1st Shot

126 27 62
                                    

Leyna POV

Bigla akong nadulas at sumalampak ng bongga ang pwet ko. Napahawak ako sa bewang ko at napadaing sa sakit. Nang tingnan ko kung saan ako nadulas, sa coffe jelly pala na natapon dito sa hallway. Luminga linga ako sa paligid, may mga estudyanteng pinagtatawanan pa ko at yung iba naman napapatigil sabay dedma.

Nasan ang hustisya? Hustisya para sa pwet ko! Jusko ang sakit!

Gulat akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Naka-maroon na hoodie siya at khaki pants saka nakasuot siya ng black shades. Sa tingin ko hindi siya estudyante base na rin sa suot niya.

Tinangal ng lalaki ang shades niya saka ngumisi "Kailangan mo ng tulong Miss?" nanunuyang tanong niya sa'kin.

Jusko! Ang gwapo ng lalaking nasa harap ko but hindi man lang ako tinalaban ng paghanga dahil mas nangibabaw ang pagkainis ko sa kanya.

I glared at him "Obvious ba! Tinatanong pa ba yan? Kung willing ka talagang tulungan ako, edi sana kanina pa!" inis kong tugon sa kanya saka pinilit kong tumayo pero sadyang malakas ang impact ng pagkasalampak ko.

Umiling siya habang ngingiti ngiti sabay sandal sa pader at humalukipkip "Sabihin mo munang gwapo ako Miss! Tutulungan kita" nangingiti niyang sabi saka kumindat sa 'kin.

Anong trip ng lalaking 'to? Pinagtrtripan niya ba ko? Tumataas ng talaga ang blood pressure ko sa kanya!

Napakunot ang noo ko at napangiwi "Ayaw ko nga! No! Never! Even in my wildest dreams!" sabi ko sa kanya.

Napanguso siya at ngumiti "Ayaw mo! E di wag! Di ka na makakahanap ng gwapong tulad ko na tutulong sayo"  sabi niya saka tumalikod.

Ano ba leyna! Can't you see wala kang choice! Siya lang ang pwedeng tumulong sayo! Nabalian ka ata ng bones!

Napabuntong hininga ako habang tanaw ko ang lalaking nakapamulsa palayo sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa paligid, may mga estudyanteng nagtataka at nagbubulungan sa sinapit ko ngayon. Sa totoo lang gusto ko ng lamunin ng floor dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko pero kailangan kong tulungan ang sarili ko.

"Lalaking naka-maroon ng hodie! Ang gwapo mo!!!!" sigaw ko sa hallway kaya napatingin halos lahat ng estudyante na dumadaan sa hallway.

Napatigil ang lalaki saka humarap na may matamis na ngiti at unti-unting humakbang palapit sa 'kin. Napatulala ako sa kanya kasabay ng pagbagal ng takbo ng paligid. Naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko habang rinig na rinig ko ang dagundong nito.

Napabalikwas ako ng magsalita siya saka yumuko para magtapat ang mga mukha namin "Miss mo na ko agad?" nang-aasar niyang tanong.

Kung hindi lang talaga ko nakasalampak ngayon! Matagal ko na 'tong binogbog!

Ngumiti ako ng plastik "Maybe" sagot ko. "Do you still need my help or not?" seryoso niya ng tanong. Napalunok ako dahil nakakatakot palang magseryoso ang lalaking 'to. Nag puppy eyes ako "Please tulungan mo kong makapunta sa clinic" pakiusap ko sa kanya.

Bahala na kong magmukha akong aso na ewan sa harapan niya! Kailangan ko talaga ng tulong kasi hindi ako makatayo.

Tumawa siya "Sege! Dahil mahilig ako sa mga aso, tutulungan na kita" sabi nito sabay gulo niya sa buhok. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sinasabi niya bang mukha akong aso! Wow ah! Hiyang hiya naman ako sa kanya.

Nabigla na lang ako ng lumuhod siya saka binuhat niya ako na parang sa mga ikakasal.

"Ang sweet naman ng boyfriend niya!"

"Ayieee sana all!"

Namumula ang pisngi ko sa mga naririnig ko. Sa totoo lang ramdam na ramdam ko ang matigas na muscle at malapad na dibdib ni kuya. Palihim akong humahagikhik sa isipan ko dahil sa mga pagnanasang nasa isip ko.

The Last Shot (Memories of You)Where stories live. Discover now