Chapter 6 - My Savior

213 9 4
                                    

Chapter 6 - My Savior

(Paige’s POV)

# sa cashier

“One thousand five hundred forty three pesos and 50 centavos ma’am,”   sabi nung cashier.

O_O

“What?”

Ano daw?  One thousand five hundred ---

“Magkano ulit?”

“One thousand five hundred forty three pesos and 50 centavos ma’am,”   sabi ulit nung cashier.

“What? One thousand five hundred forty three pesos and 50 centavos?? 1,543.50 ???”

“Yes, ma’am.”

Napatingin ako sa laman ng wallet ko.

Patay. 1,000 lang ang pera ko…

(*^*)

Kinuha ko ulit yung libro at ang walangya!! May price tag pala, di ko man lang napansin.

Hoy libro! 'Bat di ka man lang nagpasabi na ang mahal mo pala? Tsss...Nakakahiya tuloy sa cashier. Buti na lang walang ibang customer na nakasunod sa’kin dahil kung nagkataon dagdag kahihiyan lang.

Pero..’bat ang mahal? ‘Pano ko ‘to bibilhin? Kailangan ko na talaga ito ngayon...pano na?

“Ah ma’am, kukunin nyo po ba?”

“Naku miss, ano kasi---ahmm…kulang ‘yung pera ko. Pasensya na talaga. Isasauli ko na lang, pero babalikan ko. Promise! At saka miss, favor lang, pwedeng ‘wag nyo ibenta sa iba? Babalikan ko talaga. Promise na promise!”

“I’ll buy it,” biglang singit ng isang boses.

Napatingin ako at alam na…

(¬__¬)

Agad kong kinuha ang libro. Mahirap na, baka agawin ulit.

“No, ako ang bibili nito,” pagdidiin ko sa kanya.

“Pero kulang ang pera mo. Just let me buy it.”

“Ayoko.”

“Naku, ma’am…hayaan nyo na lang po ang boyfriend nyo na bilhin ang libro kesa po mabili ng iba,” nakangiting sabi ng cashier habang wagas na tinitigan si Bart.

Psh! Flirt lang??

At saka, anong boyfriend???

“Naku miss, hindi ko sya bo—“

“Oo nga naman princess,” biglang singit ni Bart at sabay hawak sa’kin sa waist. “Para saan pa’t ako ang boyfriend mo if you won’t let me buy it.”

Aba! At talagang nakisabay pa ang manyak na ‘to.

 I glared at him but he just smiled at me.

(¬_¬) < - - - - - - -  - - > (^__^)

Nagpumiglas ako pero sadyang mas malakas siya kaya hindi ako nakawala at may bigla syang ibinulong sa tenga ko.

“Alam mo, kahit anong gawin mong pagmamatigas dyan, sa’kin pa rin mapupunta ang libro. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw wala kang pera at ako meron…marami.”

Psh! Paki-alam ko kung marami. Bakit, may nagtatanong ba? Tsss…

“Bitawan m---“

*muah*

>.<

Hinalikan nya ako bigla sa cheeks. Adik ba ‘tong lalaking ‘to??

“Ano payag ka na? Sige na princess ko, ako na lang ang bibili ha?” super-lambing na pakiusap “kuno” nya.

At ano? Sa’yo mapupunta ang libro? No way!!!

Mag-isip ka Paige. Mag-isip ka! Desperado din pala ang kumag kaya kailangan mo syang maisahan.

Isip. Isip.  ( ._.)?----- (._. )?

Isip. Isip.  ( ._.)?----- (._. )?

*ting* 

*bright idea*

“Talaga? Bibilhin mo at ibibigay mo sa akin ang libro? Ibibigay mo? Akin na? Naku, thank you babes! Thank you talaga!”

Natigilan sya. Oh ano? It takes two to tango!

Gusto mong magkunwaring boyfriend ko? Fine! Game ako!!!

“Ah, miss kukunin na namin at sya ang magbabayad,” nakangiting sabi ko sa cashier. “O babes, bayaran mo na! Malamang naiinip na yung cashier oh…Sige na bayad na!”

Walang kaimik-imik na naglabas sya ng pera at nagbayad.

Ini-wrap ng cashier ang libro at saka ibinigay sa akin. “Thank you for coming, sir, ma’am,.”

“Thank you din miss,” reply ko sa kanya.

“Ako ng magdadala,” sabi ni Bart.

“Hindi, ‘wag na…. Ano ka ba babes, ikaw na nga ang bumili diba? Kaya ako na lang ang magdadala.”

“Pero baka mabigatan ka lang, medyo malaki-laki yan.”

Suyuan lang ang drama naming dalawa hanggang sa makalabas kami ng bookstore

“Akin na ‘yan!” sigaw nya sabay hablot sa libro pero agad ko itong niyakap kaya hindi nya nakuha.

Aba! Kanina ang sweet-sweet ngayon ang harsh-harsh agad?

“Hoy, ako nagbayad nyan kaya ibigay mo!”

Tsss…pikon?

“So? Paki ko? Ibinigay mo na eh, kaya walang bawian,” pang-aasar ko sa kanya.

“Uy, ano yun?” sabay turo ko sa likuran nya at ang uto-utong unggoy eh lumingon naman.

Agad akong kumaripas ng takbo papalayo sa kanya.

Mwahahahaha! Naniniwala na talaga ako sa kasabihang, “Matalino man ang matsing, naiisahan din.”

Takbo lang ako ng takbo dahil baka mahabol pa ako ng unngoy. Mahirap na!

Takbo.

Liko.

Takbo.

Liko.

at hindi ko namalayan

 na may hagdanan pala.

Mahuhulog ako.

Mahuhulog ako.

Akala ko mahuhulog ako.

Pero hindi natuloy.

Bakit?

Kasi may kamay na bigla na lang yumakap sa beywang ko at pinigilan ang akala kong mangyayari.

“Phew! Muntikan na yun ah. Buti na  lang naka-abot ako,”

___end of chapter 6___

My Favorite Mistake (ON-GOING)Where stories live. Discover now