"Bakit hindi sila sa gym?" tanong ko kay Selena.

Nagkibit balikat siya. "Ginagamit ata ng faculty. Yung show thingy nila doon."

Sa labas palang ng covered court, marami nang mga taong nandoon. Rinig na rinig 'yung pito galing sa loob.

Wow, akala ko ba tune-up game lang 'to?

Sa hindi ko malamang paraan, nasiksik naman ako ni Selena hanggang sa harap ng basketball court. Maski sa volleyball court ang daming mga taong nanunuod kaya sarado 'yun. Grabe! Ang lala naman ata? Eh hindi nakakapasok ang ibang students dito sa campus kung walang ID, pero ang dami kong nakikitang mga estudyante dito. Siguro 70% galing sa SLU, at yung iba ay galing sa UB.

"Oh crap, sorry," biglang bulong ni Selena. "I forgot!"

Kumunot ang noo ko.

Ano nanaman pinagsasabi nito?

She started biting her nails while her eyes were following a certain player on the court. Parang bumalik yung kilig, kaba, at sakit sa dibdib ko.

"Sorry, Raf! Hindi ko talaga naisip. Tara na nga," sabi niya sabay hila sa braso ko.

Pinigilan ko naman 'yon.

"Okay lang. Dito na tayo." Nakahalumbaba ako habang pinapanood yung game nila.

3rd quarter na at sobrang dikit ng laban. Magaling naman talaga mag-laro si Claude. He's got a nice build. Hindi siya super muscles like body builder extreme tabata body, but he's got an athlete's build which is nice.

Jaxon is probably the same height as Claude, halos same rin sila ng build. Only difference is, si Claude, mas maputi kay Jaxon, and they both have very different facial features.. pero parehas naman na gwapo!

Hay! Feeling ko tuloy nasa love triangle ako kahit na hindi naman ako crush ni Claude at may ibang gusto si Jaxon! Kunwari na lang mahaba hair ko.

"Uy,  kita mo yung number 2? Crush ko 'yun! Si Noestro!" Hagikhik ng isang babae sa likod ko.

"Crush ko yung isang teammate nila, si Hanz! Grabe, kapag ata galing SAMCIS, requirement na matangkad at gwapo?!" sagot naman ng isa.

"Oo 'no, hanz-ome siya," sabi pa ng isang babaeng kasama nila.

"Ay witty ka doon!"

"Corny!"

"Sa UB, ang pinaka-gwapo talaga si Marx!"

"Uy, hindi ah! Si Jaxon pinaka-pogi, aminin niyo!"

Pinipigilan ko na lang ang tawa ko habang si Selena naman ay halatang nakikinig rin sa usapan ng mga babae sa likod namin.

Kaya pala ang daming nanonood! Mga mahaharot! Buti nalang ako hindi tulad nila.

Char!

Pagdating ng 4th quarter ay nagpahinga na si Claude kaya naman pumasok na si Ezra.

Halimaw talaga 'tong dalawang magkapatid. Kaya kilalang kilala sila sa Baguio, eh. High school pa lang kasi, kinukuha na silang mag-laro sa iba't ibang universities. Naalala ko noong grade 10 kami ni Ezra, kinwento niya sa akin na dapat daw sa Manila mag-aaral si Claude dahil nago-offer ang La Salle ng scholarship para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya tinanggihan.

Pero okay na rin. Kung tinanggap niya 'yon edi hindi ko na siya natawag na babe tapos hindi siya maiinlove sa akin nang ganito, diba?!

"Hoy, nakatitig ka naman sa ex mo." Siko sa akin ni Selena.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now