Araw-Araw

2.4K 208 437
                                    

Lunes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lunes.

Dumilat ako matapos ang ikalimang na pag-snooze ko sa alarm. Kung puwede lang, nasa kama na ako habambuhay. Bakit kasi kailangan pa bumangon?

Malamya kong kinuha ang cell phone ko at tiningnan ko muna 'yong Facebook ko. Nakita kong may message si Mayari, tapos may naka-attach na litrato na nasa ibang bansa na siya.


Mayari: Ganda ng langit dito. May bago na akong phone. Heheh. Kaya na magpicture ng low light

Sun: Ganda nga

Sun: Parang ikaw haha

Sun: Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na dapat dyan di ba

Mayari: Gago haha

Mayari: Ano na di ka pa move on sakin? Lakas ng alindog ko haha

Mayari: Di makatulog e. Sa gabi talaga ako gising

Sun: Tapos magrereklamo ka na groggy the next day

Sun: Tunge. Haha. Ge, ingat. Bangon na ako. Late na sa work haha


Tanggap ko naman na hanggang doon lang kami. Na hanggang magkaibigan lang. Mas madali, sa totoo lang, na tanggapin kaysa roon sa nangyari sa 'kin nang minahal ko si Rayne. Hindi naman kami nag-uusap araw-araw. Paminsan-minsan lang dahil na rin sa time difference. Nakakatuwa lang na kahit papaano, naaalala niya ako.

Pagsulyap ko sa oras, ala siyete na ng umaga. Nagmadali akong bumaba para maligo. 'Yong kapatid ko pa naman ang nakatoka na gumamit ng sasakyan namin ngayong buwan, kaya wala akong choice kundi mag-commute.

Nga lang, may tao sa banyo. "Paaa! Ikaw ba 'yan? Male-late na ako!"

"Aba!" sigaw ng tatay ko. "Late ka nagising, tapos ako pagmamadaliin mo 'ko?"

"Sabihin ko na lang kaya na gamitin ko na 'yong sasakyan?"

"Magagalit kapatid mo!"

"Ugh! Dalian mo na lang!"

"Nasa inidoro pa ako!"

Puta. Balak ko pa naman sanang hindi na lang mag-agahan at sa labas na lang ng kakain. Mukhang makakapaghanda pa ako ng tinapay at kape sa lagay na 'to.

Sino ba kasing nagsabi na Lunes lagi dapat umpisahan ang trabaho? Ito talaga ang pinakakinamumuhian kong araw ng linggo. Bukod sa Lunes lagi ang pa-meeting ni boss, madalas din naman kasi akong may weekend hangover. Hirap na hirap ako bumangon, lalo na't nabigyan na naman ako ng bagong tatrabahuin.

At parang nananadya, kung kailan isusubo ko na ang tinapay, at saka natapos ang tatay ko. Inubos ko muna. Sayang, e. Papasok na sana ako sa banyo nang may nag-doorbell.

Mahal ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon