002

76 7 4
                                    

Two days have passed and I'm still struggling to move, like walking and moving my hands. Even when I tried to get up on my bed, nahihirapan ako.

Ang sabi sa akin ni Mommy 3 weeks akong hindi nagising. So naisip ko na baka dahil sa buong tatlong linggo ako nakahiga kaya sumakit yung buong katawan ko.

Napabuntong hininga ako napatingin na lang sa labas ng bintana.

"Ang lalim naman po ng hininga niyo. May problema po ba, Miss?" Si Lia ang Personal Maid ko. Si Anais at Kari ay mga kasamahan ni Lia.

"Nakakabagot naman kasi na andito lang ako palagi sa loob ng bahay. Gusto ko ng lumabas. Pero ayaw naman akong palabasin." Medyo nakasimangot kong sabi.

"Eh Miss, natatakot kasi sina Duke at Duchess, baka mapano ka pa. Di ka pa nga nakakalakad ng maayos eh." Aniya.

May point naman siya. Baka mas madagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko. Muli akong napabuntong-hininga.

"Nakabalik na ba sina Anais at Rio?" Inutusan ko kasi si Anais na pumitas ng mansanas at ubas. Medyo malayo kasi yung taniman ng mansanas at ubas dito sa bahay. At dahil malayo nga yun, pinasamahan ko siya sa isa sa mga knight namin, si Rio.

"Wala pa po eh."

"Hays! Ang boring naman." Sabi ko pa.

"Gusto mo ba ng tsaa, Miss? Ipagtitimpla kita."

"Sige."

"Saan niyo pong gusto uminum? Dito lang po ba o gusto niyo sa garden."

"Sa garden na lang. Di pa naman masyadong mainit sa labas eh." Alas dies pa kasi kaya okay lang.

After a few minutes...

Inalalayan ako ni Lia papunta sa Harden. Nakita kong nakahanda na ang tsaa ko at may kasama ring pagkain.
Di ako masyadong umiinum ng tea sa dating mundo ko. But now, I'm in a completely different world, I decided na iinum na ako. Tsaka bahagi na kasi ito sa buhay ng mga nobles.

Habang umiinom ako ay di ko pa rin maiwasang mamangha sa harden na meron kami. Sobrang ganda, ang daming makukulay na mga bulaklak. Pag ganito ang nasa paligid mo talagang mari-relax ka. Pagpinagsama ang mga bulaklak at mga kahoy, it feels so good and refreshing. Gaganda talaga ang mood mo. Kaya nga ngayon eh nawala na yung pagkabagot ko.

Pangiti-ngiti ako habang umiinom ng tsaa nang biglang may tumawag pansin sa aking tenga. May naririnig kasi akong parang nag 'Haha-Ho!'. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Aw, shiiit!!" Mura ko nang makalimutang masakit pa ang mga paa ko. Mabuti nalang at wala si Lia. Bumalik kasi siya sa loob para ihanda ang tubig na panligo ko.

Dahan-dahan akong naglakad at hinahanap yung ingay.

"Haha-ho! Haha-ho!"

Medyo palakas na ng palakas ang ingay na naririnig ko. Ibig sabihin malapit na ako. Ilang hakbang pa ay may naririnig akong mga kalansing ng sandata.

Ha? Sandata?

Paikang-ikang pa ako sa paglalakad hanggang sa natagpuan ko na kung saan nanggagaling ang mga ingay na naririnig ko.

Napanganga ako sa mga nakita ko. As in ngangang-nganga ako. At ang mga mata ko'y parang naging hugis puso.

Oh my holy mother of juice! Ang gagwapo nila lahattt!

I tried closing my eyes multiple times, sinisiguro kung totoo ba talaga ang nakikita ko.

In my previous life naging hobbies ko na ang manood ng mga dramas. Like K-dramas, J-dramas, and Us dramas at iba pa. Even thai series nanunood ako lalo na pag BL.

Suddenly Became A Lady Of House RavelliOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz