Napairap ako sa phone ko nang makita kung sinong tumatawag. Tapos na atang makipaglandian?

Vinzeler is calling...

"Why?" mataray na sagot ko sa tawag. This past few weeks talaga ay nasasanay na akong magtaray sa kanya. Well, this is my usual self. Besides, I tried being too nice to him, yung pati ako napaplastikan na sa sarili ko, and it didn't work so might as well just let him see my true self.

"Where are you?" tanong niyang may monotone na boses.

Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain sa harap ko pati na rin sa taong nakaupo sa katapat na silya, patiently smiling and waiting to finish my call before starting eating.

"McDo. Why?"

"You're eating your lunch?"

"Just burger and fries," sagot ko kahit pa dapat yes or no lang naman ang sagot.

I heard him sigh before replying, "Alright, wait for me."

"Hu—?" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil binabaan na niya ako ng tawag. Napailing ako. Tignan mo, napaka ano talaga.

Nang natapos ang tawag ay hinarap ko naman si Brent at nginitian, senyales na pwede na kaming magsimulang kumain.

Five minutes passed when someone on the entrance got my attention. Lumilinga linga ang ulo na tila may hinahanap pagkapasok ng lugar. Nang magtagpo ang paningin namin ay agad siyang lumapit sa table ko ngunit napahinto at napakunot ang noo nang mapatingin sa kasama ko. Busy siya ngayon kumain kaya hindi niya pansin ang nangyayari.

Gayunpaman ay nagpatuloy na si Vinze sa paglakad patungo sa table namin.

"Let's go." saad niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin, walang pakialam sa kasama ko.

"Uh..." tumingin naman ako kay Brent na napansin na rin ang pagdating ni Vinze.

Tumango sakin si Brent bago humarap kay Vinze at naglahad ng kamay, "Brent, pare."

Hindi iyon tinatanggap ni Vinze. He's just there looking at Brent as if analyzing his whole existence.

Nahihiyang binaba ni Brent ang nakalahad niyang kamay nang mapagtanto na wala talagang balak na tanggapin iyon ni Vinzeler. Medyo arogante talaga 'tong lalaking 'to, eh.

"Kuya mo, Kysler?"

"H–" sasagot pa lang ako sa kanya nang inunahan na ako ni Vinze.

"No." at humarap na sakin. "Finish your food in the car. Let's go."

Hindi manlang siya naghintay at talagang paalis na kung hindi lang ako nagsalita, "Teka, si Brent."

Muling humarap si Vinze at tinignan ako na parang wala siyang pakialam kung may maiiwan kaming tao, tinaasan pa ako ng kilay! "I promised your driver to drop you off before 2 pm," at tumingin sa kanyang steel wristwatch, "It's almost quarter to 2."

Hinarap ko naman si Brent para bigyan ng apologetic smile. Tumango naman siya at sinuklian ang ngiti ko, "It's okay, Kysler. See you on Monday?"

"Yup."

Nilagay ko na sa paperbag yung fries at burger na hindi ko naman masyadong nagalaw at tumayo na. Nang tumingin ako kay Vinze ay pinapanood niya pala ako.

"Tara na." ako na ang nag-aya kay Vinze at nauna na ring maglakad.

"Parang napipilitan pa, e 'di 'wag niya na lang akong isabay," bulong ko na mukhang narinig niya naman. Nasa likod ko siya pero hindi ko alam na malapit lang pala siya. Akala ko kasi ay malayo ang distansya niya sa akin.

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now