Chapter 6: Squiggle

Start from the beginning
                                    

"Ako magsasabi kay Jet!" napasigaw ako dahil sa kilig. "OMG, OMG! Kinikilig ako!"

"Hoy, teka, 'di ko talaga siya crush as in super crush, okay? I mean, sa lahat ng lalaki, siya 'yong pinaka-type ko. Alam mo bang . . . 'wag na nga."

"Hala, parang tanga! May sasabihin tapos . . . parang ano naman, e. Ano 'yooon!"

Natatawa si Anya dahil sa pagwawala ko. "Wala, wala. 'Wag mo na pansinin."

"Sige na, please, BFF?" Alam kong kaiisip ko lang na hindi niya dapat sabihin lahat, pero ayaw ko kasi kapag may sasabihin na tapos biglang uurong. Haha!

"Ganyan ka naman, e. Tinatawag mo lang akong BFF kapag may kailangan ka."

"Hala! Fine, 'wag na—"

"Joke lang! Hindi na 'to mabiro. Fine. Kasi . . ." Tumingin muna siya sa paligid bago niya tinuloy. "Naaalala mo no'ng umalis ka? 'Yong huli nating kita kay Jet?"

Iyon 'yong nagkita kami ni Gab . . . at nakalimutan ko na kikitain ko nga pala si Jet sa playground.

"Mga halos eight thirty 'yon . . ."

Eight thirty? Halos pagkatapos lang na pumunta si Jet sa bahay namin. "O, anong mayro'n?"

"Nagtext kasi ako sa kanya. Well, actually, dapat sa 'yo rin. Kaso naunang nasend 'yong kanya, e, piso na lang pala 'yong load ko at hindi ako unli."

"Tapos?"

"Inaway kasi ako ni Mama dahil nabasag ko 'yong baso sa bahay. E, kauuwi ko lang galing boarding house no'n tapos papagalitan agad ako."

"Ano ba 'yon . . . parang baso lang."

"Pero kasalanan ko naman talaga."

Siguro kung ako ang nasa sapatos ni Anya tapos pinagalitan ako dahil lang sa isang nabasag na baso, baka nag-away na kami ni Mama. Pero perpekto siya, e. I mean, alam ko namang walang perpekto sa mundo, pero siya na ang pinakamalapit do'n. Basta nasa kanya na lahat—maganda, mayaman, talented, mabait, matalino. Consistent ba namang dean's lister at scholar pa. Hindi ko masabing opposites kami. Mabait naman ako nang kaunti, matalino rin nang kaunti,. Nakapasa naman ako rito sa university na 'to. May kaya naman. Kahit papa'no e may talent. Mukha namang papasa ako sa sarili kong standards ng ganda. Kumbaga, a little bit of Anya.

'Di ko nga alam kung pa'no kami naging magkaibigan nito. E, ako pa naman 'yong tipong asal-bata at madaldal no'ng high school, tapos siya may finesse, mapili sa mga salita. Hindi ko naman akalain na magiging kaibigan kami nang matagal matapos namin maging classmates—at seatmates pa—no'ng second year.

"Ang bait mo talaga, ano?"

"So wala akong maiyakan. Tinatawagan kita sa bahay n'yo, pero wala ka pa raw do'n."

"Nando'n na ko ng eight thirty!"

"Mga seven siguro 'yon. Basta mga gano'ng oras."

"A, wala pa nga ako."

"Nag-text ako kay Jet." Tapos pinakita niya sa 'kin 'yong sent messages niya.


Anya: Hay. Nagkamali na naman ako. Can I call? :-(


"Dapat sa inyong dalawa 'yan, kaya parang general 'yong text ko. E, alam mo namang 'di ako matelebabad, 'di ba?"

"True."

"Tapos nagulat ako nang nag-text siya. Ito . . ." Pinakita niya 'yong inbox niya.


Tossed CoinWhere stories live. Discover now