In fact, she absolutely liked Erik. Nung pinakilala ko na silang dalawa nang personal, nagustuhan ng mommy kung gaano ka-established bilang isang engineer si Erik. He also represented himself pretty decently and smartly.

At oo, nakagugulat na sa loob ng dalawang buwan, gusto ko nang magpakasal kay Erik. Pero convincing naman para kay mommy na tumatanda na si Erik. He was already fifty-two. Mahal namin ang isa't isa (okay...), at parehong stable. Ano pa ang dapat ipag-alala ni mommy?

Pero paano ko malalaman kung totoo ang mga nabasa ko sa diary ko? Paano kung hindi ko gagawan ito ng paraan? I had to present a believable reason why I needed a CENOMAR. Akala ko, madali lang. Hindi rin pala ako makakukuha ng anumang ebidensyang magpapatibay na kasal na ako.

Ang nakuha ko lang ay salita mula sa staff ng PSA na kasal na ako based sa records nila.

I could not deny my frustration.

Kinalma ko ang sarili ko. The show must go on, they say. Sinagot ko ang tawag. Ini-loudspeaker ang cellphone.

"Erik," bati ko agad sa kanya.

"Hi, sweetheart. How are you?"

Hindi ko naman siya kaharap, bakit pinepeke ko pa rin itong ngiti ko?

"Good," I lied. "Nakakainis lang itong traffic." Ang tungkol sa traffic lang ang totoo sa mga sinagot ko kay Erik.

"Nakuha mo na ba ang CENOMAR mo? Ako baka next week pa, eh. Sa services sa mall ko na lang ini-process. Less hassle."

"A-Ako rin." Nagsisinungaling na naman ako. Oh, good Lord, I was really so sorry. "Ako rin. Ganyan ang ginawa ko. Baka next week ko rin makuha."

Sa totoo lang, hindi ako sa mall nagproseso dahil gusto kong isang araw na lakaran na lang ang gugulin para sa CENOMAR ko... Now, I had to lie about it too...

"That's my sweetheart!"

I just rolled my eyes. I really think it's so corny to use the word sweetheart as an endearment. Old school at masyadong mahaba. Pero sa huli, napangiti na lang ako. I always ended up coping with this very small problem as a funny joke and I felt better instantly. Inaalala ko na lang na para maging maayos ang pagsasama namin ni Erik kaya kung maliit na bagay lang, hindi ko na kokontrahin pa.

"I figured that while we wait, asikasuhin na natin 'yung marriage counseling natin, ha? Required iyon para sa application ng marriage license natin, 'di ba?"

"Yes," mahina kong sagot. "The cars are already moving. I'll be driving already."

•·················•·················•

NAG-AALANGAN AKO. Hindi ko lang kasi ma-imagine kung paano ako nagkaroon ng kakilalang sa ganitong klase ng lugar nakatira. The houses were cramped too closely, the street was so narrow. Napilitan tuloy akong bumaba ng kotse para lakarin ang papasok doon.

Dahil hindi ako nakakuha ng CENOMAR, wala na akong choice kundi ipahanap sa isang private investigator si Zacharias Iñigo. Again, I made sure no one would know about this. Kaya naman ang kasama ko lang sa sasakyan ay ang private investigator na naiwan doon.

Pwede ko namang itanong kay mommy ito, 'di ba? But I didn't. Kasi, kung alam niyang kasal na ako, hindi niya ako hahayaan dahil magkakaroon ng complications sa magiging kasal namin ni Erik.

At kung hindi naman talaga ako kinasal noon, at may mali lang sa records ng PSA, at least, hindi ko na binigyan pa ng alalahanin si mommy. Magti-thirty two na ako. Nagka-amnesia man ako, nakaka-adapt na ako ngayon. Kaya ko nang makipagsabayan sa mundo.

The TestWhere stories live. Discover now