Chapter 8 - Eavesdropping

163 8 3
                                    

Chapter 8 – Eavesdropping

(Paige’s POV)

Guilt (gilt) n. The state of one who has made himself liable to or deserving of punishment; wrongdoing; wickedness.

“Ah…yun pala ang meaning ng guilt,” sabi ko sa sarili ko saka ko isinara yung dictionary.

Deserving of punishment due to wrongdoings and wickedness…

Wrongdoings and wickedness…

Wala naman akong ginawang masama pero bakit parang nakakafeel ako ng guilt??

Bwiset ang Bart na yun…wala naman akong nagawang mali sa kanya pero bakit feel ko ang wicked-wicked ko na!

Hindi ko naman ninakaw tong libro ah…

Itinakbo ko lang…

Kasi nga kailangan na kailangan ko…

At ngayong tapos ko nang gamitin to…naisipan ko na tuloy makonsensya.

Haha! Ang sama-sama ko ba?

Dapat ata nakiusap na lang ako ng maayos sa kanya…

Pero walangya yung lalaking yun eh…mga ganung klase? Psh! SELFISH! Kaya tama lang yung ginawa ko. Ninakaw nya rin naman ang first kiss ko kaya gantihan lang…

Pero pano na lang kung kailangan din pala nya ‘to? Dapat ata isauli ko na…?

Pag-isasauli ko ‘to, syempre makikita nya ako. Pag nakita nya ako, siguradong patay ako. Therefore, pag isinauli ko ‘to patay ako.

Aahhh! Shet lang, napapa-LOGIC ako!!!

“Hoy Paige!!!”

“Ai, nak nang…” napatingin ako at nakita ko na naman ang dalawa kong BFF. “’Bat ba ang hilig nyong manggulat?!? Aatakihin ako sa inyo, alam nyo ba yun?”

“Eh sino ba namang taong tulala ang hindi magugulat? Siguro iniisip mo yung crush mo noh? Aayieee.” sabi ni Tammy.

Crush? Yung Bart Villazanta na ’yun? CRUSH KO? Psh!

Magugustuhan ko lang sya pag dumating na ang ika 30th day ng February.

Meaning… It will never ever gonna happen!!!

“Mga sisters, let’s go na,” biglang sabi ni Dyosa.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Sa Engineering Building,” sagot ni Tammy.

“Oh? Anong gagawin natin dun?” tanong ko ulit.

“Manhunting,” sabi ni Dyosa.

O_O

“What?”

“Manhunting Paige, bingi ka ba?” sabi ni Tammy.

“Ano?”

“Ay ang slow ng babaeng ‘to, ayaw mo ng manhunting? Sige ito na lang Paige, makinig ka ng mabuti hah,” sabi ni Dyosa sabay akbay sa akin sa kanan at saka kay Tammy sa kaliwa. “Pupunta tayo dun sa Engineering Building kasi mangingisda tayo dun. Maraming isda dun at lahat masasarap,” paliwanag ni Dyosa.

Meaning mamimingwit kami ng lalaki? ? Ano bang nakain ng dalawang ‘to?

“Ah…Dyosa, Tammy…pass muna ako ngayon kasi ang dami ko pang gagawin eh,”

“Uh…uh, bawal ang kj at lalo na sinungaling,” sabi ni Dyosa.

“Oo nga…diba Paige nag-gm ka kagabi  na sa wakas natapos mo na rin yung project natin sa Calculus?? Meaning hindi ka na busy ngayon kaya sasama ka sa amin whether you like it or not. Getch?”

My Favorite Mistake (ON-GOING)Where stories live. Discover now