CHAPTER 16

14 9 2
                                    

Apollo Marseille POV

Ginigising ko ngayon tong si Kali, tagal naman kasi nitong magising,tulog mantika.kiniss ko naman yung noo niya tsaka pumunta sandali sa may rest room para maghilamos.

Narinig ko naman na yung tunog ng bed pag may tumatayo, hudyat yon na naka tayo na siya. Sinilip ko naman siya dito sa may cr niya.

"Kali! Bilisan mo kumilos! Mag bobonding pa tayo!"nakita ko naman na parang gulat ito HAHAHA cute.

"Ugh! Nagulat ako don! Oo na kuya oo na! Bilisan mo dyan! Sa kwarto mo nalang ikaw maligo hoy!" Dali dali naman akong umalis sa kwarto niya, nadatnan ko naman si dad sa may hallway ng bahay.

"Yo dad! Goodmorning!"

"Good Morning Iho!"

Pumasok na ako sa kwarto ko at deretsong naligo na, malapit na rin pala birthday nitong si Kali.Nagtataka kayo pano ko nalaman?kay Mama, sinabi niya sa akin kahapon.

Naligo na ako at naghanap ng susuuotin ko ngayon. Hayy! First time ko maka bonding to kapatid ko ah.

"Kuya! Tapos na ako! Bilisan mooo! Mag brevreakfast pa tayo! Pinapatawag kana ni mama" rinig ko namang sigaw nitong si Kali

Bumaba na ako at nadatnan ko anamn tong si Kali na naka busangot ang mukha.linapitan ko naman ito tsaka binatukan.

"Hoy nakasimangot kana naman! Papangit ka nyan!" Sinamaan nalang ako ng tingin neto.

"Mama, si kuya binatukan ako!" Aba't nag sumbong pa talaga to. Tinignan naman ako ni mama hehe nginitian ko nalang siya tsaka nag peace sign.

"Hali na kayo rito! Kumain na tayo, para maaga kayong maka alis. Maaga din kayong babalik ha!" Si dad yan. Laging gutom HAHAHA.

"Uwi kami Dad mga 2 Am! Sobrang aga non!" Loko loko din tong si Kali. Sinabayan ko naman siya sa kalokohan.

"6 am na! Umagang umaga na non!" Bigla namang nakipag apir itong si Ali saken.

"Ang sabi ko MAAGA hindi Umaga!"nag peace sign nalang kaming dalawa ni Kai kay papa.

"Bilisan monaman kumain kuya! Duh! Naghihintay ako!"

"Sobrang inip na inip kana ba jan? Yaan mo mahal naman kita!" Oo na! Walang connect HAHAHA. Yaan niyo hindi naman kayo sinasabihan ko, kundi itong kapatid ko.

"Oo nalang kuya! Bilisan monaman na jan!"ata na ata talaga tong si Kali.

"Eto na eto na! Yo Pa gagamitin namin ni Kali si Kitty!" Kitty yung pangalan nung sasakyan ni mommy, matagal ding tinatago ni dad yon.

"Kayong dalawang magkapatid! Mag iingat kayo ha!"sigaw naman ni mom sa amin! Binigyan naman namin silang dalawa ni dad ng flying kiss.

Nandito kami ngayon sa may mall, hinahanap yung ice cream parlor. Ke aga aga gustong kumain ng ice cream nitong kasama ko.

"Kuya! Ayun!" Sabay turo dun sa Ice cream Parlor. Agad agad naman kaming lumunta don. Naghanap naman siya ng Upuan namin at ako ang nag order.

"Dalawa pong Vanilla, Large po" yah! Magkapareho kami ng flavor! Sobrang sarap kaya ng vanila! Try niyo!

Pagkabigay naman nung inorder ko agad ko ng pinuntahan si Kali. Napangiti ko naman ito ng nakita niyang dala dala kona yung ice cream.

"Arcade tayo mamaya ha!" Pag aaya ko naman rito.Tumango lang ito,busy sa kinakain niya eh. Takaw talaga.

"Bilisan mo! Tapos na ako! 1 v 1 tayo basketball! Natalo manlilibre ng lunch!"

One Day// SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon