Tunay Na Nadarama

4K 55 1
                                    

Lumipas ang ilang lingo at Ang  pagiging magkatabi ay naging daan para kaming dalawa ni Gel-an ay maging matalik na magkaibigan.

Nagtuloy tuloy ang pagiging magkaibigan namin hanggang sa naging Grade 10 na kami.
Mas lalong sumaya ang aking High school life ko noong naging kaibigan ko Siya, at syempre kinikilig na ako tuwing tinatawag akong

"Bess",

(tawagan nga Pala naming dalawa. Oo marupok ako, sa simpleng bess kinikilig na ako).

"hanggang dito nalang ba kaming dalawa...hanggang magkaibigan nalang ba ang maituturing ko sakanya?"

Bigla itong pumasok sa aking isipan
Pilit ko itong wag ng intindihin pero...
Diko maalis sa aking isipan at hinayan ko nalang.

"Nahihiya pa naman akong Umamin sakanya... Saka nalang pag handa na ako"

Sinabi ko saaking sarili, gagawin ko ito kapag hiwalay na sila ng boyfriend niya,

(Oo may boyfriend na si Gel-an, Siya si Karlo, isang lalaking di naman ganoon kagwapo pero nahulog sakanya si Gel-an... Pero Mas gwapo parin ako hahaha... Aheeem balik sa kwento.)

Ako lagi ang takbuhan, saakin lahat sinasabi ang problema, at ako rin ang tagapayo tuwing hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang jowa

Ako naman na demonyo sinasabi ko nalang sakanya na

"Hiwalayan mo na Siya dibale makakahanap ka rin ng iba jan, at saka Malay mo nasa tabi-tabi Lang Pala ang The One mo"

( Oo ganyan ako kademonyo pagdating sa love life ng kaibigan ko mwahahahaha.. Balik sa kwento)

Nasabi ko na sakanya Iyan noong nagkaaroon nanaman ng hindi pagkakaintindihan sa kanilang dalawa.
Bigla nalang sinabi ni Gel-an

"Eh Sino??"

At bigla nalamang nadulas ang aking dila at nasabing

"Ako" sabay tingin sakanya

Tumahimik bigla si Gel-an at Maya-Maya ay napatawa nalang Siya at sinabing

"hahahahaha gago"

At Dali-Dali ko na ang sinabing

"hahahahaha joke Lang, ikaw naman"

"Grabe muntik na ako Doon, ano bang naisip ko at bigla ko nalang nasabi Yun?"
Tanong ko saaking sarili.

(Grabe di niyo Lang Alam Kung gaano ako kabado noon at Kung ano anong rason ang ginawa ko Para Lang di mabisto na gusto ko si Gel-an.)

The One  ( Tagalog Love Story) (high school Love Story) Where stories live. Discover now