Chapter 30: The Confrontation

368 14 2
                                    

Chapter 30: The Confrontation

Linggo na ngayon at mag-aalas dyes na ng gabi. Sobrang mahangin dito sa labas at sa ilang taon kong paninirahan dito, alam kong hindi normal ang isang 'to.

It's stronger than the usual one and the wind currents kept on crashing toward our location. Even the dusts and the sand in this desert came through with the wind kaya nahihirapan kaming makita nang klaro ang daan.

Nakahawak ako ngayon nang mahigpit sa balabal na nakatakip sa mukha ko at ganoon din si Lieutenant. Masyadong madilim ang daan at mas nahihirapan pa kaming bagtasin ang kahabaan nito lalo pa't ganito ang panahon ngayon.

"Roger. This is Lieutenant Mirren. Roger." Aniya sa radyo na hawak-hawak niya ngayon at napapansin ko ring maging siya ay nahihirapan sa sitwasyon.

Napabaling ako nang bahagya sa likuran ko kung nasaan siya.

"Lieutenant, mahihirapan kang maghanap ng signal sa ganitong panahon." Ani ko kaya napalingon ito sa akin. He did puts down the walkie-talkie at agad na nagsalita.

"It's dangerous out here now. We have no house to stay in until this settles." Napatango lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Magpalipas muna tayo ng gabi sa bahay namin." It was timid as I answered.

Ilang kilometro na lamang ang layo namin mula sa bahay ko. At ngayon babalik ulit ako doon kahit pa hindi ko alam ang kahihinatnat ko. Hindi ko alam kung nakatayo pa ba ang bahay namin o nasira na sa ilang taon na nilisan ko iyon.

At hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Dito sa Kanda walang ni sinuman ang naglalakas loob na lumaban, walang ni sinuman ang may hawak ng hustisya kundi ang Northern Guerilla. Siguro dahil ayaw matulad ng mga tao dito sa kinahinatnat ng lungsod ng Ezra, kung saan limang taon na ang nakalilipas ay may nabuong pag-aalsa laban sa Northern Guerilla. Pero hindi sila nagtagumpay, sa halip ay marami lamang mga buhay ang nasawi.

Dito sa bayan ko mismong ang sariling mga mamamayan ang nagpapatayan dahil sa walang makain at dahil sa sobrang kahirapan. Iilan lamang ang mga may kaya, pero kadalasan sa kanila ay wala ding awa, ni hindi kayang mag-abot ng biyaya sa mga walang makain. Walang gobyerno ang bansang ito, kaya ganoon na lamang ang pagnakaw ng Northern Guerilla sa karapatan ng mga tao.

For years, I lived out the streets. Swerte na lamang na nakilala ko si Dionne at kahit na papaano ay may naging kasama ako.

Naputol bigla ang iniisip ko nang sumagi sa isipan ko ang sinabi nung lalaking iyon sa painuman nung nagtanong ako kung may kilala silang blacksmith dito sa Kanda o kaya naman ay sa Ezra.

"...Hindi mo ba alam na lahat ng mga armas dito sa Eban ay inaangkat lamang sa sentro?"

Inaangkat sa sentro?

Sa buong Eban ay ang Heme Empire o Northern Empire ang siyang illegal na kumucontrol sa buong bansa, nasa bandang Hilagang-Silangan ito ng buong Eban, kakailanganin mong tumawid sa Helen River mula sa lokasyon namin dito sa Norte para makapunta doon. Mas mataas ang antas nito kung ikokompara mo sa Northern Guerilla o Northern Rebellion na nasa pinakaulo nitong Norte at siyang sentro. Doon namamalagi ang mga nasasakupan ng Heme Empire o iyong mababang uri ng kawal o mga tulisan na bumubuo ng rebelyon.

Yves of the Outskirts of Kanda (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon