Dreamer : Chapter Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala pa atang thirty minutes nang makarating ako sa address na sinend ni namjoon. Nasa tapat na 'ko ngayon ng apartment na si namjoon daw mismo ang nag-hanap.

Napanganga nalang ako nung binuksan ko yung pinto. May pitong lalaki na nakatayo mismo sa harap ko ngayon, kasama na do'n si namjoon at si ano yung maputi na lalaki.

"Ang ganda nya nga" rinig kong bulong nung isang lalaki na medyo chubby cheeks na medyo maliit. Ang cute nya.

"Ah yannah sila nga pala yung ibang members eto si-"

"Hi!" sabi nung chubby cheeks boy, kasing tangkad ko ata sya. Oo na maliit lang din ako, kaya nga pagkasama ko si namjoon para talaga 'kong pandak eh.

"Hello Unnie!" sabi nung lalaki na mas matangkad sa'kin. Meron syang box smile, ang cute nya din.

"Welcome home!" pinakita nya sa'kin yung heart shaped smile nya, parang nakita ko na sya dati.

"Hello po" sabi nung isa sabay bow. Ang cute nya ang baby face nya grabe, pero mas matangkad din sya sa'kin. Nakakainis.

"Welcome to family yannah, sana maenjoy mo ang pagiging assistant ni namjoon, makalat pa naman yan tapos medyo burara" sabi nung lalaki na nakasuot ng pink shirt. Nginitian nya din ako at ang gwapo nya.

Tapos yung maputing lalaki naalala ko na yung pangalan nya, yoongi nga pala. Kinuha ni chubby cheeks, box smile, at baby face yung maleta ko at dadalhin na daw nila sa kwarto ko.

Ang weird lang nag-hi sila sa'king lahat pero hindi nila sinabi yung mga pangalan nila. Pero baka mamaya-maya malaman ko na din.

Sabi nila kain nalang daw kaming lahat mamayang dinner sa labas kasi tinatamad daw silang mag-luto. Matulog daw muna 'ko at pupuntahan nalang nila 'ko dito mamaya pag-aalis na kami.

Namjoon's POV

"Hyung ang ganda nya nga talaga" kanina pa yan sinasabi ni jimin. Gusto nya na nga ata si yannah eh. Sinabi ko nga na mas matanda 'yon sa kanya pero sabi naman ni taehyung 'age is just a number' kaya napatawa nalamang kami.

"Sa'n nyo nga pala balak kumain mamaya?" tanong ko sakanila.

"Parang gusto kong kumain ng kimchi" sabi ni hoseok.

"Pizza, Chicken, Coke" sabi naman ni jungkook.

"Samgyeopsal nalang tayo" sabi ni seokjin.

Tumango-tango naman sila na ibig sabihin ay sumasang-ayon sila. Pumunta na 'ko ng kwarto namin nila seokjin para matulog muna.

"Hyung!" alog nya sa'kin.

"Oy gising na hyung" sabi naman nung isa.

Dinilat ko na yung mga mata ko at bumungad sa'kin si jimin at taehyung.

"Bangon ka na dyan hyung sunduin na natin si yannah unnie" nakangiting sabi ni jimin.

Tinignan ko yung wall clock dito sa kwarto namin at 6:30pm na. Gabi na din pala? Bakit ngayon lang nila 'ko ginising? Gising na din kaya si yannah?

Bumangon na 'ko at nag toothbrush. Nakahanda na din sila. Si yoongi puro black nanaman yung suot. Si jin suot nya parin yung pink tshirt nya at nakasuot din sya ng makapal na jacket pang-laban sa lamig. Ang lamig naman kasi talaga, malapit na mag winter.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon