Chapter Fifteen: Boyfriend

254 14 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Nagpadrive ako sa driver namin sa isang grocery store na maagang nagbubukas.

Balak ko sanang ipag-bake si grandma ng mga cookies. I can't cook but I've tried baking cookies before.

Nagustuhan ko naman ang lasa, even mommy said they were real good.

Isinabay ko na rin sa pagbili ang ibang mga ingredients na kailangan ni manang na wala sa bahay.

There are some ingredients that I need na wala rito kaya naghanap na lang ako ng ibang alternatives.

Lunch gaganapin ang birthday celebration ni grandma. Iniisip pa ng mga pinsan ko kung doon kami matutulog, tutal ay may isang malaking room sina grandma doon.

I think it was then a small gym, but since wala ng gumagamit ay binakante na lang 'yon.

Pwede kaming maglatag na lang ng foam doon at tabi-tabi kaming matutulog, kahit pa may mga guest rooms naman.

Nagbayad na ako at tinulangan naman ako ng driver na magbuhat sa mga pinamili ko.

Pagkauwi sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni Manang.

"Nabili mo ba ang mga pinabibili ko, Sey?"

I smiled and nodded. "Nasa plastik po na 'yan, Manang."

"Osige. May gagawin ka ba rito?"

"Opo. Magbe-bake po sana ako ng cookies."

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya.

"Marunong ka no'n?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Natawa ako. "Oo naman po! I'll let you be the judge later, Manang."

Tumawa siya. "Osiya! Kung may kailangan ka, nasa dirty kitchen lang kami. Salamat sa pagbili ng mga kakailanganin." ngiti niya.

Ipagluluto kasi ni Manang si Grandma ng paborito nitong Chop Suey. May mga gulay na hindi pa nabibili kaya sa akin ibinilin.

Tumango na lang ako at pumanhik na sa aking kwarto.

Nagbihis muna ako ng pambahay at nagtali ng buhok bago bumaba at naghanap ng apron.

Dumiretso kaagad ako sa kusina. Ako lang ang nandito ngayon dahil sina Manang ay sa dirty kitchen sa labas sila madalas nagluluto.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at inilagay muna sa lamesa. Medyo umilaw 'yon at nakitang may mensahe pala roon.

Hindi ko kasi dinala 'to kanina nang nag grocery.

Tinignan ko 'yon and it was a text from Aeolus.

Aeolus:

Good morning, Miss. What are you up to this morning? :)

Kanina pa 'yon na alas syete. 6:30 ako umalis kanina at alas otso y medya na ngayon.

Ako:

Good morning! I'm about to bake cookies. :)

Binaba ko ulit 'yon at kaagad ng inayos ang mga ingredients na aking gagamitin.

I am preheating the oven when a call entered my phone. Kaagad akong lumapit doon at nakitang tumatawag si Aeolus doon.

I answered his call immediately.

"Hello?"

"Hey. Can I go there right now?" hinihingal na sabi niya.

My forehead creased.

"What are you doing?" takang tanong ko.

"Running on our treadmill."

"Oh. Wala ka bang ibang gagawin?"

Still You Where stories live. Discover now