Chapter 12 langit

74 4 1
                                    

Mara POV

"Cheers!!!" sigaw nina Joy at mga kaybigan nya, habang enjoy na enjoy sa paginum ng ibat ibang klase ng alak na may ibat ibang kulay.

"Mara!! OK lang??bat di ka umiinom?? oh eto sige na try lang" tapos ibinigay niya sakin ang alak na hawak nya.

"Hmmm sige salamat" inabot ko ito pero diko ininom, madalas sabihin sakin ni Gino na wag akong iinum pagdi sya kasama at magagalit yun pagumuminom ako ngayon. Palihim ko na lang tinapon sa gilid ang laman ng baso, na hindi mahahalata ni Joy.

"O, ubusna?? ang bilis huh, parang tubig lang noh??, o eto last na hard to para mas masaya" bibigyan uli ako ni Joy ng alak, anong hard ang sinasabi nya?? di ko na lang pinansin at itatapon ko na lang uli. Maghahanap lan uli ng chimpo.

Pero di inaalis ni Joy ang tingin sakin, parang binabantayan nya ako.

"Mara, dali inum na magsasayaw pa tayo, di tayo pweding sumayaw ng hindi nakainom. Kaylangan natin ng pampalakas ng loob you know" na patango na lang ako isa lang naman diba, di naman siguro ako malalasing nito. Huminga muna ako ng malalim tapos tinunga ang laman ng baso ng marinig ko nagtawanan silang lahat.

Ang pait pwe... at ang init sa lalamunan, bakit ang pangit ng lasa nito.

"Wow, Straight up!!" sigaw nila

"Anong, straight up??" tanong ko

"Yun, yung klase ng paginum"

"OK" ako

Di ko na namalayang nagustohan ko na ang lasa ng alak na naiinum ko nagsimula sa isa, dalawa, hanggang sa di ko na mabilang. Nagsimula na rin kaming sumayaw sa gitna, parang lahat ng hiya ko nawala, panay ang sigaw ko, walang pakialam kung maririnig ng iba, sa lakas ng tugtug parang mabibingi ako, ganito pala kasaya sa lugar na to.

"Ohh..OK diba??" si Joy

"Oo, super!!" hibang na hibang ako ngayon ang feelling na ang gaan gaan.

Di ko mabuka ng maayos ang mata ko at parang biglang uminit ang pakiramdam ko, nakaoff ba ang aircon?? bat ang init??

"Cr, muna ko Joy" pagpapaalam ko sa kanya.

"OK"

Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko, di ko mabalanse ng maayos ang lakad ko, pagiwang giwang akong nag lakad habang hinahanap ang Cr.

Pinikit ko ang mata ko para di ko masyadong mahilo. Nang may mabangga akong matigas na bagay.

"Are you OK?? Miss??"

"Oo, sorry"

Binuka ko ang mata ko para makita ang mukha ng kaharap ko, bakit parang nagiging si Gino ang kamukha ng lalaking kaharap ko.

"Gino?? ikaw bayan??"

"Wow, so sino si Gino??"

"Diba ,ikaw!!"

"Miss, lasing kalang" tapos tinalikuran ako

Sinundan ko agad sya, "Hoy!! Gino bakit mo ko iniwan, huh?? pati ba naman ang pangalan mo nakalimutan mo!! dahil sa tampo mo sakin!!" huminto naman sya at naglakad pa balik sakin.

"Miss ano bang problema mo hindi nga ako si Gino diba, lasing kalang itulog mo na lang yan"

"Ayaw mo ba talaga sakin??"

"Miss ayoko ng gulo OK!!"

Gino POV

Putcha naman o!! ang hirap talagang utoin nitong si Mara diba, lasing nato?? Nag disguise nako para di nya makilala nakilala parin ako, at ito iiyak naman sya.

The Legal WifeWhere stories live. Discover now