Chapter 11 - May manliligaw ako?!?

169 4 0
                                    

Chapter 11 – May manliligaw ako?!?

(Paige’s POV)

* sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

* sa telepono may tumatawag ang telepono sagutin natin ang telepono may tumatawag may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong may humihingi ng tulong kung saan WONDERpets*

“Hello.”

“Hey, get out now,” sabi ni Bart.

Huh? Andyan na sya? Agad-agad? Ang aga pa kaya.

“Wala pang 8 noh! Maliligo muna ako,” sabi ko.

“What?! Kanina pang sikat ang araw hindi ka pa nakakaligo? Psh! You know that I don’t want to keep waiting kaya BILISAN MO!”

“Eh, ang aga-aga nyo po kasi…masyado kang atat na makita ako ulit!!! Na-miss mo ako agad noh? Hahaha! Hoy Bart, you miss me noh? Aminin…ahahaha! Hello…? Hello?!”

{Call ended…}

Binabaan ako? Bastos na bata, walang GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT.

Papunta na akong CR para maligo nang may kumatok.

*toktoktok*

“Paige!”

Huh? Si Aleng Nena yun ah, yung land lady dito. Ang aga-aga maniningil na? Eh, wala pa ngang katapusan.

“Andyan ka ba? Buksan mo ‘tong pinto,” sigaw nya.

Binuksan ko yung pinto at dun bumungad sa ‘kin si Aleng Nena at si Bart.

Akala ko ba nasa kotse nya ‘to naghihintay?

“Paige, ano ka ba! May gwapong bisita ka pala, bakit hindi mo man lang pinapasok?” tanong ni Aleng Nena.  “ Naku hijo,  pasensya ka na at doon ka sa labas pinaghintay ni Paige,” baling nya kay Bart.

“Okay lang po,” sabi ni Bart with all the wagas smile and polite tone of voice.

Hala? Anyare?

“Sige hijo, pumasok ka na. Wag ka ng mahiya…” sabi nya sabay tulak kay Bart papasok ng bahay. Wala akong nagawa at napilitan na lang magbigay daan sa aking walangyang bwisita na para bang nakikisabay pa kay Aling Nena.

“Paige, mauna na ako. Sa susunod naman hija pag bumisita ‘tong si Mr. Pogi papasukin mo. Hindi porket manliligaw mo sya pwede mo na syang pahirapan ng ganyan, bihira na lang ngayon ang lalaking may lakas ng loob na manligaw kahit umagang-umaga, maswerte ka! Pero syempre kailangan nyo pa ring alalahanin na mga bata pa kayong dalawa kaya hinay-hinay muna…‘wag na ‘wag kayong magpapadala sa bugso ng inyong mga damdamin dahil yan ay bawal, maliwanag ba? Kailangan nyo munang makapagtapos ng pag-aaral at kapag kasal na kayo, pwedeng pwede na. ”

Yung feeling na pinagkamalan na naman kaming may ‘SOMETHING’ ni Bart…NGA-NGA!!!

Umalis na yung land lady at isinara ko yung pinto.

Feeling ko nagsitayuan yung mga balahibo ko.

“Bugso ng damdamin? Eewww…Kadiri!!! Hoy Bart! Ano yung pinagsasabi ni Aleng Nena? San galing yun?!?”

“Sinong Aleng Nena?”

“Yung land lady, yung nagpapasok sayo dito, hunghang!”

“Ewan…” sabi nya sabay nagkibit-balikat.

“Ewan? Ewan lang, wala lang sayo ‘yun?”

“Yup.”

“Aish! Bakit ka pa kasi pumasok dito?!!”

My Favorite Mistake (ON-GOING)Where stories live. Discover now