Chapter Eleven: Island Hopping

292 15 2
                                    

Kinabukasan, sobrang agang nagising ni Yves. She's all dressed up when she woke us up. Pilit niya kaming ginising ni Lianna at nang tinignan ko ang orasan ay alas singko y medya pa lang!

I groaned. Tinabunan ko ang mukha ko ng unan. "It's still early, Yves!" namamaos kong sabi.

Inaantok pa ako dahil hindi kaagad ako nakatulog kagabi kahit na pagod.

"Dali na! Hindi tayo kakain sa hotel ngayon! We'll go out!" she said as I heard her waking Lianna up.

"Maaga pa!" I mumbled.

"Well, you're both slow to get ready at mag i-island hopping tayo ngayon, remember?!"

Nagbuntong hininga ako at tinanggal ang unan sa aking mukha. Inaantok man ay pinilit ko na ang sariling maupo. My eyelids are still heavy.

"Pero alas otso pa 'yon." I said, yawning.

"Lianna, wake up!" ani Yves habang pilit na niyuyugyog si Lianna para magising.

Binalingan niya ako at nagtaas ng kilay. "Hindi nga tayo dito magb-breakfast! Pupunta muna tayong D'mall." sabi niya.

Napailing na lamang ako at napagpasiyahan ng tumayo at makaligo. 

Pinasadahan ko siya ng tingin at nakitang naka suot na ang bikini niya sa loob ng isang black off-shoulder romper. The red strings of her bikini is visibly tied on her neck. 

"Didiretso na ba tayo mamaya after breakfast?" I asked.

She nodded. "Yup. Wear your bikini already. Just put a cover up."

Tumango ako bago ko kinalkal ang aking maleta for my clothes. Pumasok ako ng banyo at hinayaan siyang gisingin si Lianna.

After taking a bath, I wore a beige bikini under my white lace hollow out beach cover up dress.

Lumabas ako at si Lianna naman ang pumalit sa akin para makaligo.

Yves is already busy with her phone. Dumiretso naman ako sa kama para makapag blow dry ng buhok.

"We'll eat at Lemoni Cafe. Pagkatapos ni Lianna kakatukin ko na ang mga boys." 

Napabaling ako sa kaniya na patuloy pa rin sa pagkalikot ng cellphone.

"Bakit hindi mo pa sila gisingin ngayon?" I asked.

"Mamaya na. Baka gising na rin naman ang mga 'yon." kibit-balikat niya.

Hinayaan ko na lang siya dahil mas maaga nga naman madalas nagigising ang mga 'yon kaysa sa amin.

After I blow dried my hair, I went straight to the mirror to put my hair in a bun.

Hindi naman siguro maaalis ito kapag nag-swimming kami mamaya diba?

Napaisip tuloy ako na sana pala gumaya na lang ako kina Yves at nagpa braid na rin. At least they won't have to think what hairstyle they should wear and is suitable for swimming.

"You want me to tie your hair in a fishtail?" Yves asked.

Her suggestion is better than mine so I nodded. "Sure." 

Lumapit ako kay Yves at sinimulan na niya ang pag-iipit sa buhok ko.

Lianna wore a green bikini under a floral maxi dress. At dahil parehong ayos na kaagad ang mga buhok nila ni Yves, nag-ayos na lamang siya ng kaniyang mukha.

Habang itinatali ni Yves ang aking buhok ay naglalagay na rin ako ng sunscreen. I decided to be bare face today dahil mags-swimming kami mamaya. 

I just put on my pinkish nude waterproof lip stick and I'm done.

Still You Where stories live. Discover now