kasi yung branch natin sa abroad ka nagtratrabaho?" naiinis kong sabi at mahinang sinuntok siya sa dibdib.

"Let's have a talk inside the car" sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Sumakay naman ako tapos umikot siya para sumakay na rin sa driver's side.

Pinaandar na niya yung sasakyan at umalis na kami "Alam na ba nina mom and dad na nandito ka? And akala ko ba sa Christmas pa ang dating mo?"

"I finished my work faster because I missed you and mom and dad too. And it's not my fault that they need me abroad, but I think I will stay here for good because there's a new manager there that I assigned. I'm not getting any younger and you too, so I want to spend time with my little sis" sabay abot sa buhok ko at ginulo ito.

"So, saan tayo ngayon? Hindi mo lang ba ako itri-treat?" nakangiting sabi ko. Sakto namang red light kaya lumingon siya sa akin kaya itinaas taas ko ang dalawang kilay ko.

"Hmm..." sabi niya na parang nag-iisip.

"Sige na kuya! Nagcre-crave ako ngayon ng chicken. Punta tayo sa mcdo?" siguro papaya siya noh? Imposible namang hindi niya afford yung mcdo.

"Sige hahaha" natatawang sabi niya at nag-drive na dahil green light na.

Nang maka-park siya sa mcdo, lumabas na kami. Iniwan ko yung ilang gamit ko sa sasakyan niya at kinuha lang yung phone ko. Siya naman yung magbabayad eh.

"Hanap ka na ng uupuan natin at ako na yung mag-oorder" sabi niya at tumango nalang ako.

Siguro dahil uwian na ay marami-rami yung tao dito sa Mcdo. May nahanap naman ako pero agad akong natigilan ng mahagilap ng mga mata ko si Ivan--- kasama si Melany. Pang dalawahan yung table nila. Nakatalikod sa akin si Melany.

Nagtagpo yung mga mata namin ni Ivan pero agad akong umiwas. Hala! Medyo malapit yung table na nahanap ko. Wala namang iba kaya wala akong choice kundi umupo doon. Naramdaman kong nakasunod yung mga mata ni Ivan habang nagsasalita yung nasa harap niya.

"I Love You" (COMPLETE)Where stories live. Discover now