KABANATA 09

14.2K 214 25
                                    

Alex's Outlook

Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng mga nangyari kahapon. Ang daming tanong ang gustong gusto kong mahanapan ng kasagutan.

Sino si Bruce Kian? Ang ama ko ba? Magkakilala sila? Bakit kahit na kaylan hindi iyon nabanggit sa akin ni papa? Dahil sa may tinatago silang dalawa? Naguguluhan ako at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang mga kasagutan doon.

Kinabukasan ay maaga kong tinawagan ang imbestigador ng pamilya. Inutusan ko siyang alamin kung ano ang relasyon nila tatang at papa. Sa ngayon wala muna akong ibang gagawin hangga't hindi ko pa nalalaman ang totoo.

Pagkatapos kong kausapin ang imbestigador namin ay marahan ko ng ginising si Kit para makapag almusal at maaga pa ang aming pasok.

Sabay kaming bumaba habang inalalayan ko si Kit dahil sa masakit daw ang kanyang ulo. Sumalubong sa amin ang kakaibang titig ni tatang. Napatigas ang aking panga at napahigpit ang hawak ko sa aking kamao.

Hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit kapag iniisip kong may posibilidad na nagibg magkarelasyon ang ama namin ni Kit o dahil sa katotohang naunahan ako ni papa? Naguguluhan ako.

Ngumiti ito sa amin at binate kaming dalawa ng kanyang anak binate din siya ni Kit pabalik samantalang ako ay nanahimik lang. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

Bumaling ako kay Kit at tinanong kung gusto niya ng kape.

"Yes please" sagot ni kit saka hinilot ang kanyang sintido.

Tatayo na ako ng magsalita si tatang.

"How about me Alex hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko din ng kape?" Natigilan ako. Tumingin ako sa kanya saka napabuntong hininga.

"Yes tatang, how about do you want coffee?" Gamit ang masayang boses kahit na sa kaloob-looban ko ay may kakaibang puot ang gustong kumawala.

"Yes please. Less sugar" sagot nito saka kinindatan ako. Napatingin agad ako kay Kit kung nakita niya iyong ginawa ng kanyang ama. Umiwas siya ng tingin at kinuha ang kaing nasa lamesa. Nakita niya ba? Hindi ako sigurado.

Bumalik ang tingin ko kay tatang saka kinunutan siya ng noo. Ngumiti naman siya sa akin ng nakakaloko.

Napailing na lang ako saka nagsimulang magtimpla ng kape. Hindi din naman nagtagal ay natapos na ako at ibinigay na iyon sa mag-ama. Inilagay ko sa harap ni kit ang sa kanya at kay tatang.

Ilalapag ko na sana ang kape sa harap niya ng matabig niya ito.

"Ouch" daing niya ng matapon ang ilan sa kanyang dibdib at kaunting patak sa kanyang hita.

Nagulat ako sa pangyayari at mabilis na kumuha ng tissue. "Ayos ka lang tatang?" Aligaga ako dahil alam kong mainit iyon. Itinaas ko ang damit ni tatang saka pinunasan ang kanyang dibdib. Magkalapit ang aming mukha dahil sa pagpunas ko sa kanya. Naramdaman kong kinagat niya ang tenga ko saka bumulong.

"Naughty. Tama na ang pagpunas d'yan at dahil may iba ng tumitigas" napalayo naman ako sa kanya bigla. Napatingin ako kay Kit at nakaharap lang siya sa kanyang pagkain habang nakakunot ang noo.

"Ok na ako Alex. You can sit and eat" tumango ako at umupo na sa tabi ni Kit. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakita ba ni Kit iyong ginawa ng kanyang ama? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang Kit?" Bulong ko sa kanya ng hindi na ako nakapag pigil. Hindi niya pa kase kinakain iyong pagkain niya simula noobg umupo ako.

Napatingin naman siya sa akin saka napangiti. "Ay sorry may iniisip lang ako eh. Haha" tawa niya sabay subo ng pagkain.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now