Chapter 13 | April 13,2020

2 0 0
                                    

Hi!!!
I just want to share something... for me medyo private to sa'kin. Sa mga close friends ko lang to shineshare.

It was July 2017 when my face started to have pimles, mga dalawa or tatlo yun sa gitna ng kilay ko. That time hindi yun normal para sa'kin kasi paisa isa lang ako kung magka pimple. Everytime of the month lang pero that time di ko naman yung time of the month so medyo nagpapanic ako. Medyo lang naman hahahahaha Tapos pinakita ko sa friends ko na ganun pinipimps ako, send send tas iniisip ko siya kasi first time ko yun. Nakita ng friend ko na nagkaganun yung face ko so nirecommend niya sa'kin yung BL cream (yung maroon na bottle) so ako si shunga tinry yun kasi nga sabi effective raw and that was the biggest mistake I've ever had chaaaaar!

So ginamit ko na nga siya, yung tatatlong pimples sa face ko hindi nawala at mas worse tinubuan ako nang sobrang daming butlig sa face. Yung butlig na visible talaga kasi madami. Dun na'ko nagpanic kasi baka wrong move yung BL, baka dapat di ko nalang pinansin yung tatlong pimps, baka OA lang talaga ako. Tinigil ko yung pag gamit ng BL cream at bumalik nalang ako dun sa old products na gamit ko pero...
Hindi na siya nawala, nagtuloy tuloy na yung pag bebreak out ng face ko. Pimples sa noo, pisnge, at sa baba. Kahit yung mga friends ko napapansin na yung mga pimple break-out ko. Mga kapit-bahay, family, relatives, family nung mga friends ko. Ang dami kong products na ginamit, kada recommend nila, bili ko basta masabi nilang effective. Hanggang sa sumuko nalang ako pinagpray ko nalang hahahaha and then 2018 na'to nagkaron ako ng ubo't sipon so need ko mag pacheck-up non kasi tumagal na ng lampas isang linggo. May nirisetang gamot sa'kin, more on antibiotics na so ininom ko na. Ilang days after ko ininom yung mga meds sobrang nagbreak-out yung face ko hindi tulad nung break-out nung mga nauna. Mas malalaking pims & mas madami. Halos mapuno na muka ko pero nung pag balik ko naman sabi ni Doc side effect daw yun ng kahit anong antibiotics so kalma lang ako. Gumaling na yung ubo & sipon sabi niya diretso na raw namin sa face. Binili ko yung mga reseta rin niya so tiwala ako kasi doctor na eh. Feeling ko ito na, babalik na sa dati pero naka ilang bili na'ko nung mga nireseta niya pero wala namang nangyare di naman nawala yung mga pimples ko, bumalik lang dun sa dating mapimples pero di na yung tulad nung sobrang dami so end nanaman nung hope ko. Suko na talaga ako kasi sabi ko nung 2017, basta dapat bago mag graduation ng Grade12 wala na'to kaso meron parin, edi bago nalang sa college kaso wala parin. Suko na me HAHAHAHAHA magpapasukan na kasi that time so wala na'ko pag-asa. July na nung month na yun, next month pasukan na so di na kakayanin.

Bago magpasukan nag parebond ako, napansin nung friend ko na may pimps parin ako so nirecommend niya sa'kin yung gamit niya na pampatuyo ng pimples. That time wala na'kong gana, as in bibilin ko nalang yung gamot pero di na'ko umaasa na magiging okay kasi July 21, eh yung pasukan eh August 8 so di na talaga kaya. Nang pangalawang araw ko na siyang ginagamit, pansin ko na natutuyo nga yung mga pimples ko so hoping nanaman ako. Hanggang sa ayun na nga... Sobrang saya ko kasi umokay siya talaga, sobrang effective. Ang bilis natuyo nung mga pimples at marks nalang so nung nagpasukan confident nako mga teh. Simula August naging okay siya. Titigyawatin everymonth nalang tas isa isa lang so di na nagiiwan ng marks. Tuwang tuwa talaga ako nun as in nakakapagselfie na'ko ng di naghahanap ng filter na di mahahalata pimps ko. Nakakapag zoom in na nga ako ng face eh. Di na'ko nahihiya mag upload ng selfies but... Magbabakasyon na nun kasi tapos na namin yung first year at may nagawa nanaman akong pagkakamali. Nag add ako ng product na nilalagay sa face ko, same brand naman sa nakagaling sa pimples ko so tiwala ako pero ilang araw after ko gamitin yung cream na yun, nagdagsaan nanaman yung mga pimples ko. So mga May 2019 nung nagbreak-out nanaman yung face ko and until now di na ulit sila kumalma tulad nung dati. Lagi nanaman ako nagkakapimples. Lalo pa ngayon na nag quarantine di ko mabili yung gamot na nilalagay ko so dagsaan sila kasi walang nagpapatuyo. Mas nakakatakot pala yung feeling pag bumalik yung mga panahong puro tigyawat yung muka mo. Nakakatakot kasi naranasan ko na yung bumalik sa dati eh so bakit babalik pa dun. At feeling ko, ngayon bumalik na siya. Dagsaan na naman yung mga pimples ko. Naistress pa'ko kasi di ko malagyan ng gamot kasi sarado mall na pinagbibilan ko nun. Haysst...

Kaya ko to shinare kasi gusto ko lang sabihin na kapag okay naman yung face mo, wag mo nalang pakeelaman. Hayaan mo nalang muna. Wag gamit ng gamit ng mga products lalo na di mo naman sure kasi yung face natin napaka sensitive nyan so need talaga ng maingat na pag aalaga.

So ito pala yung face ko ngayon di lang halata kasi nasa kabilang part yung mapimps HAHAHAHA
Sana kumalma na ulit siya at matapos na tong Covid nato. Keep Safe everyone!!!

This is the longest chapter I've ever write hope you enjoy my pimples story

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This is the longest chapter I've ever write hope you enjoy my pimples story.

Just My Typical DayWhere stories live. Discover now