2nd Shot

88 23 52
                                    

Leyna POV

Halos sampung araw na rin ang lumipas simula ng sumalampak ako. Mabuti na lang gumagaling na yung pamamaga ng hita ko.

Bagong taon! Bagong buhay!

Medyo nakakastress sa mga tambak na activity at performance task na kailangan kong habulin dahil ilang araw rin akong excuse. Nami-miss ko na rin ang kakulitan ni Tammy.

Nandito ako ngayon sa Study table, nagbabasa ng libro na regalo ni mama dahil mahilig talaga kong magbasa. Napatigil ako ng maalala ang feeling gwapo na lalaking tumulong sa 'kin.

Kamusta na kaya siya? Mas lalo bang lumapad ang dibdib niya at tumigas ang muscles niya?

Namumula ako habang humahagikgik sa naiisip ko ngayon. Hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing naiisip ko ang mala-gwapo nitong mukha. Napabalikwas na lang ako ng may kumatok sa pintuan.

"Leyn nak! Kain na tayo, alam mo naman masamang magpagutom"

"Opo, Ma susunod na po ko. Mag-aayos lang muna ako ng mga gamit ko."

Masaya akong bumaba sa hagdan at nadatnan si Mama at Anne na masayang nagtatawanan habang naghahanda ng mga pagkain. Mas masaya sana kung nandito si Papa. Sa totoo lang minsan nakakalungkot na hindi ko masyadong nakasama ang papa ko sa paglaki. Marami mahahalagang araw sa buhay namin ang napapalampas niya.

Sino ba naman ako na ipagdamot ang sarili kong ama kung mas kailangan siya ng iba?

Masakit lang bilang anak niya na sa panahong kailangan namin siya, mas kailangan siya ng iba.

Napatingin sa 'kin si Anne "Ate leyn, Anong drama yan?!" sarkastikong sabi ni anne. Napasimangot tuloy ako saka inarapan siya.

"Wala naman, naisip ko lang ang ganda ko!" nagpose pa ko sa harapan nila pero napangiwi lang si Anne na parang nandidiri. Inirapan ko na lang siya dahil baka hindi ako makapagpigil at ma-barbecue ko pa siya.

"Ang hilig niyong mag-asaran no! Mas mabuting e-kain niyo na lang yan! Go na para hindi lumamig ang kanin" masayang sabi ni mama.

Nakaupo na kaming lahat para kumain pero bago ang lahat nag pray muna kami. Pagkatapos its chibugan time. Ang sasarap kasi inihanda ni mama eh! sa tingin ko makakarami ako nito.

"Nak may gusto pa la kong sabihin sa inyo! Good news to!" masiglang sabi ni mama habang kumukuha ng kaldereta.

Umaliwalas ang mukha ko "Ano po yon, Ma?" sabik kong tanong.

"Ang papa niyo uuwi bukas, nag leave mo na daw siya para makasama naman niya kayo. Buti na lang pinayagan siya ng nakakataas"

"Talaga po Ma! Miss na miss ko na po si Papa!" masiglang sabi ni Anne habang masayang nakangiti ang mata niya.

Mapait akong ngumiti sa kanila dahil sa totoo lang hindi ko pa kayang harapin si Papa. Oo! Meron sa pagkatao ko na masaya pero kalahati nito ay natatakot na hanggang ngayon kulang pa rin lahat ng sakripisyo ko.

Di ko pa rin kayang kalimutan ang alaalang iyon.

Ang araw na kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanya.

                              ********

Nasa loob na ko ng kwarto habang sila mama at anne ay abala namang nanonood ng K-drama sa sala. Ibinukas ko ang sliding door para magpahangin saglit sa terrace ng kwarto. Bumungad agad sa 'kin ang malamig na hangin na nagbibigay ginhawa sa tuwing dumadampi 'to sa balat ko.

The Last Shot (Memories of You)Where stories live. Discover now