𝐧𝐢𝐧𝐞

174 6 2
                                    

celestine

i was still texting my friends nang kalabitin ako ni moonbin.

"uy cele! sinong partner mo? sayang naman at di pwedeng partners ang magka same track."

"ah oo nga eh pero si jisung ang partner ko hehe." napa kunot naman si moonbin sa sinabi ko.

"ex mo siya diba? hindi ba magiging awkward kayo?"

"ayos lang hehe, sige na baka hanapin ka na ng partner mong taga engineering, patay ka kay ma'am lee sige ka" natawa naman si moonbin sa sinabi ko at agad na nag paalam at umalis para dumiretso na sa building ng engineering.

itetext ko palang ang mga kaibigan ko nang may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

i didn't have to look up to know that it was jisung kasi amoy palang alam ko na agad na siya yon, pero di parin ako nag taas ng ulo kunwari nalang may kinakalikot ako sa phone ko.

"celestine"

"puta puta cele wag ka mag panic mahahalata niya! chill ka lang" bulong ko sa sarili ko

"uy jisung! partners pala tayo hehe" shit ang awkward ko naman!

nakatingin lang siya saakin at pareho kaming tahimik, nakaka conscious naman to.

"uhm ano gusto mo ba dito oh sa library nalang tayo? maingay dito sa room eh." iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil baka sumabog na ako dito.

"kaka daan ko lang din sa library ang dami ding tao, halos lahat ata doon gumagawa ng project" sabi ni jisung

"ah so saan tayo gagawa niyan? sure ako hindi tayo makakapag start dito sa room kasi not enough din ang space" napatingin ako sakanya na nakatingin padin sakin.

Lord bakit po napaka pogi netong lalaking to

"kung okay lang sayo, sa bahay namin pwede kasi andon din lahat ng materials na gagamitin ko" nakangiting sabi niya sakin

"uh-" sasagot palang ako pero bigla niya pinutol yung sasabihin ko

"if nag woworry ka na gagabihin tayo, wag ka mag alala ihahatid kita sainyo" tumayo na siya at dinala na ang mga gamit ko

"oh sige salamat jisung!" nginitian ko siya

"wala yon, ikaw pa ba?" pabulong na sabi niya pero narinig ko yon.

totga | han jisung ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat