𝐟𝐢𝐟𝐭𝐞𝐞𝐧

154 6 0
                                    

narration
°celestine

"huli ka" iyon lang ang tanging sinabi ng isang hingal na hingal na han jisung.

"uhm hi, ano ginagawa mo?" iniwas ko ang tingin ko sakanya kasi masyadong malapit sigurado ako sobrang pula na ng mga pisngi ko.

"ikaw ano ginagawa mo? bat ka tumakbo?" mapang asar na tanong niya sakin.

"ah hehe late na kasi ako kaya nag mamadali ako" palusot ko naman

"sure ka? hindi dahil sa iniiwasan mo ako? sabi kasi sa sched mo vacant mo ngayon at mamaya pang 10 ang klase mo."

shit, he got me.

"bat naman kita iiwasan jisung? nag mamadali lang talaga ako." confident akong sumagot sakanya kahit harap harapan akong nag sisinungaling sakanya.

"okay, bat di mo na ako nireplyan kagabi?" nilapit niya pa lalo ang mukha niya dahilan para mapa tingin ako sa gilid para maiwasan ang mga nakaka paso niyang titig.

"uhm pwede ba tayo mag usap ng may space between us? pinag papawisan kasi ako eh"

"why cele, am i making you nervous?" tumawa siya ng mapang asar at lumayo na sakin para umupo sa teachers table samantalang ako naman ay umupo sa isa sa mga armchairs.

nakaka kaba naman to, feeling ko pinapagalitan ako ng teacher ko.

"so bakit sineen mo nalang ako kagabi?" nagtaas pa siya ng kilay habang naka ngisi

pogi amputa

"di naman ako nag message sayo kagabi so bakit kita rereplyan?" matapang na tanong ko sakanya

"so hindi ikaw si 09123456788?" napa awang nalang ang bibig ko nang ni recite niya ang number ko.

"good morning hanji, sana masarap ulam mo today" natatawa niyang binabasa ang mga text ko sakanya.

"nyenyenye wala akong naririnig nyenye" malakas na sigaw ko naman habang naka takip sa taenga.

ano bang naisip mo at iyon ang mga pinag sasabi mo kay jisung celestine?

"oh, bat ka affected? akala ko ba hindi ikaw to?" inasar niya pa ako lalo

onti nalang babatukan ko na to.

nagulat naman ako dahil nanahimik siya habang nag pipipindot sa phone niya, maya maya lang ay nagulat ako biglang nag ring ang cellphone ko.

tinignan ko ang kung sino ang caller at jusko po Lord lamunin na sana ako ng lupa!

"you just missed a call from hanji"

dahan dahan ko inangat ang tingin ko at naabutan ko ang mapang asar na ngisi ni jisung.

"just admit it celestine, wala ka nang kawala ngayon."

"argh hanji naman eh nakakahiya" i instantly covered my face dahil sobrang namumula na ako i swear.

naramdaman ko nalang na tinanggal niya ang kamay ko at tinitigan ako ng matagal.

"tara na baka ma late ka na 9:52 na"
nawindang naman ako sa sinabi niya, bat parang ang bilis naman? diko aaminin sakanya to pero i still wanted to be there with him, mejo bitin eh.

hinatid niya ako sa may building ng health allied, bago siya tuluyang umalis ay lumingon muna ulit siya

"type padin kita wag ka mag alala" sabay kindat at tuluyan nang umalis.

ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa sinabi niya, nakakahiya.

🧸

(hii this chapter is kinda long kdksks 500+ words, neways sana di kayo tinamad basahin huhu)

totga | han jisung ✔️Where stories live. Discover now