Chapter 6 yakapsule at kisspirin

68 4 2
                                    

Mara POV

Parang di ako makapaniwala sa nakita ko, pano?? Panong buo pa to?? eh nakita kung pinunit ni Gino ang note nato??at bakit puro pasa ang katawan ni Gino??dahil ba dito??ang ibig bang sabihin ni loko ako ng Sam nayon?? lagot sya sakin kapag nalaman kung totoo ang iniisip ko.

Naguilty naman ako sa sitwasyon ni Gino. Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.

"aray!!! Mara papatayin mo ba ko, sa pagkakayakap mo?? di nako makahinga at parang makakalas ang buto ko" natatawang nasasaktang sabi nya

"ai!! sorry"tapos pinakawalan ko na si Gino sa pagkakayakap ko, diko na napansing mahigpit na pala ang yakap ko kanina

"wag"sya

"huh??" ako

"wag mo kung bitiwan, yakapin mo lang ako, yung mahigpit"

"ano?? diba nasasaktan ka??baka masakan lang kita, kapag niyakap kita ulit" bakas sa boses ko ang pagaalala

"kahit, masaktan pako ng paulit ulit okay lang basta, para sayo Mara ko" sabi nya habang nakapikit

hindi naman ako gumalaw at nakatingin lang sa mukha ni Gino ,tumulo na naman ang luha ko.

"taha na Mara ko, wag kang

umiyak lalong sumasakit ang katawan ko sa pagiyak mo eh" habang hinahaplos ang balikat ko

hindi parin ako umimik

"sige na yakap na, please...kahit mahigpit okay lang"

sinunud ko naman at

niyakap ko na si Gino, pero di masyadong mahigpit

"higpit pa, gusto kung maramdaman ang higpit ng yakap mo Mara ko" hiling ni Gino

"ganito??" hunigpitan ko pa

"higpit pa"

"ganito??" maslalo ko panghinigpitan

"ayan ,ganyan lang, sarap" nakangiting sabi ni Gino

"sinong, gumawa sa yo nito??" di ko napigilang tanong

"wala"

"Gino!!" tawag ko, na parang nagpipigil ng galit

"sabihin mo" ako

Naramdaman ko namang huminga sya ng malalim bago nagsalita

"Sam, at mga kasama nya"

"ano, bakit??"diko makapaniwalang tanong

"basta ,ikwento ko sayo ,pag ok na ang pakiramdam ko"mahina nyang sabi

di nako nagpilit alam kung masakit ang katawan nya, kaya pagpapahingain ko muna sya.

"kaya, mo pa bang maglakad??dadalhin kita sa hospital"

"wag, ayoko doon, dito na lang ako kasama mo"

Tumango na lang ako at inakay sya papunta sa kwarto, pagkatapos kung maihiga sya, baba agad ako sa, para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig, para mapunasan sya.

Pagpasok na pagpasok ko narinig kung tinatawag nya ako, gising na pala sya, kaya mabilis akong lumapit kay Gino.

Katatapos nya lang maligo Amoy na Amoy ko ang sabon at shampoo ko na ginamit ni Gino ang bango bango nya tapos naka pagpalit na rin sya ng bagong damit, sandali okay na ba sya?? bat tumayo na sya??

"Gino, may kaylangan ka ba??"ako

"dito, ka lang, wag kang aalis sa tabi ko"sya

"ok, dito lang babantayan kita"ako

"kumusta ng pakiramdam mo??

"bat ka tumayo ,baka mabinat ka??

"ok, na ok, nako wag kang magalala malayo sa bituka to' at sa galing ng nurse kung magalaga, kaso iyakin nga lang," tapos ay ginulo ang buhok ko

"di, ahh di ako iyakin"

"haha, aray" tawa ni Gino habang hawak ang dibdib nya

bigla na man along kinabahan

"ok ka lang??" nagaalala kung tanong

"ok, lang ako kumirot lang bigla ang sugat ko

"huh saan"

"dito" sabay turo sa dibdib nya

"patingin??"ako

umupo naman sya sa kama at hinubad ang damit nya, wow abs

"dito" turo ulit sa dibdib nya

charot ang abs bow, hindi hindi erase erase erase ang green ko.

"dito" tapos hinawakan ko ang dibdib nya, may malaking pasa eto ,at sugat sa gilid

Kinuha ko naman agad ang first aid ko sa may lamesita ,at sinimulang gamutin ang sugat ni Gino

"masakit pa ba" ako

"hindi na" sya

"aray!!"sigaw uli ni Gino

"san, masakit"ako

Nagpanic na naman ako

"dito" turo nya ang labi nya

Di, ko napigilang hawakan ang gilid ng labi ni Gino, at mapalapit ang mukha ko sa mukha nya, sa lapit parang maduduling ako,

"dito" ako, habang hawak ang gilid ng labi nya, at lapit na lapit ang mukha ko sa kanya nakatingin parin ako sa labi nya ng tumaas ang tingin ko nagkasalubong ang tingin namin ni Gino.

"Mara ko" tawag ni Gino sa kin, hindi parin pinuputol ang tingin namin

Napalunok naman ako, kinakabahan ako sa susunod na mangyayari

at dahan dahang lumapit ang labi nya sa labi ko, ramdam ko ang mainit at mabigat na paghinga ni Gino

"Gino" ako, nanginginig ang boses ko

"tsup"

Ng maramdaman ko ang labi ni Gino sa labi ko, biglang akong kinilabotan ,nawala ang kabang naramdaman ko kanina, parang idinuduyan ang pakiramdam ko. Masarap ang pakiramdam ng labi nya sa labi ko. Hindi gumalaw si Gino at pinanatiling magkadikit ang labi namin ,napapikit naman ako. Smack and Gentleness.

that was my first kiss at si Gino ang unang lalaking sa buhay ko. Ito pala ang pakiramdam ng first kiss.

majestic and heaven

At dahil sa halik may biglang nagbago sa loob ko.

A/N: ano kaya ang nagbago??

------

Ang hirap palang gumawa ng kissing scene ,harhar

Julniel FTW

The Legal WifeWhere stories live. Discover now