Chapter 8 | December 17, 2019

5 0 0
                                    

Grabe! Sobrang stress nitong mga nakaraang araw. Mukang alanganin talaga ah! Parang di talaga ako para sa scholar na yan? Parang everytime na magpafinals tas viewings of grades na, never pa'ko nagkaroon ng peace of mind na makakasama ako sa scholars. Nagaral naman ako, nagreview, binawi ko yung mga need kong bawiin. Last sem sabi ko, pag ako di pa rin nakasama sa mga scholars at magoffer sila mama na magtransfer nalang ako, papayag na'ko. Baka ito na kasi yung sign ni Lord na need ko na talaga lumipat or di talaga ako para sa LPU. Tama na yung 1 & 1/2 year kong naranasan yung makapag aral sa LPU.
Syempre hoping pa rin ako na BAKA, BAKA LANG NAMAN magkaroon ng himala at makahabol yung grades ko at makapasok ako sa scholars. Laking blessing nun for me. Solve na christmas ko nun. Yun lang talaga pero andun na rin kasi ako sa point na if ever di talaga ako makapasok, baka ito na nga yun. Lilipat na talaga ako if magooffer sila mama kasi di nila kakayanin yung tuition fee. For sure kasi more than 60K yung tuition namin ngayong second sem. Nakakapagod na rin kasi yung kada sem may dissapoitment akong nararamdaman. Dissapointed ako sa sarili ko kasi parang ginawa ko naman yung part ko pero bakit di pa rin sumasapat yung mga ginagawa ko? Nakakapagod. Kung tutuusin okay lang sa'kin hindi makasama sa scholars pero sobrang laking tulong kasi nun kila mama, papa & kila ate if makakasama ako. Di nila ako pinepressure pero gusto ko talaga eh. Ginagawa ko to kasi gusto ko iprove sa sarili ko na kaya ko pero parang kahit anong gawin kong pagpoprove or pagpupursigi parang di talaga pwede HAHAHAHAHAHAHA
Next chapter siguro alam ko na yung result kung nakasama ba'ko or hindi. I hope na nakasama na'ko and if hindi Thank you parin Lord kasi I know di mo'ko pinabayaan during exams.

Just My Typical DayWhere stories live. Discover now